![](https://api.eboto.ph/proxy/uploaded-files/whatsnews_mayor_sa_tarlac_na_may__koneksyon__sa_pogo__pinaghihinalaang_1715655459830.jpg)
Sa kabila ng diplomatic tensions sa pagitan ng Pilipinas at China, pinagsusupetsyahang may koneksyon sa People’s Republic of China ang alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Leal Guo nang gisahin siya ng mga senador sa isang Senate hearing.
Hinaharap ngayon ni Guo, na naging pinakaunang babaeng mayor ng Bamban, Tarlac nang manalo siya noong 2022 elections, ang kabi-kabilang pagdududa sa kanyang nationality, family background, at sinasabing ‘ties’ sa Chinese companies.
Pinangunahan ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang senate inquiry kay Guo noong May 07 para ma-verify ang kanyang nationality at posibleng links sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) companies na nag-ooperate sa Tarlac.
Ayon sa official Facebook page ni Guo, siya ang “First lady Mayor” ng Bamban, Tarlac. Image source: Mayor Alice Leal Guo FB page
Sa hearing, kinwestyon ni Hontiveros ang tila biglaang paglitaw ni Guo noong 2022 elections.
“Ayon mismo sa mga taga-Bamban, bigla na lang lumutang ang pangalan ni Mayor Alice Guo nung eleksyon noong 2022. May nakakakilala kaya talaga sa kanya sa sarili nyang bayan?” tanong ni Hontiveros.
Sa nasabing hearing, kinwestyon ang family background ni Guo. Bagamat ayon sa official records ay may Filipino name ang ama ni Guo, inamin ng Mayor na ang totoong pangalan ng ama niya ay “Jian Zhong Guo,” isang half-Filipino at half-Chinese.
Ayon kay Hontiveros, bagamat may dokumento ng pagka-Pilipino ang ama ni Guo na si Anghelito Guo, may ibang dokumento naman na nagsasabing Chinese national sya.
Mayor Guo, ‘di sure sa ilang detalye ng buhay niya
Viral ngayon sa social media ang mga video clips sa Senate hearing na nagpapakita ng kanyang pagsagot sa mga tanong ng mga senador. Hindi sigurado si Guo sa mga detalye ng kanyang kapanganakan, family background at kanyang edukasyon.
“Ngayon, Mayor, napag-alaman din po namin na delayed 'yong inyong registration of birth. Ilang taon na po kayo noong na-register 'yong inyong birth?” tanong ni Hontiveros.
Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Senate hearing. Image source: ABS-CBN News
“Your Honor, hindi ko lang po siya masyadong maalala po ngayon. Okay lang po, check ko po?” sagot ni Guo.
Kinalaunan, napag-alaman na nakalista ang birth certificate ni Guo 17 taon pagkatapos ng aktwal na pagkapanganak niya noong 1986.
Hindi rin alam ni Guo ang birth place niya.
“Saan po ‘yung bahay ninyo noong ipinanganak kayo?” tanong ng Senador.
“Your Honor, ‘di ko na po alam,” ani Guo.
Sabi ni Guo, wala daw siyang hospital records dahil sa bahay siya ipinanganak. Hindi niya rin alam ang birth place niya. Bukod pa rito, nalalabuan rin si Guo sa mga detalye ng homeschool education niya.
Mayor Guo, may links sa POGO?
“Totoo kaya na Chinese talaga si Mayor Alice Guo?” dagdag ni Hontiveros.
Ayon sa intelligence reports, sangkot daw sa hacking at surveillance activities ang mga POGO, saibi ni Sen. Hontiveros. Image source: Sen. Risa Hontiveros official Twitter account
Ayon sa Senador, kabaha-bahala ang posibilidad na may koneksyon si Guo sa mga POGO dahil aniya, “sangkot sa hacking at surveillance activities,” o pag-e-espiya, ang mga kumpanyang ‘to.
Noong March 13, na-raid ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang Zun Yuan Technology Incorporated, isang POGO sa Bamban sa hinalang nagsasagawa ng human trafficking sa loob nito.
Napag-alaman naman sa Senate hearing na ang nagmamay-ari ng lupa na na-lease sa POGO ay ang Baofu Land Development Inc.
Sa raid na ‘to, nakumpiska ng mga awtoridad ang mga scripts para sa isang ‘love scam’ modus at ilang mga cellphone na maaaring ginamit para sa scam.
Sabi ni Senator Sherwin Gatchalian, mayroong “damning evidence” na kasabwat si Mayor Guo sa nasabing POGO operations sa Bamban, na may facilities sa likod ng Bamban municipal hall.
Makikita ang mga facilities ng na-raid na POGO compound (kaliwa) sa likod ng Bamban Municipal Hall (kanan). Image source: Google Maps
Kabilang sa mga nakumpiskang dokumento sa Bamban POGO raid ay isang Sangguniang Bayan (SB) resolution na naglalaman ng ‘letter of no objection’ mula kay Guo na inaprubahan ang lisensya ng Hongsheng Gaming Technology Incorporated, ayon kay Gatchalian.
Bukod pa dito, ayon kay sa Senador, may nahuling sasakyan sa POGO compound na naka-rehistro sa pangalan ni Guo.
Ayon sa isang Rappler report, matapos ma-raid ang Hongsheng noong February 2023, nagpalit ito ng pangalan bilang Zun Yuan, ang pangalan ng POGO na na-raid nitong March 13.
POGO-politics, espionage?
‘POGO-politics’ naman ang bansag ni Senator Gatchalian sa “parang bula” na pagsulpot ni Guo sa pulitika.
“Ang mga POGO marunong nang magpatakbo ng kandidato... Kung merong narcopolitics, meron nang POGO-politics ngayon,” sabi ni Gatchalian.
Ayon kay Gatchalian, madali na lang i-peke ang mga government documents tulad ng passports at birth certificate dahil sa mga POGO.
Noong October 27, 2023 raid sa Smart Web Technology, isang POGO sa Pasay City, napag-alamang bukod sa ginagamit ito bilang isang ‘prostitution den,’ may nasabat rin ang mga awtoridad na mga dokumento na ini-issue lang sa mga Filipino citizens.
Isiniwalat rin ni Hontiveros na kabilang sa mga dokumentong nakumpiska sa POGO ay mga TIN ID, PhilHealth ID, Alien Certificate of Registration, Alien Employment Permit, at Police Clearance ID.
Dagdag niya, ini-issue daw sa Chinese citizens ang mga dokumentong dapat ay pang-Pilipino lang.
“Bakit kailangan nitong mga Chinese na i-peke ang nasyonalidad nila para maging Pilipino dito sa bansa?” tanong ni Hontiveros.
Bukod pa dito, pinaghihinalaan ring may isinasagawang ‘spy operations’ sa loob ng POGO complex na konektado kay Guo.
“I was very disturbed to hear that there is persuasive information from the intelligence community stating that this Bamban complex was being used for surveillance activities,” sabi ni Hontiveros.
Guo: ‘di ako konektado sa POGO
Depensa naman ni Guo sa mga paratang sa kanya, wala syang kinalaman sa mga POGO sa kanyang lalawigan.
“Unang una po, ‘di ako konektado, ‘di po ako operator, ‘di po ako protector o coddler ng POGO,” sabi ni Guo. “Wala akong kinalaman sa kanilang operation at kahit sa anong gawain sa loob at labas ng POGO.”
Isiniwalat naman ni Guo na bagamat siya ang may-ari ng kalahati ng shares sa Baofu Land Development, Inc., ang nag-lease ng lupa ng POGO complex sa Bamban, ibinenta nya ang stake nya sa kumpanya bago sya sumabak sa pulitika.
“Nais ko din pong linawin na meron isang sasakyan ng Ford Expedition na nakita sa loob ng property at siansabing nakapangalan po sa akin,” sabi ni Guo. “Matagal ko nang naibenta way back 2020 pa po at di ko nagamit at nakita man lang.”
Jamaica Allysa
May 14, 2024 06:33 pm
Kailangan munang maimbestigahan ng husto ang identity nya, since kaduda-duda talaga. Regardless kung chinese sya o hindi, the fact na hindi nya maalala ang mga bagay-bagay patungkol sa pagkakakilanlan nya na hindi nya maalala raises a lot of red flag. But we'll see.
Luisa Mae
May 14, 2024 12:28 pm
Kung ibabase mo sa pangalan at itsura Hindi pero di lang naman yun Yung dapat gawing basis naten dahil pwede naman talaga na maging nationality nya ay Filipino dahil Malay naten kung half half pala sya at mas pinili nya Ang pagiging Filipino nya
Edward
May 14, 2024 01:24 pm
Di ntin masisi ang mga senador kung bkit gnun nlng ung trato nila sa half nga Lalo nat tungkol pa ito sa WPS
Maria
May 14, 2024 08:47 pm
Bilang Mayor di dapat gawin ang hindi nakakatulong ang illegal works
Dianne Chelsie
May 15, 2024 08:08 am
Di pwedeng basta-bastang husgahan ng isang tao ng base lamang sa kanyang itsura at kakayahan. Kailangan nito ng masusing imbestigasyon.
Page 1 of 7.4