Sovereign Wealth Fund

December 07, 2022



Isinusulong ni PBBM ang Maharlika Wealth Fund, ang P257 billion na pondong ilalaan para makapag invest sa malalaking national development projects at assets sa ibang bansa. Sa ngayon ay pasado na ito sa kamara, pero inaasahang mas pagdedebatehan ang detalye nito pagdating sa senado.

Ang nagakda ng panukala para sa Maharlika Wealth Fund, o kilala rin bilang Sovereign Wealth Fund, ay sina Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Yedda Romualdez, at Sandro Marcos. Umani naman ito ng samu’t saring pagtutol mula sa ibang mambabatas.

Sino ang isa sa mga bumatikos sa panukalang ito? Walang iba kundi si Senator Imee Marcos.

Ayon kay Sen. Imee, “kinakabahan” sya sa Maharlika Wealth Fund. Dagdag nya, “sa panahong ito, ang sama ng ekonomiya” at hindi dapat nilalagay sa delikadong investments ang pera ng mga mamamayan.

Hindi pa tayo makasisiguro kung anong kalalabasan ng panukalang ito pag dumaan na ito sa senado. Ang alam lamang natin, utos raw ito ng pangulo.

Pero saan ba kukunin ang pondo para sa investment fund na’to?

Kung may investment ka, kukunin mo ito sa sobra mong pera, ‘di ba? Ganyan rin sana ang mas mabuting plano para sa Pilipinas, dahil ganyan rin ang ginawa ng Singapore. Ang problema, kukunin ang lahat ng pondo para sa investment fund mula sa perang nakalaan sana sa mga mamamayan.

Ilan sa mga pagkukunan nito ay ang pondong nakalaan sa pension, pera ng SSS, Land Bank of the Philippines, at Development Bank of the Philippines, at budget ng pamahalaan. Kahit ang Bangko Sentral ng Pilipinas at Philippine Amusement and Gaming Corporation, inaasahang mag-aambag ng taunang kontribusyon sa pondong ito.

Teka, kung pera pala na nakalaan sa taumbayan ang gagamitin, sa’n mapupunta ang investments ng gobyerno?

Malabo pa ngayon kung anong mga uri ng proyekto ang paglalagyan ng investments sa panukalang ito. Ang malinaw lang, magtatayo ng Maharlika Wealth Fund Corporation (MWFC) upang pamahalaan ang investment plan ng gobyerno. Pamumunuan rin ng presidente ng bansa ang MWFC.

Pero investment naman ‘yan. ‘Di ba magandang bagay ‘yan para kumita ang Pilipinas?

Depende. Ang dapat na mamuno sa MWFC ay isang eksperto pagdating sa pagmanage ng pera ng gobyerno at may karanasan na sa industriya ng investments. Idagdag mo pa riyan na sya ay dapat may malalim na kaalaman sa ekonomiya.

Ang kinakatakot ng mga mambabatas ay matulad ito sa 1MDB ng Malaysia, ang dating  sovereign wealth fund ng kanilang bansa. Ang nangyari kasi doon, ninakaw lamang ng mga fund manager ang pera para sa investments. Aabot sa $4.5 billion ang tinakbo mula rito, at kahit mismong prime minister nila noong mga panahong iyon, tumanggap ng nakaw mula rito.

Dapat na ba tayong matakot sa sovereign wealth fund?

Depende. Nasa recession na ang United Kingdom, at lumolobo na ang inflation rate sa Estados Unidos. Patuloy pa ang giyera sa Russia at Ukraine. Kahit sa sarili nating bansa, pamahal ng pamahal ang presyo ng mga bilihin. Kamakailan nga lamang, pumalo pa sa 8% ang inflation rate natin. Pagdating ng pasko at bagong taon, inaasahan rin ng mga ekspertong lolobo pa ang presyo ng mga bilihin.

Sa kabila ng lahat ‘yan, hindi pa nakakaranas ng mas mataas na minimum wage ang mga Pilipino. Ang iba nga, hindi man lang makahanap ng trabaho.

Kung ikaw ay may pera at wala kang sobra, mag-iinvest ka pa ba? Siguro yan rin ang dapat nating itanong sa bansa kung usapang investment rin lang naman ang pagdedebatehan.


Jerwin

Mar 22, 2023 03:49 pm

Depende parin, pero kung may pera ako at nakalaan ito para sa ibang bagay, ay hindi ko ito gagamiting upang mag invest ng isang bagay dahil sa una palang ito ay may nakalaan na pupuntahan.. sana ganun din ang gawin ng gobyerno na huwag ng galawin ang mga budget/fund na nakalaan na sa ibang bagay baka ito ay magdulot ng kaguluhan sa pamunuan at mga tao.

Mary Ann

Mar 27, 2023 11:27 pm

Para sakin depende sa kung anong kalidad ng pagiinvestan ko, kung alam kong maganda ang resulta talagang pagtutuunan ko ito ng pansin at pera kung maaari.

Miguel Enrico

Mar 28, 2023 11:55 am

dapat lang talaga na i reflect sa kanila kung sakaling sila yung may pera tapos gagamitin lang ng ganun ganun ehh sa pera nayun nakalaan and what if nawalan ng saysay yung pag invest saan mo kukunin yung halagang nawala

Aaron

Apr 01, 2023 07:50 pm

sana ay wag nating pakielaman ang mga perang nilang pinag-hirapan, humanap sila sa ibang ahensiya ng gobyerno, wag nilang galawin ang pera ng GSIS at SSS miyembro at mga pensyonado ang may-ari nyan.

Emanuel

Apr 06, 2023 12:42 am

Ang Sovereign Wealth Fund ay nakakatulong upang maprotektahan ang yaman ng bansa at magbigay ng pangmatagalang source ng pondo para sa mga national development projects. Gayunpaman, kailangan itong pamahalaan ng maayos upang maiwasan ang pagkakaroon ng malawakang korapsyon at pagkakamali sa pag-invest ng pera ng bansa.

Page 1 of 13.2


eboto.ph