POLL: Dapat na Bang Ipasara ang Lahat ng POGO sa Bansa? 🤔

September 29, 2022



Dapat na bang ipasara ang lahat ng POGO sa bansa? 🤔 Let us know in the comments!

đź’¬ Ipapasara na raw ang Lahat ng POGO?

Nagbabala si PAGCOR Chairman and CEO Alejandro Tengco na maaaring ipa-shut down ang buong POGO industry sa bansa kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga report ng kidnappings kaugnay ng online gaming operators. Kamakailan lamang ay may narescue na 43 Chinese nationals na biktima ng human trafficking mula sa isang lisensyadong POGO (Philippine Offshore Gaming Operator) sa Pampanga,

đź’¬ May Kinalaman daw ang POGO sa mga Kaso ng Human Trafficking at Tax Evasion?

Sinabi ng PNP-CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) na hindi bababa sa limang kidnap-for-ransom groups ang tumatarget sa mga POGO workers. Sa kasalukuyan, hindi bababa sa 20 ang POGO-related kidnapping cases sa bansa.

Umusbong din sa Maynila ang mga prostitution den na nagta-target sa mga empleyado ng mga POGO. Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, ang mga kaso ng sex trafficking kaugnay ng mga POGO ay “security threats” sa mga kababaihan na dapat bigyang pansin.

Ayon din kay dating finance secretary Carlos Dominguez III, karamihan sa mga POGO at kanilang mga empleyado ay hindi nagbabayad ng buwis.

💬 “Ordinaryong mamamayan lang ako. May Epekto ba sa Akin ang Hindi Pagbabayad ng Buwis ng mga POGO?”

Ang mga serbisyong panlipunan at proyektong imprastraktura, tulad ng ayuda mula sa DSWD o pagpapatayo ng mga bagong ospital, ay pinopondohan ng mga buwis na nasisingil ng gobyerno.

Dahil sa mga taong hindi nagbabayad ng buwis, nahihirapan ang gobyernong ipatupad ng maayos ang mga proyekto at serbisyong ito para sa mga mamamayan.

đź’¬ PBBM at mga Mambabatas, Sang-ayon ba sa Pagshutdown ng mga POGO?

Ayon kay Sen. Grace Poe, dapat lamang na ikonsidera ito dahil kung dati ay hindi pagbabayad ng taxes lamang ang isyu tungkol sa mga POGO, pinalala pa ito ngayon ng mga isyu ng kidnapping, prostitution, torture and maging pagpatay sa POGO workers. Ganito rin ang sentimyento ni Senate President Juan Miguel Zubiri, lalo na’t nasa PHP 3 billion lamang ang kinikita ng bansa ngayon mula sa mga POGO at hindi sila nag-eemploy ng mga Pilipino. 

Nabanggit umano ni Sen. Imee Marcos, na kontra rin sa POGO operations, ang nasabing isyu sa kanyang kapatid na si President Ferdinand Marcos Jr., ngunit wala pang pinal na desisyon ang presidente ukol dito.
Suhestyon naman nina Sen. Bong Revilla at Sen. Jinggoy Estrada, ang dapat lang ipasara ay ang mga POGO na hindi sumusunod sa batas dahil sayang ang kikitain ng bansa mula sa operations ng mga ito.

References:

Anne

Mar 24, 2023 05:21 pm

hindi po ako sangayon dahil mababawasan tayo ng proteksyon

Patrick

Mar 25, 2023 06:44 am

hindi po ako sang ayon dahil kaunti lamang ang aring proteksyon

Miguel Enrico

Mar 28, 2023 12:13 pm

hindi kasi malaki din nmn naitutulong nito pero pwedeng bigyan nlng sila ng karagdagang rules and regulations

Aaron

Apr 01, 2023 08:46 pm

pag ipinasara sila mababawasan ang atin proteksyon pero kung ito ang paraan para mabawasan ang human trafficking at kidnappings satin bansa satingin ko ay makakabuti ito

Emanuel

Apr 06, 2023 12:31 am

Mayroong iba't ibang opinyon kung dapat ba o hindi lahat ng POGO ay isara sa bansa. Ang ilan ay nangangatuwiran na ang pagsasara sa industriya ay magkakaroon ng negatibong epekto sa ekonomiya at maaaring humantong sa pagkawala ng trabaho, habang ang iba ay nangangatuwiran na ang sinasabing pagkakasangkot ng industriya sa mga ilegal na aktibidad ay nagdudulot ng malaking banta sa seguridad at kagalingan ng bansa.Sa huli, ang desisyon kung ipapasara o hindi ang industriya ng POGO sa Pilipinas ay dapat na nakabatay sa maingat at masusing pagsusuri sa epekto nito sa ekonomiya, seguridad, at lipunan ng bansa. Dapat ding tiyakin ng pamahalaan na ang tuntunin ng batas ay naninindigan at ang anumang iligal na aktibidad na nauugnay sa industriya ay nauusig.

Page 1 of 12.4


eboto.ph