Teenage Pregnancy sa Bansa, Paano Dapat Solusyonan ng Gobyerno?

September 15, 2022



Para sa isang bansa na karamihan ay Katoliko kagaya ng Pilipinas, ang usapin ng teenage pregnancy ay maituturing na “controversial.” 

Ito ang pahayag ng country director ng Oxfam Philippines na si Lot Felizco, matapos nilang ilabas sa publiko ang kanilang pag-aaral na pinamagatang “Saying Yes to Whose Pleasures? A Feminist Study on the Acceptability of Pregnancies for Young Women.”

Ayon sa may akda nito na si Sabrina Gacad, “Pregnancy acceptability has more to do with ideas and expectations about motherhood, and the desire to make the most out of an unpleasant situation, than the circumstances around their sexual initiation.”

Nasa 39 na mga Pilipina edad 15 hanggang 24 ang naging respondents para sa pag-aaral na ito. Lahat sila ay “sexually active” at may iba rin na buntis o nagkaroon na ng anak noon. Ang pag-aaral na ito ay suportado ng University of the Philippines Center for Women's and Gender Studies, bilang bahagi ng Sexual Health and Empowerment Project na pinondohan ng Global Affairs Canada.

Ayon sa data ng gobyerno, bagamat bumaba man ang kabuuang bilang ng “teenagers” na nanganganak, lumolobo naman ang bilang ng mga dalagang edad 10-14 na nabubuntis. Ayon rin kay Gacad, may pagtaas rin sa bilang ng “repeat pregnancies” sa mga kababaihang may edad na 10 hanggang 17. Ngunit aniya, ang mga numerong ito ay hindi sapat upang ibunyag ang sitwasyon ng mga teenagers na may kinakaharap na “unexpected pregnancies.”

Base sa kanilang pananaliksik, kailangang tanggapin ng lipunan natin ang katotohanan at kapangyarihan ng “teen pleasure” at “sexuality.”

Bago ang pandemya, ang Pilipinas ang isa sa may pinakamataas na bilang ng teenage pregnancy sa buong Southeast Asia. Nag-improve man ang access sa contraceptives matapos ipatupad ang Reproductive Health Law noong 2013, may hadlang pa rin sa access sa emergency contraception para sa sexual health and wellness ng mga Pilipino.

Sa katunayan, idineklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na “national priority” ang pagpigil ng dumaraming bilang ng kaso teenage pregnancy noong nakaraang taon.

Matapos ilabas ang pag-aaral na ito, dapat na bang pag-isipan muli ng gobyerno ang kanilang hakbang sa pag-resolba sa “teenage pregnancy” sa bansa?

💬 Ano’ng masasabi mo, ka-eBoto? Share mo na ‘yan sa comment section!

References:

Patrick

Mar 24, 2023 07:05 pm

dahil sa suliranin ng buhay ay nakagagawa ang mga kabataan ng ginagawa ng mag asawa at nagsimulang dumami ng nagkaroon ng pandemya

Jerwin

Mar 25, 2023 02:06 am

Kailangan mas lalong bigyan ng pansin ang pagbibigay gabay sa kabataan ngayon

Mary Ann

Mar 25, 2023 08:14 am

Ang solusyon dito ay gabayan at ieducate ang mga kabataan sa pamamagitan nalang halimbawa ng seminars o webinars.

Miguel Enrico

Mar 28, 2023 02:14 pm

sana magka ruon ng limit ang bilang ng anak bawat tao sa isa hanggang sa dalawa lamang upang natuunan ng pansin ang mga anak hindi sila mapabayaan at mapawarila

Zoren

Mar 30, 2023 11:45 pm

It is necessary to pay more attention in giving guidance to today's youth not only at school but also at home.

Page 1 of 13.6


eboto.ph