Same-sex Marriage, Tinututulan pa rin ng Gobyerno

November 24, 2022



Muling lumitaw ang mga pahayag mula sa gobyerno na nagpapahayag ng pagtutol sa same-sex marriage.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, taliwas raw sa ating kultura ang same-sex marriage. “Culturally, our values may conflict with many of the values that they want to impose upon us,” ayon kay Sec. Remulla sa isang press conference.

Ito rin ang tugon ng gobyerno bilang pagtutol sa Sexual Orientation, Gender Identity, and Expression Equality (SOGIE) bill. Pero nang tinanong ukol sa divorce, sinabi ni Sec. Remulla na hihintayin nila ang kalalabasan ng mga usapan ng senado at mambabatas ukol rito. Hindi raw nila ito agad agad mapagbibigyan hangga’t hindi ito napagde-debatehan ng maayos ng lehislatura.

Taliwas naman ito sa opinyon ng ilang senador tulad ni Senator Risa Hontiveros, kung saan ipinangako nyang ilalaban nila ang pagpapasa ng SOGIE bill, kasama na ang same-sex marriage. Isa rin ito sa mga pangunahing adbokasiya nya, lalo pa’t layon nitong lutasin ang diskriminasyon na nadudulot ng magkakaiba nating sexual orientation, gender identity, o expression.

Kontra sa opinyon ni Sec. Remulla, naniniwala si Sen. Hontiveros na praktikal ang SOGIE bill. Ayon sa kanya, naaayon ito sa diwa ng Konstitusyon at pagka-Pilipino natin. Dagdag pa ni Sen. Hontiveros, buhay ang nakataya dito dahil “usapang basic protection ito para sa ating lahat.”

Naitan

Dec 30, 2023 02:13 am

Mahirap kasi kalabanin ang relihiyon sa ating bansa kaya kahit ang batas ay walang magawa para dito

Anne

Mar 24, 2023 06:43 pm

hayaan nalang dapat ang mga gustong magpakasal sa kaparehong uri nila dahil sila naman ang magmamahalan hndi naman tayo kasali don kaya hayaan nalang natin sila dahil don sila masaya

Jerwin

Mar 24, 2023 08:04 pm

We need to be open minded now, gawin na nating normal ang tingin sa bawat isa, kahit ano pa ng kasarian, edad , relihiyon dahil bilang isang tao , no one should be left behind, tanggapin kung ano ang nararapat.

Mary Ann

Mar 28, 2023 09:16 am

I'm about to talk about this topic. Bilang isang simpleng mamamayan ay nakikinig rin sa mga boses ng iba subalit, nasa bibliya na ang babae ay para lamang sa lalaki at ang lalaki ay para lamang sa babae. Hindi ako con sa mga LGBT, Ilove LGBTQ but let us know the God's words.

Miguel Enrico

Mar 28, 2023 11:56 am

hayaan nalang natin sila sa gusto nila isa pa Hindi naman yaan sa kasamaan pagmamahalan namn yaan kayat hayaan natin sila sa gusto nila hanggat wala silang natatapakan na tao

Page 1 of 14


eboto.ph