
#PakCheck: Mga ferson, alamin natin ang TOUGH FEYK FORDA WEEK!
Panalo sa fake news ang administration ni pangulong Marcos this week nang ikumpara ng mga kaalyado nito ang Maharlika Wealth Fund sa dati nang ipinanukalang batas ni dating Senador Bam Aquino noong 2016, kahit na magkaiba ang konteksto at panggagalingan ng funds nito. Sa kabilang banda, top victim naman si Bam this week. Nagkaroon ng 17,540 RCS (Reactions, Comments, and Shares) ang 8 posts hinggil dito.
Pumatok rin sa social media ang suggestion ni SAGIP Representative Rodante Marcoleta na food pills daw ang kinakain ng astronauts. Nakakaloka no? ‘Eto pa, sabi ni Marcoleta, kapag ibinigay daw ito sa mahihirap, kahit 2 weeks silang hindi tsumibog, keri lang daw? Uhm, sir, hindi po tama ‘yan!
Next up naman ay ang mga nagsasabing hindi disinformation ang dahilan ng pagkatalo ni dating bise presidente Leni Robredo noong eleksyon. Tsk, tsk. Sure na ba ‘tan, kahit na ayon sa fact-checking initiative ng Tsek.PH, si Robredo ang top victim ng fake news at si Marcos ang top beneficiary noong panahon ng campaign?
Disclaimer: Dahil sa algorithmic restrictions ng social media platforms online, ang data na ito ay limitado lamang sa mga post na lumalabas sa aming feed at hindi kumakatawan sa lahat ng fake news posts sa nakaraang linggo.
Mary Ann
Mar 25, 2023 08:39 am
Austronaut Pills? Ako den nagtataka pero bakit naman ipapatake sa mga mahihirap just for clout o para sumikat lang. Hays! Isipin sana muna lahat ng hakbang parang mema nalang mga nagaganap sa ganyang usapin🤦🏻♀️
Jerwin
Mar 27, 2023 04:50 pm
Kailangan talaga natung usisain ang mga issues nayan, at mag #pakcheck kasi baka ang mga nababasa natin ay mga peyk news lang. Dun tayo sa may resibo!
Anna Patricia
Apr 03, 2023 11:47 am
Maging mausisa at wag basta basta ma niniwala sa mga news kung walang matibay at tamang paliwanag palanging mang #pakcheck
Shejane
May 30, 2023 06:04 pm
wag mag maniwala lalo na't walang patunay, kaya hindi tayo umuuland e. Kaya dapat tayo mag tiwala sa #pakcheck, hatid nito ang tunay na balita
Princess April
Jun 01, 2023 01:22 pm
maging mapanuri sa lahat ng nakikita o napapanood na balita kung wla itong kasiguraduhan
Page 1 of 12.4