#PakCheck: 5 myths tungkol kay Andres Bonifacio

November 30, 2023



Maraming misconceptions tungkol sa buhay at kamatayan ni Andres Bonifacio. Ang ilan dito ay itinuturo pa rin sa outdated textbooks lalo na sa elementary schools. 


Anu-ano ang mga ’to? Kilala ba talaga natin ang isa sa mga pinaka-dinadakilang bayani sa kasaysayan ng bansa? Alamin natin!


❌ Myth # 1: Hindi Edukado si Andres Bonifacio


✅ PakCheck: 

Sa katotohanan, noong nabubuhay pa ang mga magulang ni Bonifacio, nakapag-aral siya hanggang primary school at nagkaroon ng mga private tutors.


Bonifacio bilang manunulat. Larawan mula sa Inquirer


Tumigil lang siya pag-aaral dahil namatay ang kanyang mga magulang sa sakit na tuberculosis. Hindi naman ‘to naging hadlang dahil naturuan niya ang kanyang sarili na magbasa sa mga wikang Filipino at Español.


Well-read si Bonifacio sa mga Spanish translation ng mga libro tungkol sa French RevolutIon, Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ang Bibliya, Le Miserables, at marami pang iba.


Member din sya ng La Liga Filipina at nagsulat sa dyaryong La Solidaridad. Kaya’t mali na sabihin na hindi nag aral o walang alam ang Supremo.


❌ Myth # 2: Lumaki sa hirap ang pamilyang Bonifacio 


✅ PakCheck: 

Middle-class, hindi lower-class, ang pamilyang Bonifacio


Mural ni Bonifacio. Larawan mula sa Business World


Parehong nagkaroon ng trabaho ang kanyang mga magulang. Ang kanyang ina, isang half-Spanish Mestiza, ay nagtrabaho sa isang pabrika at ang kanyang ama naman ay nagtrabaho sa opisina ng Gobernadorcillo.


Mula noong itinaguyod ni Andres ang kanyang pamilya, nakapag trabaho siya bilang theatre actor, mandatario para sa isang British trading firm at bodeguero na in charge sa isang warehouse. 


Gumawa rin siya ng mga tungkod o cane at paper fans na kanyang ibinenta bilang side hustle.


❌ Myth # 3: ‘Bolo’ o ‘itak’ ang pangunahing armas ni Bonifacio


✅ PakCheck: 

Sa mga litrato, painting or statue, bolo o itak ang hawak ni Bonifacio. Sa katotohanan, ang pangunahing armas ng Supremo ay revolver.


Bonifacio Shrine. Litrato mula sa Business World


Ipinikita ‘to sa iba’t ibang pagkakataon, tulad ng Battle of San Juan at sa Tejeros Convention, kung saan tinutukan ni Andres ng revolver si Daniel Tirona dahil ininsulto nito ang Supremo. 


Sa mga sulat ni Bonifacio sa iba pang mga Katipunero, nagbabanggit ang paggamit niya ng baril.


❌ Myth # 4: Hindi Katoliko si Andres dahil sa kanyang association sa Freemasons


✅ PakCheck: 

Walang kinalaman ang pagiging Freemason ni Bonifacio sa kanyang pagiging Katoliko, sapagkat hindi naman relihiyon ang Freemasonry.


Bonifacio at ang kanyang asawang si Gregoria de Jesus.


Pinangalanan siyang Andres dahil kapareho niya ng kaarawan ang feast day ni Saint Andrew. Matapos ang tatlong araw, bininyagan si Andres sa isang simbahan sa Tondo.


Mabilis siyang nabinyagan. Turo kasi ng mga prayle sa kanyang ina, kapag daw namatay ang isang bata nang hindi nabibinyagan sa Katolikong simbahan ay magiging tiyanak ito.


Makalipas ang ilang taon, naging Freemason at Katipunero si Bonifacio, bagay na ikinagalit ng mga prayle sapagkat itinuring nila ang Freemasonry bilang kagagawan ng diablo


Dahil dito, hindi na nagsisimba si Bonifacio. Hindi ‘to nagustuhan ng ama ni Gregoria de Jesus, ang future wife ni Bonifacio. Pinayagang magpakasal ang dalawa sa kondisyong ikakasal sila sa Katolikong simbahan.



❌ Myth # 5: Execution by firing squad ang ikinamatay ni Bonifacio 


✅ Pakcheck: 

Maraming bersyon ang kwento ng kamatayan ni Andres Bonifacio. 


May mga nagsasabi na siya ay binaril ng firing squad matapos siya ipaaresto ni Aguinaldo, habang may iba namang nagsasabing siya ay pinaslang gamit ang bolo.


“Ang Wakas ni Andres Bonifacio”, painting ni Carlos Valino Jr.


Hanggang ngayon, walang katiyakan kung alin sa dalawang paraan ang totoo dahil magkakaiba ang mga salaysay.

Rose Joy

Mar 20, 2024 03:11 pm

dapat din ay icheck nila ng mabuti ang mga nakalagay sa libro na patungkol sa nakaraan

Janet

Nov 30, 2023 04:43 pm

Mahalaga na alam natin ang kasaysayan natin upang may pinagrerepleksiyunan tayo ng mga nakaraang dapat hindi inuulit

Shane Vast Andrei

Dec 01, 2023 06:50 am

Need talaga na i-debunk mga myths patungkol kay Bonifacio

Paulien Rhaine

Dec 01, 2023 04:28 pm

Dapat lamang na malaman ng mga pilipino ang katotohanan at maging repleksyon din ang pagkakamali nuon

Junvell

Dec 01, 2023 11:36 pm

Kailangan itong i-update.

Page 1 of 12


eboto.ph