PAGASA: Central Luzon, niluluto? Dahil sa heat wave ‘yan!

March 07, 2024



Akala mo niluluto ka ng firebender? Mainit lang talaga this March!


Inireport ng weather bureau noong March 5 na kailangan ng “extreme caution” sa mga Central Luzon areas dahil sa heat indexes na umaabot mula 33°C hanggang 41°C. 


Kabilang sa mga areas na nakaranas ng mataas na heat indexes ay ang:

  • Iba, Zambales (36°C);

  • Clark Airport, Pampanga (36°C);

  • Central Luzon State University (CLSU), Muñoz, Nueva Ecija (38°C);

  • Baler, Aurora (33°C); Casiguran, Aurora (33°C);

  • Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City (36°C)


Ayon sa data ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA), umabot na sa 35°C ang temperatura na naitala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City at sa PAG-ASA Science Garden sa Quezon City.


Samantala, naitala naman ang heat index sa “danger” level sa Tuguegarao City, Cagayan, na umabot sa 42°C.


Baka umabot hanggang 52 degrees Celsius?

Noong February 20, nagbabala ang PAG-ASA na maaring umabot ang temperatura hanggang 52°C ngayong March.


Ayon sa ahensya, maaaring magkaroon ng heat stroke kapag nagtagal ka sa isang lugar na 52°C ang temperature. 


Noong April 2022, tinamaan ng matinding heat wave ang Dagupan City, Pangasinan sa init na 52°C.


Bago ito, nagbabala ang Pangasinan’s Provincial Health Office (PHO) PHO medical officer Dr. Cielo Almoite sa heat wave sa lalawigan noong 2022. 


Ayon kay Almoite, “Avoid staying in the sun, especially from 11 a.m. to 3 p.m. when the heat is at its highest.”


PAGASA tips to stay safe ngayong tag-init!


Ayon sa PAGASA, maaaring humantong sa heat stroke ang prolonged exposure sa mainit na temperatura. Kapag na-expose ka sa 54°C, tiyak na magkaka-stroke ka!


Syempre ayaw nating humantong sa point na ‘yon, kaya’t narito ang ilang tips mula sa PAGASA para safe ka ngayong tag-init!


  1. Stay indoors! Kung walang air conditioning, mag-stay ka sa pinakamababang floor. Kapag mas malayo sa direct sunlight, better!


  1. Wear light clothes lang! By light clothes, ibig sabihin magaan ang weight at light ang kulay. Ayon sa ahensya, dahil nirereflect ng light colors ang energy ng sun, makakatulong ‘to to stay cool.


  1. Stay hydrated! Kapag nagka-emergency, iwasang uminom ng alcoholic liquor para hindi ka ma-dehydrate.


Eat less, but eat often! Kaunti lang ang food per meal, per dapat maraming meals. Ayon sa PAGASA, kapag tag-init, iwasang kumain ng high-protein food dahil tataas ang body heat mo.

Maria

Mar 07, 2024 03:23 pm

dapat hindi ipagpaliban ang schedule

Dianne Chelsie

Mar 07, 2024 03:24 pm

Grabeng init talaga ito at maaaring magdulot ng sakit kaya tama lang na i-adjust ang school at office hours lalo na para sa mga studyante.

Cecilia

Mar 07, 2024 03:26 pm

kung mapprotektahan nito ang tao laban sa masamang epekto ng sobrang init na panahon, bakit hindi diba?

Ralyn

Mar 07, 2024 07:07 pm

Grabi tlga init Ngayon kahit sa loob ng bahay sobrang init , Lalo na Po ung may mga pasok sa school at office at construction worker Ngayon . Drink more water Po at mag ingat ang lahat

Cherry

Mar 07, 2024 09:53 pm

Kahit dito ay ramdam namin ang init .kahit nasa probinsya na kami at malamig tlaga dito ang klima. .pero dahil elninio na ramdam ang init

Page 1 of 8.6


eboto.ph