TOTOO KAYA? Mga Pilipino, mas maghihirap pa raw sa mga darating na taon?

October 05, 2023



*i-click ang image upang mabasa ang buong infographic* Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 18.1% ang bilang ng mga Pilipinong naghihirap sa bansa. Mas mataas sa 16.7% noong 2018.


Ang problema, pataas ng pataas ang bilang na ito at tuloy-tuloy rin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin natin. Sabi ng mga ekonomista, pwedeng pumalo ang inflation sa mga susunod na buwan sa 5.3% to 6.1%.


Kung PASISIMPLEHIN, ang dating P50/kilo ng bigas ay pwedeng umabot ng P53 hanggang P55. Kung hindi ito makokontrol, POSIBLENG pumatak pa ito sa P60/kilo bago matapos ang taon.


Kaya naman ang bilang ng mga Pilipinong naghihirap, POSIBLENG tumaas dahil sa presyo ng mga bilihin.


IMAGINE, bigas pa lang ‘yan. Pa’no pa ang ibang mga bilihin natin, ‘di ba? Naka-amba pa ang panibagong TAAS PRESYO ng langis. Asahan mong posibleng tumaas pa ang presyo ng mga bilihin kasabay nito.


Kaya kung ikaw ang tatanungin, sa kaalaman mong ito, naniniwala ka bang mararanasan pa natin ang bigas na P20/kilo?


Hindi natin sasagutin ‘yan ngayon, pero malinaw sa ilang mga Pilipino na dismayado sila sa pangakong ito.


Sa katunayan, BUMUBULUSOK pa ang approval rating ng Pangulong Marcos dahil hanggang ngayon, hindi na nga mapababa ang presyo ng bigas, TUMATAAS PA ang presyo ng mga bilihin.

MAHIRAP NA NGA, BABAGYUHIN PA?

Isa sa mga nababanggit na dahilan kung bakit hirap umunlad ang bansa ay ang bilang ng mga bagyong humahagupit sa bansa taon-taon. May epekto ito sa produksyon ng palay, supply ng mga bilihin sa mga tindahan, at iba pa.


Kahit schedule nga ng mga klase, bilang ng class suspensions, at kondisyon ng school facilities, apektado.


Mahirap na nga ang buhay, hahagupitin pa tayo ng bagyo. Kaya malaking tulong kung handa ang gobyerno sa mga pagkakataong kakailanganin ng mga pamilyang Pilipino ang karagdagang ayuda.

KWESTYON SA PAGGASTOS NG PERA PARA SA TAO

Hindi na lingid sa kaalaman ninyong umani ng kaliwa’t kanang batikos ang budget na hiling ng ilang opisyal ng gobyerno. Kasama na riyan ang P221 million confidential fund na nirerequest ng Office of the Vice President.


Kung tutuusin, hindi mali ang magtanong. Dahil pahirap ng pahirap ang buhay ng bawat Pilipino, maraming hahanap ng sandalan sa gobyerno para kahit pano’y mabawasan ang bigat na dala nila araw-araw.


Kaya ‘wag kang magdalawang-isip. Kung may kwestiyon ka sa kung paano binabudget ang buwis na sa atin rin nanggaling, ibig sabihin nito, isinasabuhay mo lang ang tunay na diwa ng demokrasya.


Sa paghahayag mo ng opinyon mo, ‘di mo namamalayan, naipagtatanggol mo na rin ang pondong mailalaan sana sa tulong na dapat mapunta sa mga pinakanangangailangan.

Riza

Oct 09, 2023 03:05 pm

Possible dahil sa patuloy na pagtaas ng mga presyo ng bilihin, kerosin, transportasyon, at iba pa. Kung magpapatuloy ito gayun ang mga paghihirap ng mga mamamayan dahil hindi naman sapat ang kita ng bawat isa sa pang-araw-araw. At may utang pa tayo kasabay ng confidential funds na hanggang ngayon hindi alam kung saan napunta.

Vergie

Oct 11, 2023 05:44 pm

posibleng tumaas ang presyo ng bigas ngunit ganon din ang paghihirap ng mga mamimili

Rpie

Oct 13, 2023 10:56 am

Kung magpapatuloy ang ganitong sistema sating Bansa hindi ito malabo dahil nakikita naman naten sa kasalukuyang Panahon na patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin

Shejane

Oct 17, 2023 08:26 pm

may posibilad na totoo ito, dahil ngayon pa lamang mas nahihirapan na tayo what more pa next year

Shenalyn

Oct 18, 2023 08:24 am

para saakin, ay may posibilidad na mangyari ito saatin, dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. mahihirapan tayong mahihirap na pilipino dahil sa mga hindi nating kayang bilhin sa pang araw-araw nating gastusin

Page 1 of 13.4


eboto.ph