Sweldo ng government employees, babawasan raw ng gobyerno para sa mga biktima ng lindol sa Turkey at Syria?

February 21, 2023



  • Walang katotohanan ang isang kumalat na government ‘memo’ hinggil sa “two-days salary deduction” ng mga kawani ng gobyerno.

  • Ang pekeng memo mula sa opisina ng Executive Secretary ay naglalayon umanong bumuo ng relief fund para sa mga biktima ng lindol sa Turkey at Syria.

  • Sabi ng Palasyo, kasalukuyang iniimbestigahan ang pagpapakalat ng naturang dokumento.


(1-min. read) Pinabulaanan ng Malacañang ang isang dokumento na nagpapanggap na isang memo mula sa opisina ng Executive Secretary. Ayon sa ‘memo’, magkakaroon umano ng two-day salary deduction ang mga empleyado ng gobyerno para mapundar ang sinasabi nitong “President Relief Fund for Turkey and Syria”.


Ang pekeng memo, na makikitang may pekeng lagda ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ay naglalayong makapagbuo ng isang relief fund para sa mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol sa border ng Turkey at Syria noong February 6. Saad nito, magkakaroon raw ng two-day salary deduction ang mga kawani ng gobyerno, mga opisyal ng civil at armed forces, at iba pa.


Ayon sa Official Gazette of the Republic of the Philippines, ang pahayagan ng gobyerno, walang anumang memorandum na inilabas ang opisina ng pangulo o ng executive secretary tungkol dito. Nagbabala rin ang Palasyo sa mga empleyado at opisyal ng gobyerno na maging mapagmatyag laban sa ‘deceptive information’. Bukod dito, makikipag-coordinate raw ang opisina ng executive secretary sa mga awtoridad upang maimbestigahan ang pagkalat ng nasabing memo, ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil.



SOURCES:

[1] https://ptvnews.ph/palace-refutes-memo-ordering-two-day-pay-cut-for-govt-workers-to-raise-relief-funds-for-turkey-and-syria/ 

[2] https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/861334/palace-assails-salary-deduction-memo-to-raise-fund-for-turkey/story/ 

[3] https://www.philstar.com/headlines/2023/02/20/2246231/palace-memo-salary-cuts-turkey-aid-fake 

[4] https://www.reuters.com/world/middle-east/major-earthquake-strikes-turkey-syria-about-200-dead-many-trapped-2023-02-06/ 

[5] https://www.facebook.com/govph/posts/502419332051049 

[6] https://news.abs-cbn.com/news/02/19/23/palace-memo-on-salary-deduction-for-turkey-aid-is-fake 

[7] https://politics.com.ph/2023/02/19/no-truth-to-salary-deduction-for-quake-relief-palace/

Mary Ann

Mar 22, 2023 03:43 pm

Kung tulong ang usapan maganda to, pero kung bawas sa mga trabahador, di natin sure🙊

Jerwin

Mar 23, 2023 12:12 pm

Huwag basta basta maniwala sa mga memo na nilalabas, at hindi maaari na bawasan ng 2 days deduction salary ang mga empleyado, nagbabayad na nga ng buwis ang mga tao, tapos babawasan pa?

KRISTA MAE

Mar 24, 2023 05:32 pm

Huwag basta naniniwala sa mga fake memos.

Anne

Mar 24, 2023 09:40 pm

kung babawasin po ito sa mga trabahador ay hindi po ito maganda

Miguel Enrico

Mar 24, 2023 09:54 pm

kung ito may totoo mas mabuting wag nang bawasan ang sweldo ng mga trabahador dahil una sa lahat karamihan sa mga trabahadol kulang pa ang sweldo sa dapat nilang budget sa isang buwan kayat kung maari mas maiging huwag bawasan ang bawasan nalang ay ang presyo ng bilihin

Page 1 of 14


eboto.ph