Kamakailan lamang, napabalita ang plano ng kamara na magpasa ng batas kung saan imamandato ang child support sa bawat magulang. Sa panukalang ito, isinusulong ang pagpapataw ng parusa sa mga magulang na hindi magbibigay ng pinansyal na suporta sa kanilang mga magiging anak.
Ano ang nais ipataw na parusa ng panukalang batas na ito?
Ilan sa mga parusang nabanggit sa panukalang ito, ayon sa nag-akda na si Northern Samar Rep. Paul Daza, ay ang pagharang sa pag-aapply ng mga “delinquent” parent sa passports, driver’s license, at iba pang dokumento ng gobyerno.
Ayon rin sa panukalang ito, ang bawat magulang ngayon ay ire-require na magbigay ng financial support sa kanilang mga anak. Sa mga first-time offenders, probation muna ang parusa ng pamahalaan. Pero kung paulit-ulit ang reklamo sa magulang, o repeat offender ito, maaari itong makulong ng dalawa hanggang apat na taon. Pwede rin silang ma-fine ng hindi bababa sa P100,000.
Sa Pilipinas lang ba may ganito?
Ayon kay Rep. Daza, sa ibang bansa ay katumbas nito ang “Anti-Deadbeat Father Act.” Sa ating bansa raw kasi, aabot sa halos 95 percent ng mga pabayang magulang ay kalalakihan. Kaya naman ang layon ng batas ay isulong ang pagiging responsableng magulang sa mga ama at ina.
Eh nag-abroad na ang magulang, matatakasan nya kaya ang responsibilidad nya?
Kung hindi responsable ang isang magulang, imamandato ng batas na bigyan nila ng suporta ang kanilang mga anak. Kahit ang mga magulang na nasa abroad at inabandona ang kanilang mga anak ay walang takas. Ayon sa panukalang batas, pwedeng i-extradite, o sapilitang pabalikin, ng gobyerno ang magulang na guilty sa paglabag sa batas.
Para naman sa mga magulang na walang magandang pagkakakitaan, hahanapan raw sila ng gobyernong maghanap ng trabaho upang magampanan nila ang kanilang mga obligasyon.
Sang-ayon ka ba sa panukalang ito? O tingin mo’y kontra sa mahirap ang batas? Share your thoughts with us!
#eBotopedia
#AlamNaThis
Anne
Mar 24, 2023 06:43 pm
tama lang po dahil madaming bata ang napupunta sa lansangan ng dahil sa kapabayaan ng mga magulang
Jerwin
Mar 24, 2023 08:08 pm
Yup I agree, kasi maraming mga bata at kabataan ngayon ang hindi nasusuportahan ng kanilang mga magulang. May mga pangarap ang nais gawin ng isang bata kaya bilang magulang kailangan itong suportahan.
Patrick
Mar 25, 2023 06:52 am
tama lang dahil madaming mga bata ang napapabayaan
Miguel Enrico
Mar 28, 2023 11:58 am
tama lang dahil sino ba ang gumawa non sila lang din diba kaya dapat nila panindigan yung mga bagay na responsibilidad nila
Mary Ann
Mar 28, 2023 05:06 pm
Sumasangayon po ako, para walang batang kawawa ang naiiwan dito sa Pilipnas dahil sa mga magulang na pabaya.
Page 1 of 12.8