Ramdam mo na ba ang epekto ng paghina ng piso kontra dolyar? 😬

September 15, 2022



Ramdam mo na ba ang epekto ng paghina ng piso kontra dolyar? 😬

πŸ“Œ Bakit nga ba bumababa ang halaga ng piso?

Ang paghina ng piso ay hindi lamang dahil sa pagtaas presyo ng mga bilihin sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo, ayon sa analysis na isinulat ni Dr. JC Punongbayan ng UP School of Economics noong Hunyo 2022. Sa kasalukuyan, pumapalo sa β‚±57 ang palitan ng piso sa dolyar. 

πŸ“Œ  β€œNot entirely bad”

Nagviral kamakailan ang komento ni dating Department of Agriculture secretary Emmanuel 'Manny' PiΓ±ol kung saan sinabi niyang, "P57 To $1 is not entirely bad.” Aniya, may dulot itong mabuti sa mga OFWs at lokal na food producers na nageexport sa mga bansang dolyar ang gamit sa palitan.

Ayon pa rin sa article ni Dr. Punongbayan noong Hunyo 2022, bagama’t mas malaki ang palit ng remittances o padala ng mga overseas Filipinos, nababawi rin ito ng pagkamahal-mahal na presyo ng mga bilihin sa Pilipinas. 

πŸ“Œ Ano ang epekto nito sa mga ordinaryong mamamayan?

Bagaman lumalakas ang kita ng export industry sa pagbaba ng piso, mapait naman ang epektong dulot nito sa mga mamimili. Ayon sa mga ekonomista, mas mararamdaman ng ordinaryong Pilipino sa mga susunod na buwan ang epekto ng paghina ng piso. Magreresulta ito sa muling pagtaas ng presyo ng gasolina, pamasahe, at mga bilihin, lalo na ng mga pagkaing kailangan i-transport mula sa mga taniman papunta sa mga pamilihan.

πŸ’¬ Ka-eBoto, paano ka naaapektuhan ng pagbaba ng halaga ng piso? Share mo na β€˜yan sa comment section! ⬇️


References:



Patrick

Mar 24, 2023 08:50 pm

malaki ang naging epekto nito sa mga money traders at money changers

Jerwin

Mar 25, 2023 02:12 am

Ito ay hindi maganda, kasi mas napapatunayan natin na hindi umaangat ang gdp ng bansa

Miguel Enrico

Mar 25, 2023 08:52 am

para sa mga ofw medyu makakatulong ang pagtaas ng palitan ng dulyar pero sa mamayan natin hindi sapat ang kinikita mas lalo silang mahihirapan

Zoren

Mar 30, 2023 11:32 pm

This is not a good sign, it proves that the gdp of our country is not rising. It's sad that our economy is not progressing. So our government should pay attention to this.

KRISTA MAE

Apr 01, 2023 04:30 pm

Maganda ang epekto neto sa ating mga OFW subalit may hindi rin magandang epekto ito sa mga mamayan natin medyo tagilid lalo sa mga mamayan nating hindi malaki ang kinikita

Page 1 of 13


eboto.ph