Samu’t sari ang naging pahayag ng netizens sa pagpunta ni Pangulong Bongbong Marcos sa Singapore para manood ng F1 Grand Prix.
Kamakailan lamang, napabalita ang pagpunta ni Pangulong Bongbong Marcos, kasama ang kanyang anak na si Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos, sa Singapore upang manood ng F1 Grand Prix noong Setyembre 30 hanggang Oktubre 2.
Ilang netizens ang nagpahayag ng kanilang suporta ukol rito. Sabi ng isang netizen, “Malay mo he's looking for opportunities to have the racing in the Philippines for a venue in the future which is good for economy.”
Gayunpaman, marami rin ang umalma tungkol rito lalo na’t kakatapos pa lamang maminsala ng Super Typhoon Karding (Noru) sa bansa, partikular na sa ilang probinsya sa Luzon. Nasa at least 12 ang namatay sa bagyong ito, kasama na ang limang rescuers mula sa Bulacan. Aabot naman ng Php 3 billion (o 51$ million) ang pinsalang dulot ng bagyo sa sektor ng agrikultura.
May netizen rin na nagsabing, “Lifestyle of the rich and infamous...while almost a million people in Luzon were displaced because of the previous typhoon.”
Tinatayang aabot mula SG$128 (Php 5,250) hanggang SG$1,288 (Php52,840) ang bayad para sa three-day pass sa event. Bukod pa rito ang hospitality packages na mula SG$1,766 (Php 72,500) hanggang SG$9,898 (Php 406,000).
Sa ngayon, hinihingan na ng pahayag ang Malacañang ukol sa detalye kung sino ang nagpondo para Singapore Trip para sa Formula 1 (F1) Grand Prix Race ni PBBM at ng kanyang pamilya.
Ano’ng masasabi mo rito, ka-eBoto?
Miguel Enrico
Mar 28, 2023 12:23 pm
kung pera namn nila ginamit okay lang yun pera nila yun pero kung pera ng bayan sayang yun dapat nilang palitan kung sino man gunawa nun. isa padon maaring bigyan ng bagong prebelihiyo ang bansa na maaring maging source of income nang ating bansa
Mary Ann
Mar 28, 2023 05:04 pm
Walang problema kung sa sariling bulsa nila gamit yon, kung galing sa dugo at pawis nila walang magagawa ang tao.
Aaron
Apr 01, 2023 08:22 pm
hindi naman natin maiiwasan na may masabi ang iba lalo na ang mga basher nya pero kung sariling pera naman nya ang ginamit satingin ko yun ay ayos lang at basta natapos nya na ang mga dapat asikasuhin sating bansa
Princess April
May 30, 2023 08:19 pm
sariling pera naman ang kanyang ginamit, hayaan na lamang ang mga basher sapagkat hindi nmn sila nakatutulong saatin, at wala din silang karapatan na mag salita
Jade
May 31, 2023 04:27 pm
basta nagawa nya na lahat ng tungkulin at dapat asikasuhin dito sating bansa at sariling pera nya naman ang ginamit sakanyang pamamasyal ay ayos lang naman. At baka may iba pa syang pakay sa kanyang pag alis at may iba pang layunin kaya dapat ay wag natin itong agad husgahan
Page 1 of 12.2