Kamakailan lang na-appoint bilang bagong Executive Secretary ni Pangulong Bongbong Marcos si dating Chief Justice Lucas Bersamin. Bilang “Little President” mandato niyang tulungan si PBBM sa pamamahala ng mga usapin sa gobyerno, gayundin ang pag-asikaso ng araw-araw na operasyon ng Executive Office.
📌Sino nga ba si Lucas Bersamin?
Siya ay tubong Bangued, Abra at nagtapos ng abogasya sa University of the East noong 1973. Sa kaparehong taon, nakuha rin niya ang ika-9 na pwesto sa bar examination.
📌Ano-ano ang mga naging posisyon niya sa gobyerno?
Noong 2003, mula sa pagiging associate justice sa Court of Appeals, nalipat siya sa Supreme Court noong 2009 sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Nanilbihan siya bilang Associate Justice ng Supreme Court noong 2009 hanggang 2018. Naging Chief Magistrate o Punong Mahistrado siya ng Supreme Court noong November 2018 nang sya ay i-appoint ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Matapos niyang mag-retiro noong October 2019, siya ay na-appoint na Chairman ng Government Service Insurance System (GSIS) sa ilalim rin ng pamumuno ng dating Pangulong Duterte.
📌Ano-ano ang mga malalaking kasong nahawakan nya noon?
Kilala si Bersamin sa paghawak nya sa “high profile” at “controversial” cases noong siya ay Punong Mahistrado pa lamang.
Ilan sa mga kasong kanyang pinaburan ang mga sumusunod:
✅ Paglibing sa dating Pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani
✅ Extension ng Martial Law sa Mindanao
✅ Pagdeklara na unconstitutional ang pork barrel
✅ Pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno via Quo warranto
✅ Agarang paglabas ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kulungan
References:
- https://newsinfo.inquirer.net/1664867/ex-chief-justice-bersamin-is-marcos-new-executive-secretary-replacing-rodriguez
- https://www.pna.gov.ph/articles/1184677
- https://www.philstar.com/headlines/2022/09/27/2209909/ex-cj-bersamin-replaces-vic-rodriguez-executive-secretary
- https://www.philstar.com/headlines/2022/09/27/2209909/ex-cj-bersamin-replaces-vic-rodriguez-executive-secretary
- https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/846122/ex-cj-bersamin-is-marcos-new-executive-secretary/story/
- https://www.set.gov.ph/member-justices/1175/hon-justice-lucas-p-bersamin/
- https://newsinfo.inquirer.net/1057923/look-voting-history-of-chief-justice-bersamin
- https://www.gsis.gov.ph/corporate-governance/20220901-bot-2022-page/
Miguel Enrico
Mar 25, 2023 08:45 am
mahusay sa sa larangan iyon maaring maka tulong din sya sa mga issue ng bansa maari din nyang magamit yung kaniyang kagalingan sa larangan ng court of justice upang ipaglaban ang tama pero sana hanggang ngayun tama parin ang mga desisyon na gagawin nila
Mary Ann
Mar 28, 2023 04:58 pm
Sa husay at galing niya, marami pa siyang pwedeng matulungan kung ito ay maipagtitibay.
Aaron
Apr 01, 2023 08:54 pm
satingin ko ito ay magandang balita para sating bansa dahil marami na itong nagawa sa nakaraan nyang panunungkulan gaya ng maagang pag papalaya sating dating presidente na si President Gloria Macapal Arroyo at sa muling pag babalik nya ngayon ng serbisyo sating bansa ay inaasahan ng ating pangulo na marami pa syang magandang magagawa para sating bansa
Princess April
May 30, 2023 02:08 pm
Si Lucas Bersamin ay isang dating Punong Mahistrado ng Korte Suprema ng Pilipinas. Pinangunahan niya ang Korte Suprema mula 2018 hanggang 2019. Ipinanganak siya noong Oktubre 18, 1949, sa maliit na bayan ng Bangued, Abra. Bago maging Punong Mahistrado, naglingkod siya bilang isang hukom sa Korte Suprema mula 2009. Si Bersamin ay nakilala sa kanyang mga desisyon sa mga kaso ng batas at kanyang kontribusyon sa hudikatura ng bansa.
Jade
May 31, 2023 01:38 pm
Siya ang nag palaya sa dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos ang pagpapatalsik kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng Quo warranto. Si Arroyo ay agad na nakalaya matapos ang pagpapalit ng liderato sa Supreme Court
Page 1 of 12.2