📌 Pilipinas, kulelat daw sa kalidad ng edukasyon?
Ayon sa report ng World Bank, matapos ang lagpas dalawang taon ng distance learning, 9 sa 10 batang Pilipino na may edad na sampu ay nahihirapang magbasa ng simpleng salita. Kaya naman, itinuturing na ang Pilipinas na may mataas na kaso ng “learning poverty” sa East Asia at Pacific Region.
📌 Ano’ng sanhi nito?
Isa sa mga itinuturong sanhi ng pagkakaroon ng mababang kalidad ng edukasyon sa bansa ay ang pagiging ‘overworked’ ng ating mga guro at kakulangan ng budget ng pamahalaan para sa edukasyon.
📌 Ano-anong ginagawang aksyon ng gobyerno upang matugunan ito?
🏫 House Bill 3543 - Panukalang batas nina Rep. Paolo Duterte ng Davao at Eric Yap ng Benguet na makapagbigay ng Php 2,000 monthly allowance para sa supplies ng public school teachers. Lagyunin din nito na maging tax-free ang teaching supplies allowance.
🏫 Senate Bill 149 - Naghain din ng panukalang batas si Sen. Sherwin Gatchalian upang itaas ang sahod ng mga guro.
🏫 Senate Bill 564 at 565 - Panukalang batas na inihain ni Sen. Joel Villanueva na naglalayong mabigyan ang mga guro, teaching, at non-teaching personnel sa public schools, technical vocational institutions, at state universities ng dagdag na grocery, transportation, at medical allowance.
Para kay Sen. Villanueva, “The era of missing classrooms, sharing tables and chairs, and holding classes under the shade of trees must no longer happen. We expect our students to have their classes in comfortable classrooms and with complete learning materials as promised by DepEd.”
Reference/s:
Patrick
Mar 24, 2023 05:38 pm
dahil sa kahirapan ay hindi nakakapag aral ng mabuti ang mga bata
Anne
Mar 24, 2023 05:50 pm
maraming mga bata na hindi nakakapagaral dahil sa kahirapan
Mary Ann
Mar 24, 2023 10:08 pm
Kawalan ng budget pangtustos sa pagaaral. Di tulad sa ibang bansa na gobyerno ang bahala sayo kapag hindi ka kayang pagaralin ng magulang mo. Sanaol diba.😂
Presley Joy
Mar 25, 2023 08:00 am
Mapapa sana ol ka nalang talaga sa ibang mga bansa na may pakialam sa edukasyon ng kabataan.
KRISTA MAE
Mar 25, 2023 04:15 pm
Dapat pag tuunan ng pansin ng gobyerno ang pag aaral lalo na maraming bata ang hindi nakakapag aral dahil sa kahirapan
Page 1 of 15.6