BAGO NATIN SAGUTIN ‘YAN, ANO NGA BA ANG ICC?
Ang International Criminal Court (ICC) ay isang international organization at husgado na nag-iimbestiga at umuusig sa mga indibidwal para sa mga sumusunod na krimen:
Genocide
Crimes against humanity
War crimes
Bagaman ang bawat bansa ay may hurisdiksyon sa mga taong responsable para sa international crimes na ito, maaaring mag-intervene o makialam ang ICC kapag hindi kaya o ayaw imbestigahan ng bansa at ng kanilang hudikatura ang mga ito.
BAKIT KUMALAS ANG PILIPINAS SA ICC NOONG 2019?
Kasunod ng pag-iimbestiga ng ICC sa anti-drug campaign ni dating pangulong Rodrigo Duterte, kumalas ang Pilipinas sa pagiging miyembro ng ICC noong 2019.
ANO’NG NANGYARI SA IMBESTIGASYON NG ICC?
Noong 2021, sinuspinde ng ICC ang kanilang imbestigasyon kasunod ng hiling ng Philippine government ngunit nitong Hunyo lamang, iginiit ni ICC Prosecutor Karim Khan na dapat itong ipagpapatuloy.
ANO NGA BA ANG EPEKTO NG NON-MEMBERSHIP NG PILIPINAS SA IMBESTIGASYON NG ICC SA ANTI-DRUG WAR NI DUTERTE?
Wala itong epekto. Hindi makakaapekto ang non-membership sa mga imbestigasyon at paglilitis ng ICC na nagsimula bago umalis ang Pilipinas bilang miyembro nito, ngunit maaari umanong maging balakid ito sa pagkakaroon ng maayos na kooperasyon mula sa gobyerno ng Pilipinas.
MAKIKIPAGTULUNGAN BA ANG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON SA IMBESTIGASYON NG ICC?
“Bilang kortesiya,” handa ang Department of Justice (DOJ) na ibigay sa ICC ang anumang impormasyong hawak nila hinggil sa mga patayan kaugnay ng war on drugs sa bansa, ayon kay Justice Secretary Boying Remulla.
Kung may natutunan ka, feel free to share this with your friends!
Ariel
Sep 04, 2024 08:40 pm
Mainam na kilalanin muna natin ang ating sariling batas bago ang iba.
Aaron
Mar 24, 2023 11:51 pm
may sarili tayong batas para sundin at hindi ang ICC. Sa mga Bansang di umi iral ang batas lang pwede makialam ang ICC
Miguel Enrico
Apr 05, 2023 04:22 pm
kung makakatulong sila go lang pero kung makikisali sila para imbestigahan at ipatigil ang war on drug maaring mas lumago ang bilang ng mga pilipinong gumagamit ng mga ipinagbabawal na bisyo
Emanuel
Apr 06, 2023 11:04 pm
Kung hindi magbabalik ang Pilipinas sa ICC, hindi ito magkakaroon ng direktang implikasyon sa imbestigasyon ng ICC sa anti-drug war. Gayunpaman, maaaring maghatid ito ng mensahe sa international community na hindi handa ang Pilipinas na panagutan ang mga krimeng nangyari sa ilalim ng anti-drug war. Ito ay maaaring magdulot ng diplomatic consequences sa bansa
Jade
May 28, 2023 05:34 pm
Ang magandang epekto neto sating bansa ay hindi na tayo pakikialama. pa sa mga isyung pangkatarungan. Gayunpaman, ang masamang epekto nito ay maaaring mabawasan ang pagkakataon para sa pananagutan ng mga pinuno o indibidwal na nagkasala ng mga malalang paglabag sa batas, na maaaring magdulot ng kawalan ng katarungan at pagkakasala ng mga karapatan ng mga biktima.
Page 1 of 12.8