Kamakailan lang, pinawalang-bisa ng Las Piñas City Regional Trial Court Branch 197 ang kaso kaugnay sa possession of drugs ni Juanito Jose Remulla III, anak ni Department of Justice Secretary Boying Remulla. Pinangako noon ni Sec. Remulla na hindi siya manghihimasok sa kaso ng anak.
Ano ang kinaiba ng kaso ng anak ni Sec. Remulla sa mga kaso ng pangkaraniwang Pilipino?
Ang problemang kinakaharap ng pangkaraniwang Pilipino pagdating sa mga kasong kinakaharap nila ay ang matagal na pagkakakulong bago pa man sila dumaan sa paglilitis. Ayon sa mga pag-aaral, inaabot ng humigit-kumulang siyam na buwan ang pagkakakulong sa mga Pilipino bago pa sila ilitis. Hiwalay pa ang bilang sa aktwal na paglilitis ng kanilang kaso na maaaring abutin ng 500 days bago maresolba, ayon sa datos mula sa Korte Suprema noong 2018.
Kung sisilipin naman ang kaso ng droga sa bansa, iba naman ang naging pagtrato ng sistema sa mga drug suspects nitong mga nakaraang taon. Ayon sa datos mula sa PDEA noong May 31, aabot sa 6,252 ang mga napatay na drug suspect sa kampanya kontra ilegal na droga. Hindi na ito dumaan pa sa due process o tamang paglilitis. Aabot rin sa 345,216 na suspects ang ikinulong sa libo-libong drug operations na isinagawa ng PDEA.
Ano nga ba ang nangyari noon sa anak ni Sec. Remulla?
Matatandaan na naaresto noong Oktubre 11, 2022 ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang nakababatang Remulla. Ito ay matapos niyang tumanggap ng parcel na naglalaman ng 900 grams ng kush o high-grade marijuana na halos Php 1.3 million ang halaga.
Ngayong buwan, “not guilty” ang hatol na inilabas ng Las Piñas RTC Branch 197 Judge na si Ricardo Moldez II sa sinasabing paglabag ni Remulla III sa Sec. 11 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165).
Bakit na-abswelto si Remulla III? Ayon sa inilabas na pahayag ng korte, narito ang mga dahilan:
✅ On the ground of reasonable doubt - Ayon sa korte, “there was no clear evidence that [the] accused had freely, consciously, and with full knowledge possessed the alleged seized illegal drugs.” Binanggit din ng korte ang dalawang agent na parehong tumestigo na sinabi ni Remulla III na hindi siya umaasa ng anumang delivery. Wala rin daw itong kilalang “Benjamin Huffman” na sinasabing nag-ship ng parcel
✅ Violation of chain of custody - Ang “chain of custody” ay tumutukoy sa tracking record na nagsisimula sa mga detalyadong tala ng eksena na naglalarawan kung saan natanggap o nakolekta ang ebidensya. Ayon sa desisyon ni Judge Moldez, ang nasabing package ay para kay “Juanito Remulla” at hindi kay “Juanito Jose Remulla III.” Maaari raw na na-frame up lang si Remula III.
Sa ngayon ay inabisuhan na ng “immediately released” ang nakababatang Remulla.
Gayunpaman, nahaharap pa rin sa hiwalay na reklamo ang anak ni Remulla dahil sa importasyon ng droga at paglabag sa Customs Law sa Pasay City Prosecutor's Office. Bukod rito, walang ibang korte na naglabas ng warrant of arrest laban sa kanya.
References:
https://news.abs-cbn.com/news/01/06/23/remullas-son-walks-free-after-drug-possession-acquittal
https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/856512/las-pinas-court-acquits-juanito-remulla-of-illegal-drug-possession/story/
ROSALY ANN
Mar 26, 2023 01:48 am
Kailan kaya magiging makatarungan ang batas?
Mary Ann
Mar 27, 2023 11:30 pm
Hindi na talaga naubos ang ganitong usapin pagdating sa droga. Marapat na matapos na itong batas na to, disiplina sa sarili dapat!
Miguel Enrico
Mar 28, 2023 11:48 am
dapat sa mga ganyan ay pantay pantay kung ano ang parusa sa mahirap ganun din dapat sa kanila dahil ano pa silbi ng kulungan kung malaya parin nila nagagawa gusto nila
Aaron
Apr 01, 2023 02:01 pm
Kaya hindi masasabi makatarungan ang batas sating bansa dahil ang batas sa pilipinas ay nabibili ng pera o di kaya ay may kapit sa politiko o gobyerno sanay ay maging pantay pantay ang parusa sa lahat ng napatunayang may sala
Emanuel
Apr 06, 2023 12:37 am
ng hustisya sa kaso ng anak ni Sec. Remulla. Una, mabilis na na-dismiss ang kaso sa Las Piñas City RTC Branch 197, na nangangahulugang hindi gaanong inabot ng mahabang pagkakakulong si Juanito Jose Remulla III. Pangalawa, may mga pahayag si Sec. Remulla na hindi siya makikialam sa kaso ng kanyang anak, ngunit hindi naman ito nangyari sa pangkaraniwang Pilipino, kung saan may mga insidente ng panghihimasok ng mga nakapangyayaring opisyal sa kaso ng mga tao.Ito ay nagpapakita ng mga kakulangan at hindi patas na pagtrato ng sistema ng hustisya sa mga mamamayan ng bansa. Ang mahabang pagkakakulong bago pa man maisampa ang kaso at ang mahabang proseso ng paglilitis ay nagdudulot ng mga suliranin sa mga Pilipino, tulad ng pagkawala ng trabaho, pagkawala ng kabuhayan, at pagkasira ng kanilang mga relasyon sa pamilya at komunidad. Dapat magkaroon ng pantay at patas na pagtrato sa lahat ng mga kasong kinakaharap ng mga mamamayan ng bansa.
Page 1 of 13.6