Kamakailan lang ay nanawagan si Senator Raffy Tulfo sa Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) na bigyan ng health coverage ang small-time bet collectors o mga kubrador.
Ayon kay PCSO Assistant General Manager Atty. Lauro Patiag, sa ilalim ng implementing rules and regulations (IRR) ng PCSO, ang kabos ay hindi empleyado ng PCSO kundi ng authorized agent corporations o Small Town Lottery (STL) operators. Gayunpaman, tiniyak ng PCSO na isasama nila ang nasabing concern sa mga susunod na amendments ng PCSO IRR.
Ang isyu na ito ay kaalinsabay pa ng patuloy na pagtaas ng inflation rate sa bansa na lalong ramdam ng mga nasa laylayan. Sa katunayan, ayon sa IBON foundation, nasa Php 1,145 na ang kailangang budget ng isang pamilyang may limang miyembro sa loob ng isang araw.
Bukod rito, lumobo sa 12.9 million na mga Pilipino ang bilang ng pamilyang mahihirap.
John Patrick
Apr 01, 2024 11:33 pm
Oo kailangan din naman nila ito .
Mary Ann
Mar 22, 2023 11:55 am
Bilang may kasamang STL kabo sa pamilya, talaga namang dapat maaprubahan itong health benefits para sa kanila. Hindi para sila ay paramihin kundi para makatulong sa mga taong walang kakayahang makahanap ng mas maayos pa na trabaho dahil sa estado ng buhay at tiyak na ito ay maraming matutulungan.
Jerwin
Mar 22, 2023 01:26 pm
Sa tingin ko ito ay magandang gawin dahil maraming tao ang mga agent o STL operators na ito ay ginagawang hanapbuhay kahit papaano, marapat lamang na bigayn sila ng health coverage dahil sila naman ay nakakatulong sa kumpanya ng PCSO, sana lahat ng kumpanya kahit small company lang yan ay kailangan sundin ang batas sa pagbibigay ng benefits sa mga empleyado nito.
Miguel Enrico
Mar 23, 2023 09:25 am
para sakin half sang-ayon half-hindi dahil kung lagi bibigyan nalang isang mamayan pwedeng hindi na sila gumawa ng paraan kayat ang kailangan nila magandang trabaho at need ng extra income hindi lang dapat aasa sa ayuda
Aaron
Mar 24, 2023 11:52 am
bilang mag aaral at sa nakikita ko sa ating lipunan, lahat dapat ay binibigyan ng ganto hindi ibig sabihin na sila ay nagpapasimula ng sugal o ibang masamang gawain ay hindi na sila dapat pagtuunan ng pansin lalo na sakanilang mga kalusugan
Page 1 of 16.8