DOTr: Tuloy na tuloy na ang pagpapatupad ng PUV Modernization Program

February 10, 2023



I-eextend muli ang March (provincial) at April (Metro Manila) deadlines para sa mga tradisyunal na jeepney sa bansa. Sa kabila nito, nais ng Department of Transportation (DOTr) na ituloy na sa wakas ang pagpapatupad ng PUV Modernization Program na ilang beses nang naudlot dahil sa pandemya. 


Inilunsad ng DOTr ang nasabing programa noong 2017. Layunin nito na gawing mas efficient at environmentally friendly ang pampublikong transportasyon sa bansa. Kabilang dito ang pag-phase-out sa mga jeep, bus, at iba pang Public Utility Vehicles (PUVs) na at least 15 years old at pagpapalit ng mas environment-friendly na alternatibong sasakyan. Itinutulak ng gobyerno ang pagbuo ng mga kooperatiba upang matugunan ang pinansyal na pasanin ng maraming tsuper at operator na magpapalit ng kanilang mga sasakyan. 


Kaugnay nito, humiling ang ilang transport groups na palawigin ang palugit dahil pasakit pa umano sa mga drivers ang kasalukuyang presyo ng produktong petrolyo o i-reevaluate ang programa dahil sa mahal na presyo ng amortization ng modern jeeps.   


Pinag-aaralan pa umano ng LTFRB ang eksatong petsa ng bagong deadline.


Jerwin

Mar 22, 2023 02:25 pm

Bakit ito ay agarang sinusulong ng gobyerno? Alam ba nila na maraming maapektuhan na kabuhayan at pamilya ng mga drivers ang magkakaproblema. Bakit di nalang bigyan ng pansin ang mga taong nasa mababang antas , tulungan sila at bigyan ng kung anong kinakailangan nila.. Oo, kailangan natin alagaan ang kalikasan at bawasan ang polusyon pero maraming tao ang may hindi afford ang pagpalit ng bagong vehicle para makapaghanapbuhay at kikita lang ng sapat para sa pang araw-araw na gastusin. Kung talagang nais gawin ito ng LFTRB sana mas tulungan ang mga drivers.

Reynaldo

Mar 22, 2023 08:58 pm

Hindi ito magiging maganda at maraming mga bagay ang maaapektuhan sa ating bansa. Katulad ng mga operator at ibang mga driver na gamit ay ang mga nakasanayang sasakyan. Kailangan mabigyan ito ng maigting na pagaaral upang hindi masaalangalang ang ating kabuhayan at ating mga kababayan.

Anne

Mar 24, 2023 05:10 pm

hindi sang ayon dahil madaming mamamayan na mawawalan ng trabaho

Patrick

Mar 24, 2023 10:04 pm

di sang ayon dahil dito ay mawawalan ng hanap buhay ang ibang mamamayan dahil ito lamang ang pinagkukunan nila ng gastos sa araw araw

Miguel Enrico

Mar 24, 2023 10:27 pm

sakin ay 50-50 kasi maraming maapektuhan lalo na mga commuters and jeepney driver, pero kung matutulungan nila silang palitan lng ang kanilang sasakyan ng walang malaking gastos mas matutulungan ng government na mas maging maayos ang bansa pagdating sa siguridad ng mga tao at ng ating environment

Page 1 of 16.8


eboto.ph