#Rizal@163: Life lessons ni Dr. Jose Rizal sa modern times!

June 19, 2024



Charles Masirag | eBoto.PH


DIGI-Know na ngayong araw ang 163rd birthday ni Dr. Jose Rizal? Yup, ipinanganak siya noong June 19, 1861! 


Isa sa mga pinakaimportanteng figures sa kasaysayan natin si Dr. Jose Rizal.


Full name: José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realondo. Oh, kung nabubuhay siya ngayon, baka @DocJRizz ang X (Twitter) ang handle nya.


Siya ang pambansang bayani ng Pilipinas, isang polymath na doktor, manunulat, at reformist na naglaan ng buhay niya para sa future at kaunlaran ng bansa. 


Sa kanyang mga akda, nagising ang damdaming makabayan ng mga Pilipino laban sa kolonyal na pamamahala ng mga Espanyol. 


Nagbigay-inspirasyon ang mga sinulat niya sa mga Pilipino, tulad ng "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo” para ipaglaban ang kanilang kalayaan.


Kaya naman, perfect time today para balikan ang ilang mga famous quotes niya at tingnan kung paano pa rin siya relevant sa buhay natin ngayon, lalo na sa panahon ng social media!



"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop o malansang isda." 


Sheeshable quote, right? Pero legit naman. Sa dami ng foreign languages na pwede nating matutunan online, minsan nakakalimutan na natin kung gaano kahalaga ang Filipino, o ‘di kaya ay yung mga local languages at dialects natin. 


Pero ang wika natin, hindi lang yan basta salita. Ito ang nagkokonekta sa atin sa kultura, kasaysayan, at sa identity natin. 


Kaya next time na magpo-post ka sa social media, try mo naman mag-Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Bisaya, Bikolano, Ilokano, o ipa bang wikang Filipino! Ipakita natin na proud tayo sa sariling atin! 


Iba pa rin kasi ‘yung feeling kapag nakakapagsalita ka ng sariling wika, lalo na sa social media. Mas genuine, mas totoo, at mas kulturado.


Imagine, kung lahat tayo magpopost in Filipino, mas magiging matatag ang ating cultural identity at mas madali nating maipapasa ang mga tradisyon at kaalaman sa susunod na henerasyon!



"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.


Classic! Sa panahon ngayon, ang daming issues na kinakaharap natin, pero sa totoo lang, tayo talaga ang may power to change things. Imagine, with just one tweet or post, kaya nating mag-start ng movement. 


Kung dati, si Rizal gamit ang mga libro at papel para ipaglaban ang kalayaan, tayo naman, may social media tayo. 


Hindi ba exciting isipin na we can make a difference with just our phones? Sa pamamagitan ng hashtags, online petitions, at viral videos, napapansin ng mundo ang boses natin. 


Like noong #Halalan2022 na madaming kabataan ang nag-participate at nag-voice out ng opinions nila para piliin ang mga susunod na leaders ng bansa.


Kailangan lang ng konting push, konting tapang, at maraming pagmamahal sa bayan! 


Social media can be a powerful tool para ipakita ang mga isyu na dapat tutukan ng lipunan at para ipaglaban ang mga karapatan natin.



"Ang hindi marunong lumingon sa pinangalingan ay hindi makakarating sa paroroonan." 


In short, huwag natin kalimutan ang past natin. Yes, gusto nating maging modern at up-to-date, pero dapat alam din natin kung saan tayo nanggaling. 


‘Di ba nga, ang dami nating napagdaanan as a country, and knowing our history can guide us kung paano natin haharapin ang future. 


Kaya next time na may mag-trending na historical topic, maki-join tayo sa conversation. Let's be informed and be proud sa ating heritage. 


Punong-puno ang history natin ng mga kwentong magbibigay inspirasyon at aral. Kaya, kung may makita kang post about our history, huwag lang mag-scroll down, basahin mo. 


Makikita mo, maraming lessons na magagamit natin sa present at future. 


Isa pa, kung alam natin ang history natin, mas madali tayong makakapag-decide kung ano ang mga hakbang na dapat nating gawin para mas mapabuti ang bansa natin.


Dianne Chelsie

Jun 20, 2024 12:37 pm

Kahit may imperfections, naniniwala pa rin akong tayong mga kabataan ang pag-asa ng bayan! According to UNFPA, 30Million ang kabataang pinoy (10 to 24y/o) ang nag eexist ngayon at equivalent ito 28% percent ng population. Kung ang 30 milyong kabataan na ito ay mabibigyan ng magandang oportunidad para maka-acccess sa free education, mag-aaral ng mabuti at magiging responsableng mamamayan ng Pilipinas, kaya nating maghatid ng pag-asa! Kaya natin gumawa ng pagbabago! Simulan natin ito sa matalinong pagboto! Tayo ang future ng bansang ito! Nasa kamay natin ang kinabukasan ng bansa! May pagkakataon tayo para baguhin at mapabuti ito! Gamitin natin nang tama at wasto. Vote wisely!

Ariel

Sep 03, 2024 08:09 pm

Yes. Though ang dami ng social and mental issues that the youth is facing right now, we, are still the hope of our nation. Despite of pre occupied minds, in our own little ways, we can contribute to building the nation.

Maria

Jun 19, 2024 06:43 pm

Nasa mga kabataan ang pag unlad kapag naging mabuting mamamayan kahit matatanda maayos na pangangasiwa sa bayan at mabuting huwaran

Jamaica Allysa

Jun 19, 2024 08:22 pm

Nope!

Edward

Jun 19, 2024 10:54 pm

Kabataan nga ba ang pag asa ng bayan siguro , dahil may kanya kanyang future , may mga kabataan Kasi na lulong sa bisyo paano matatawag na pag asa ng bayan . Nka depende sa knila Yun Sila nman Kasi ang gagawa ng future nila .

Page 1 of 8.4


eboto.ph