Si PCSO General Manager Melquiades Robles ang may pinakamalaking kontribusyon sa kampanya ni Bongbong Marcos noong eleksyon.
Nadawit si Robles sa isang corruption case noong 2017 habang administrator ito ng Light Rail Transit Authority (LRTA).
Naging laman muli si Robles ng balita nang depensahan nito ang “highly unlikely” na resulta ng 6/55 Grand Lotto kung saan 433 na indibidwal ang nanalo.
(2-min. read) - Dumipensa si Melquiades Robles, top individual donor ni PBBM at General Manager ng PCSO, sa kontrobersyal at “highly unlikely” na resulta ng 6/55 Grand Lotto kung saan 433 na indibidwal ang maghahati sa P236-M pot. Unang naging kontrobersyal si Robles matapos ipag-utos ng Sandiganbayan ang pag-aresto dito noong 2017 sa kasong graft.
Gov’t positions para sa Marcos donors
Naisapubliko ang mga indibidwal at grupo na sumuporta sa kampanya ni Bongbong Marcos sa panahon ng eleksyon nang isumite nito ang kaniyang Statement of Contribution and Expenditures (SOCE) noong Hunyo. Sa tumototal na P623.23-M na ginamit ni Marcos para sa kampanya, nangunguna sa donasyon si ex-Davao Congressman Antonio Lagdameo, Jr. sa ngalan ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na nagbigay kay Marcos ng P272-M.
Dahil ang donasyon ni Lagdameo ay binigay sa ngalan ng PFP, hindi ito ang top individual donor ni Marcos. Si Melquiades Robles, dating Administrator ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang indibidwal na may pinakamalaking donasyon sa halagang P30-M.
Nang makaupo sa puwesto, binigyan ni Marcos ng lugar sa kanyang administrasyon ang mga nangunguna nitong donors. Ginawa nitong Special Assistant to the President (SAP) si Lagdameo, habang si Robles naman ay na-appoint bilang PCSO General Manager.
Graft, kaso, at kontrobersiya ni Robles
2017 nang ipag-utos ng Sandiganbayan ang pag-aresto kay Robles at iba lang mga opisyal dahil sa maanomalyang implementasyon ng isang P400-M janitorial contract ng ahensya. Inakusahan sina Robles ng Ombudsman ng pagbabayad ng P3.7-M kada buwan para sa serbisyo ng 321 janitors ng ahensya, ngunit 219 na personnel lamang ang tunay na na-deploy. Na-acquit naman si Robles at ang mga “co-conspirators” nito matapos pagbigyan ng korte ang kanilang demurrer.
Ngayong Oktubre, nadawit muli si Robles sa kontrobersyal na resulta ng 6/55 Grand Lotto kung saan idineklarang 433 katao ang nanalo.
Sa isang tweet, sinabi ni OCTA Research fellow at UP Diliman math prof Guido David na ang posibilidad na magkaroon ng 433 na panalo sa 6/55 lotto ay “1 out of 1 followed by 1224 zeros.” Ngunit ayon rin sa kanya, posibleng tumaas ang probabilidad na mangyari ito dahil ang mga winning numbers ay nasa multiples ng numerong 9.
Nitong Oktubre 2, sinabi nina Senator Aquilino Pimentel III at Senator Risa Hontiveros na kailangan ng Senate resolution upang imbestigahan ang anumang irregularidad sa resulta ng lotto. Ayon kay Pimentel, maghahain ito ng resolusyon “to ensure the integrity of our lotto games.”
SOURCES:
[1] https://www.cnnphilippines.com/news/2022/6/7/Marcos-SOCE-campaign-spending-623-million.html
[2] https://comelec.gov.ph/?r=CampaignFinance/SOCE
[4] https://pcij.org/data/375/explore-the-data-who-donated-to-bongbong-marcos
[5] https://newsinfo.inquirer.net/1602831/marcos-jr-picks-ex-solon-anton-lagdameo-as-special-assistant-to-the-president
[6] https://www.rappler.com/nation/marcos-jr-picks-mel-robles-pcso-general-manager/
[10] https://www.cnnphilippines.com/news/2022/10/2/433-bettors-win-P236M-Grand-Lotto-jackpot.html
[11] https://twitter.com/iamguidodavid/status/1576770835171274752
[13] https://newsinfo.inquirer.net/1673977/minority-senators-seek-probe-on-extraordinary-grand-lotto-draw
Ariel
Sep 06, 2024 09:06 pm
Walang masama sa pagsuporta sa isang kandidato. Basta siguraduhin nila na ang perang gagamitin sa pagsuporta na iyan ay sa sarili nilang bulsa.
Aaron
Mar 30, 2023 10:11 pm
kahit naman sino ay pwedeng sumuporta sakanilang satingin nila ay ang taong makakapag paunlad ng ating bansa
Presley Joy
Apr 06, 2023 02:23 pm
Kahit naman sino ang sinuportahan nila e walang problema kasi malaya naman sila sa ganong usapin yun nga lang sana ay walang bahid ng korapsyon.
Carlo
May 29, 2023 08:23 pm
tamaa kahit naman sino pedeng suportahan ang napupusuhan na kandidato
Rhea ann
Jun 03, 2023 04:05 pm
tama naman, may karapatan tayong suportahan ang ating kandidato
Page 1 of 9.2