
βJuan Dela Cruz, Madali lang kumita, magbukas ng account at may 10 h**p://qldpmg.co*.β
Nagulat ka rin ba sa mga natanggap mong personalized messages na nag-aalok ng pekeng trabaho, pangakong papremyo, at ilan pang money scams? π
π Paano ito Nangyari?
Ayon sa mga eksperto, ang mga pangalan natin na napapasama ngayon sa text mula sa unknown number ay maaaring nagmula sa ilang apps.
Bukod rito, maaaring nagagamit rin ang ilan sa personal na impormasyon natin sa contract tracing forms ng malls at restaurants sa gitna ng nakaaalarmang kaso ng COVID-19 cases noon.
Naniniwala rin si Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) Acting Director na si Joel Doria na pwedeng nakuha ng scammers ang ilang personal information natin sa social media platforms, websites, filled-up raffle tickets at lahat ng klase ng standard application forms.
π Ano ang Maaaring Solusyon Rito?
Sa patuloy na pagdami ng kaso ng scam messages, muling nabuhay ang usapin tungkol sa SIM card registration. Sa pamamagitan nito, ang lahat ng postpaid and prepaid mobile phone subscriber identity module (SIM) cards ay kailangan nang irehistro.
π Ano-anong Ginagawa ng Telcos sa Bansa?
Gumastos na ng halos Php 1.1 billion ang Globe upang mapalakas ang kakayahan nitong mag-detect at block ng scam at spam messages. Nakapag-block na rin ang Globe ng 600,000 domains o web addresses.
Dagdag pa rito, ang PLDT naman ay nag-invest ng halos Php 3 billion upang mapalakas rin ang kanilang cybersecurity infrastructure. Nasa 400 million messages at libo-libong numero na rin ang na-block ng PLDT.
Samantala, nakapag-block na rin ang DITO ng nasa 50 na numero ng pinaghihinalaang scammers.
π Ano ang dapat mong gawin upang maprotektahan ang iyong sarili?
Kapag nakatanggap ng personalized spam messages, huwag i-click ang link na nakalagay sa text.
Maaari ring magreport ng insidente ng targeted smishing sa National Privacy Commission (NPC) email, reportsmishing@privacy.gov.ph o sa social media pages nila.
Kung ikaw ay Android user, maaari kang gumamit ng Google Messages. Kung ikaw naman ay iPhone user, pwede kang humanap ng anti-spamming applications. Bagamat may bayad ang ilan sa mga ito, one-time payment lang naman ang hihingin ng mga ito sa mababang halaga.
References:
- https://www.philstar.com/.../scam-texts-got-your-name...
- https://www.philstar.com/.../privacy-body-completes...
- https://www.philstar.com/.../talk-sim-card-registration...
- https://www.cnnphilippines.com/.../scammers-personal-info...
- https://www.pna.gov.ph/articles/1183034
- https://www.rappler.com/.../breach-unlikely-money.../
Mary Ann
Mar 22, 2023 11:10 am
Magandang sistema talaga ang pag register ng simcard para makaiwas na tayo sa mga scammers.
Anna Patricia
Mar 22, 2023 12:44 pm
Sa panahon ngayon dapat lang na i register ang bawat sim ng maiwasan ang pag laganap ng mga scammer.
Jerwin
Mar 22, 2023 01:17 pm
Hindi natin mapipigilan ang mag scammers sa panahon ngayon lalo na't papunta na tayo sa pagunlad pa ng teknolohiya sa bansa at ng buong mundo gayon na madalas na gamitin ang e-money, marapat lamang na maglaan o gumawa ng aksyon ang mga telco companies para makasigurado na protektado ang bawat users nito.
Reynaldo
Mar 22, 2023 02:11 pm
Ito ay sobrang nakatutulong para sa ating pang araw-araw na buhay, lalo na't dumarami ang bilang ng mga nai-scam sa oanahon natin ngayon.
KRISTA MAE
Mar 24, 2023 01:33 pm
Kailangan irehistro ang bawat simcard upang maiwasan na ang mga taong scammer
Page 1 of 16.8