Mahigit ₱620M (in cash and in kind) ang natanggap na donasyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. mula sa 67 donors para sa kanyang kampanya. 😮
Sino-sino ang top 2022 campaign donors ni PBBM? 🤔 Alamin sa post na ito. ⬇️
📌 Top donors: Ka-alyansa, mga bigating negosyante
Sinagot ng Partido Federal ng Pilipinas ang 40% ng campaign bill ni PBBM sa pamamagitan ng kanilang party treasurer na si Anton Lagdameo Jr. Matapos ang eleksyon, siya ay itinalagang Special Assistant to the President (SAP) ni PBBM.
Nakatanggap naman si PBBM ng ₱30M mula kay Melquiades Robles at ₱25M mula kay Philip G. Lo. Si Robles ay kinasuhan ng Ombudsman ng graft noong 2016 dahil sa mga maanomalyang kontrata sa ilalim ng kanyang pamumuno sa LRTA. Nakasuhan naman ng plunder noong 2011 si Lo dahil sa mga di umano’y maanomalyang transaksyon sa paninilbihan sa PAGCOR.
Kasama rin sa listahan ng donors ang ilang bigating negosyante sa industriya ng retail, real estate, at construction tulad nina:
- Bryan C. Lim ng Suyen Corp/Bench (₱20M)
- Magkapatid na Norman Vincent Lee Wee at Francis Augustus Lee Wee ng W Group Inc. (₱20M)
- Rodulfo D. Hilot Jr. ng Zamboanga del Sur-based Rudhil Construction & Enterprises (₱20M)
📌 Paalala ukol sa “patronage politics” o pagbabalik ng utang na loob
Paalala ni Legal Network for Truthful Elections (Lente) executive director Rona Ann Caritos sa kanyang interview sa Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), dapat maging mapagmatyag ang mga mamamayan sa posibleng “patronage politics” o pagbabalik ng utang na loob sa donor ng kandidato pagkatapos ng eleksyon.
Sa kasalukuyan, hindi ipinagbabawal ng batas ang pagbibigay ng posisyon sa gobyerno sa contributors ng mga mga nanalong kandidato. Ayon kay Caritos, maaaring pag-aralan ang pagsasabatas ng prohibisyong ito upang malaman kung ang donations para sa isang kandidato ay ibinigay nang walang hinihintay na kapalit.
💬 Ano’ng masasabi mo rito, ka-eBoto? Share mo na ‘yan sa comment section!
References:
Miguel Enrico
Mar 28, 2023 03:33 pm
mas makakabuti na pagaralan kesa maupo nalang dahil sa donate nila ang naging labas parang binayaran lang tapos kukunin nila yung nilabas nila at higit after nila maka upo
Aaron
Apr 01, 2023 09:04 pm
satingin ko ay wala namang masama kung susuportahan nila ang pangulong satingin nila ay makakapag pabuti ng kalagayan ng ating bansa dahil tayo ay may kanya kantang karapatan para pumili ng ating presidente. Sana ay ang pag suporta nilang ito ay malinis ang kanilang intensyon dahil kapakanan ng ating bansa ang naka salalay dito. Sana ay wag natin pagdudahan ang mga campaign donors ni PBBM bagkus ay suportahan nalang din natin ito dahil ang mahalaga dito ay ang mapa unlad ang ating bansa at hindi kung sino ang mananalo bilang presidente dahil pare parehas lamang tayo ng gusto kundi ang mapa unlad ang ating bansa
Princess April
May 30, 2023 08:29 pm
kung pipili sila ng mamamahala ay piliin yung talagang mag seserbisyo sa ating bansa/komunidad
Jade
May 31, 2023 01:43 pm
Mahalagang paalala rin ang ginawang pahayag ni Rona Ann Caritos, executive director ng Legal Network for Truthful Elections (Lente), ukol sa "patronage politics" o pagbabalik ng utang na loob sa mga donors pagkatapos ng eleksyon. Ipinapaalala niya na dapat maging mapagmatyag ang mga mamamayan sa posibleng ganitong sitwasyon at maaaring pag-aralan ang pagsasabatas ng mga probisyon upang masiguro na ang mga donasyon ay ibinigay nang walang inaasahang kapalit na posisyon sa gobyerno
Rhea ann
Jun 03, 2023 03:36 pm
maging mapanuri sa bawat desisyon na ating gagawin, dahil ang ating bansa ang nakasalalay dito. Kung sino man ang ating pipiliin, nawa'y makakabuti ito sa ating bansa
Page 1 of 12.2