PAK NA PAK: Marami raw bakanteng upuan habang speech ni President Marcos sa UN General Assembly?

September 21, 2022



  • Maraming bakanteng upuan ng mga delegado ng ika-77 UN General Assembly nang magtalumpati si Pangulong Ferdinand Marcos noong Setyembre 20. 

  • Makikita sa mga larawan at sa livestream ng kanyang assembly na maraming nakaupo bago ito magtalumpati, ngunit maraming upuan ang nabakante habang siya ay nasa entablado at matapos ito magtalumpati.

  • Bago mag-speech si Marcos, nagbigay ng pahayag si President Xiaomara Castro Sarmiento ng Honduras hinggil sa pag-reject sa diktadura, extrajudicial killings, at awtoritaryanismo. Ito ay mga legasiya ng pamilyang Marcos.


(2-min. read) - Makikita sa mga larawan at livestream ng talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa 77th United Nations General Assembly na maraming delegasyon mula sa iba’t ibang bansa ang wala sa kanilang mga upuan habang siya ay nasa entablado.


Bakanteng upuan sa speech ni Marcos

Mula sa mga opisyal na news source nanggaling ang mga larawan sa UN General Assembly sa New York City noong Setyembre 20 (Setyembre 21 sa time zone ng Pilipinas) na nagpapakitang kalakhan ng mga silya sa hall ang naiwang bakante habang siya ay nagdedeliver ng speech.


Masisilip sa post ng opisyal na Facebook page ng Pangulo ang mga larawan na nagpapakita na karamihan sa mga delegasyon ng ilang bansa ay wala sa kanilang mga upuan habang siya ay nagtatalumpati. Mapapanood ang kabuuang talumpati sa livestream ng RTVMalacañang, ang official broadcast arm ng opisina ng Pangulo.


Ang talumpati ni Marcos ay isinagawa sa afternoon session ng UN General Assembly noong Setyembre 20. Sa umpisa ng session, makikita na halos lahat ng mga delegado ay nakaupo sa kanilang mga pwesto. Pagdating ng talumpati ni Marcos, kaunti na lamang ang mga nakaupo. Samantala, wala namang makikitang dahilan kung bakit binakante ng mga ito ang kanilang mga puwesto, at hindi rin makumpirma kung ang presensya ba ni Marcos ang dahilan nito.


Ang UN Debate

Sa kanyang address, ibinandera ni Marcos ang mga kontribusyon ng Pilipinas sa pagresolba ng mga krisis sa mapayapang paraan. Binanggit niya bilang ehemplo ang Manila Declaration of 1982 at 1982 UN Convention on the Laws of the Sea (UNCLOS). Malaking bahagi rin ng kanyang speech ang “unity” ng mga bansa para resolbahin ang geopolitical crisis sa Asya.


Unang nagbigay ng speech si President Iris Xiaomara Castro Sarmiento ng Honduras. Laman ng speech niya ang pag-reject sa diktadoryal na pamumuno at extrajudicial killings, sapagkat ang kanyang administrasyon ang unang demokratikong pamunuan sa Honduras matapos ang 13-taong diktadurya, kung saan nakaranas ang kanilang mamamayan ng “cruel suffering we have been forced to endure.”


Posibleng ang pag-bakante ng mga upuan ng mga delegado sa talumpati ni Marcos ay may kaugnayan sa kasaysayan ng kanyang pamilya, kung saan sa ilalim ng 21-taong pamumuno ng kaniyang ama, ang diktador na si Ferdinand Marcos Sr., nagkaroon ng maraming kaso ng human rights violations at bumagsak ang pambansang ekonomiya.



SOURCES:

[1] https://gadebate.un.org/en 

[2] https://www.facebook.com/BongbongMarcos/posts/642264560601461 

[3] https://www.youtube.com/watch?v=av7CMIXfoqA&ab_channel=RTVMalacanang 

[4] https://gadebate.un.org/en/listbydate/2022-09-20 

[5] https://gadebate.un.org/en/77/philippines 

[6] https://www.ips-journal.eu/topics/future-of-social-democracy/the-end-of-honduras-narco-state-5697/ 

[7] https://www.officialgazette.gov.ph/featured/the-fall-of-the-dictatorship/ 


Aaron

Apr 02, 2023 09:56 pm

Lahat ng bagay ay ginagawang bigdeal ng mga tao pinag tutuunan nila ng pansin ang mga maliliit na bagay na hindi naman makakaganda sating bansa

Presley Joy

Apr 06, 2023 02:35 pm

Kaya nga, pati ba naman bakanteng upuan sa assembly e pinoproblema nila hahahaha haynako!

Shejane

Jun 02, 2023 04:49 pm

bakit lahat na lang napapansin ng mga tao, bakit hindi natin pag tuunan ng pansinin ang mga nangyayaring maganda sa ating bansa

Rhea ann

Jun 02, 2023 07:59 pm

hindi dapat ganitong balita ang tugunan agad natin ng pansin, isipin natin ang mga mahihirap na pilipino.

Jade

Jun 06, 2023 06:06 pm

Ganyan naman talaga ang mga tao kapag ayaw nila ang pamumuno ng isang tao sisiraan nila para paniwalaan sila ng iba kahit na andami dami ng problema sa bansa dumadagdag pa sila

Page 1 of 6.4


eboto.ph