[TRIGGER WARNING: Mention of sexual abuse/harassment]
Ipinag-utos ni Vice President and Department of Education (DepEd) secretary Sara Duterte sa mga empleyado ng DepEd na iwasan na ang “pakikipagrelasyon, pakikipag-ugnayan, pakikipag-usap, at pag-follow sa social media” sa kanilang mga estudyante sa labas ng school setting, maliban kung sila ay magkakamag-anak.
Ayon sa DepEd, ang direktibang ito ay mapapasailalim ng probisyon ng DepEd Order 49 na magsusulong ng propesyonalismo sa bawat sangay ng basic education.
🤔 Saan ito nag-ugat?
Naglabas ng ganitong direktiba ang DepEd matapos lumabas ang issue ng sexual harassment laban sa ilang mga guro sa Bacoor City, Cavite.
Matatandaan na isang Twitter thread ang nag-viral noon na nagpapakita ng mga diumano'y pag-uusap sa pagitan ng mga guro at estudyante, kung saan ang mga bata ay tinatanong ng mga guro tungkol sa kanilang mga karanasang sekswal.
Kasama sa iba pang mga reklamo ang mga guro na nag-alok pa sa isang menor de edad na maging kanyang "kabit."
🚶♀️ Ano ang ginawang hakbang ng DepEd para solusyonan ito?
Ayon kay DepEd spokesperson Atty. Michael Poa, "The allegations of sexual harassment in Bacoor National High School are very disturbing news and we are taking this very seriously. We have zero tolerance for any form of abuse in our schools."
Sa ngayon, ang naging konkretong hakbang pa lamang ng DepEd ay tanggalan ng teaching load ang mga guro habang umaandar ang paunang imbestigasyon.
🗣 Ano ang pahayag ni VP Sara Duterte ukol rito?
Sinabi ni VP Duterte na dapat magkaroon ng malinaw na paghihiwalay sa pagitan ng mga guro at estudyante upang maiwasan ang mga kontrobersiya. Idinagdag niya na ang isang personal na relasyon sa pagitan ng isang guro at isang mag-aaral ay maaaring humantong sa pagkiling sa mag-aaral.
Pinaalalahanan din ng DepEd chief ang mga empleyado na iwasan ang paninirang-puri sa ahensya o mga kasamahan online, at manatiling alalahanin ang reputasyon ng ahensya. Sinabi niya rin na ang mga isyung sa loob ng DepEd ay dapat ilabas lamang sa pamamagitan ng tamang mga channel.
✋ Ano pa ang ibang ginagawang paraan ng DepEd upang mapigilan ang ganitong klase ng pang-aabuso?
Kamakailan, naglunsad din ang DepEd ng hotline kung saan maaaring direktang iulat ng mga estudyante ang mga insidente ng pang-aabuso, sa gitna ng mga alegasyon ng sexual harassment laban sa mga guro sa ilang paaralan.
Ayon sa DepEd, maaari silang i-email sa depedabusereport@gmail.com o tumawag sa 8633-1942, 8635-9817, or 09959218461.
References:
- https://www.cnnphilippines.com/news/2022/8/30/Bacoor-National-High-School-sexual-harassment-teachers.html
- https://www.cnnphilippines.com/news/2022/11/4/DepEd-staff-teachers-students.html
- https://www.gmanetwork.com/news/topstories/regions/844158/deped-admin-charges-filed-vs-5-of-7-teachers-in-alleged-sexual-abuse-in-cavite-school/story/
Anne
Mar 24, 2023 06:44 pm
dapat mas tutukan ang mga ganitong pangyayari para wala na ulit na mangyari na ganon
Patrick
Mar 25, 2023 06:50 am
dapat ay pag tuunan ng pansin ang ganitong mga nangyayari dahil maaring dumami pa lalo ang kaso nito
Miguel Enrico
Mar 28, 2023 12:04 pm
dapat mas dagdaggan nila ang mga parusa sa mga taong gumagawa ng mga ganyang bagay para matakot silang gawin ang bawal na bawal gawin
Aaron
Apr 01, 2023 02:26 pm
nakakalungkot lang isipin na ang dating sinasabi na pangalawang magulang natin ay hindi na natin maaring kausapin o pansinin sa labas ng paaralan dahil alam naman naten karamihan sa mga broken family or pag may problema ang isang estudyanta ay ang kanilang guro o di kaya ang mga kaibigan ang kanilang napag sasabihan ng kanilang nararamdaman pero dahil sa mga ganitong pangyayari ay hindi nanatin ito maaring gawin kung satingin ng gobyerno na ito ang makakabuti para sating kaligtasan
Princess April
May 30, 2023 02:06 pm
Dapat ay bigyan ng sapat na parusa ang mga taong ganyan para hindi na maulit pa at mas tutukan pa lalo ang mga naabusong bata bigyan ng medical at psychological treatment
Page 1 of 13