SIM Registration Act, Ipapatupad na sa December 27!

December 13, 2022



Naghahanda na ang iba’t ibang telco ng kanilang SIM registration portals para sa pagpapatupad ng SIM Registration Act sa December 27, 2022.

Sa bagong batas na ito, kakailangan mo na ngayong i-”enrol” ang SIM card mo. Kung hindi mo ito gagawin, madedeactivate ang SIM card mo. Para makapag-enrol, ibibigay mo ang iyong buong pangalan, date of birth, kasarian, at address, sa SIM registration platforms. Kailangan mo ring magpakita ng valid government ID o iba pang katulad na dokumento na may kasamang litrato upang maproseso ang iyong enrolment.

Kung ikaw naman ay negosyante, kailangan mong iregister ang SIM card mo para sa business mo sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangalan ng iyong negosyo, address nito, at buong pangalan ng authorized signatory mo.

Para sa foreigners, kailangan nilang magbigay ng parehas na personal data, kalakip ang passport information nila, para makapag-enrol. Kung turista naman, bibigyan sila ng SIM card na valid lamang sa loob ng 30 days. Pwede lamang itong ma-extend kung maipapakitang extended rin ang visa nila.

San ba galing ‘yang batas na ‘yan?

Ang batas na ito ay naglalayong bawasan ang bilang ng mga scam at iba pang uri ng krimen na nagagawa sa pamamagitan ng mobile phones. Pinirmahan ni PBBM ang batas na ito noong October 10, 2022.

Ang naunang bersyon ng batas na ito ay na-veto, o tinutulan ni dating pangulong Rodrigo Duterte, dahil nirerequire nito ang enrolment ng social media accounts para sa bawat SIM cards. 

Ayon sa Smart, patuloy pa ang paghahanda ng kanilang mga SIM registration portal. Ang Globe naman, nagsabing “deactivated” SIM cards na ang mga susunod nilang ibebenta. Dagdag nila, ire-require nilang magregister agad ang mga subscriber upang mapakinabangan nila ang mga serbisyo ng Globe.


Anna Patricia

Mar 22, 2023 12:19 pm

Dapat lang na i register ang bawat sim upang ma iwasan ang ma i scam at mabilis na ma track ang mga scammer.

Miguel Enrico

Mar 23, 2023 07:58 pm

maganda talaga itong batas na ito dahil maari talaga natin mga pinoy maiwasan at kung hindiman mabawasan natin ang mga pangloloko gamit ang mga sim, bukod padon mas mabilis pa ma te trace ng government kung kanino galing ang kung anoman ang ginawa ng sim na iyon. naiisip kong negative side is what if may magaling mag hack maaring mas mabilis nila makukuha lahat ng information natin gamit lang ang mga sinumite nating impormasyon sa mga portal na ginawa ng mga telco.

Virginia

Mar 24, 2023 10:45 am

Dpat lng nmn pr maiwasan ung scam

Mary Ann

Mar 24, 2023 12:39 pm

IWAS SCAMMERS PARA WALA NADEN KAWAWANG TAO NA NABUBUDOL

KRISTA MAE

Mar 24, 2023 01:11 pm

magandang ipatupad ang batas na ito, upang maiwasan na ang pang sscam ng ibang tao gamit ito. Madaling matretrace ang bawat sim kung ito ay rehistrado.

Page 1 of 16.8


eboto.ph