Poll results: Approachable na Kapitan at seguridad sa trabaho ang hiling ng eBoto users!

November 13, 2023



Nandito na ang results ng eBoto polls para sa Barangay at SK Elections! 


Nitong October, nag-launch ang eBoto ng tatlong polls upang makuha ang pulso ng users nito kung ano nga ba ang kahilingan nila para sa magiging mga bagong Barangay at Sangguniang Kabataan officials matapos ang eleksyon nitong October 30.


Nag-eBoto, bumoto!

Isang dumadagundong na 97% ng eBoto users ang nagsabing boboto sila sa Barangay at SK elections. 2% naman ang hindi nakaboto sapagkat hindi pa sila registered voter, habang 1% ang pinag-isipan pa kung boboto sila.


Dapat approachable si Kap

Karamihan ng eBoto users ay nagsabing ang pinaka-hinahanap nilang trait ng isang Barangay Chairperson ay ang pagiging madaling malapitan at mahingan ng tulong.


51.5% ng users ay nagsabing gusto nila ng isang approachable na kapitan, samantalang 36.2% naman ay nagsabing gusto nila ng isang leader na transparent sa ginagamit nitong pondo.


Samantala, 7.9% ng eBoto users ay nagnanais na makaranas ng isang kapitan na may ‘kamay na bakal’ laban si kriminalidad sa kanilang barangay, habang 4.4% lang ang nagsabing gusto nilang generous at mapagbigay si kap.

Job security para sa Barangay

Para naman sa susunod na Sangguniang Kabataan projects, gusto ng karamihan ng eBoto users na tutukan ng SK ang job security sa kanilang lokalidad.


54.9% ng users ang sumang-ayon na dapat mag-focus ang SK sa job fairs at livelihood projects. Sinusundan ito ng mga nagsabing dapat disaster preparedness ang susunod na SK projects, kung saan 23.9% ang bumoto.


Sumagot rin ang 12.8% ng users na nagsasabing dapat matutukan ng SK ang peace and order sa Barangay. Hindi naman papahuli ang mga nagsabing dapat mga liga at pageants ang tutukan ng SK, kung saan 8.4% naman ang sumang-ayon dito.


*lahat ng data sa article na ‘to ay mula sa latest eBoto poll results noong November 6, 2023

Domenic

Dec 02, 2023 07:44 am

Serbisyo oara sa lahat walang pinipili at maaasahan

Eunice Jewell

Jun 26, 2024 02:35 pm

Sana magampanan ng mga brgy officials ang kanilang tungkulin

SHELLY MAE ALINDOGAN

Nov 20, 2023 09:09 pm

MABILIS ANG NAGING TUGON NANG BAGONG KAPITAN NAMIN AGAD NAGKAROON NG CURFEW , MAY UMIIKOT NA TANOD AT NAG TAYO NG ILAW SA BAWAT MADILIM NA DAAANN

Naitan

Nov 22, 2023 05:23 pm

Karamihan satin ay gusto talaga ng mabilis na aksyon sa mga nanunungkulan

Edcel

Nov 23, 2023 03:17 pm

Yes dahil karamihan sa ating mga kababayan natin lalo na sa mga barangay ay talagang kulang sa tulong mula sa Baranggay, na di naman dapat tama dahil nanumpa sila sa na gagawing ang tungkilin bilang isang Ama or Ina ng Baranggay.

Page 1 of 13.2


eboto.ph