PAANO NAGIGING BATAS ANG ISANG PANUKALA?

February 23, 2023



PAANO NAGIGING BATAS ANG ISANG PANUKALA? 


Ano ang pinagkaiba ng “bill” at “law”?


Ang isang bill ay paunang kopya ng panukalang batas o proposal na isinusumite sa Kongreso upang mapag-usapan at gawing batas. Ang “law” naman ay ang ganap na batas o hanay ng mga alituntuning ginawa ng lehislatura.


Ano ang proseso upang maging ganap na batas ang isang panukala?

  1. Ang panukala (bill) ay inihahain sa Senado o House of Representatives. 

Kahit sino ay pwedeng maghain ng proposal o suhestyon sa mga mambabatas.

  1. Pinag-aaralan, pinagdedebatihan, at inaayos base sa mga suhestyon ang bill sa pamamagitan ng pagsasailalim sa tatlong “readings.” 

  2. Ang bill ay inaaprubahan ng boto ng majority ng mga Miyembrong present sa botohan. 

Ang approved bill ay ipinapasa sa Senado upang sumailalim sa parehong proseso.

  1. Kapag may pagkakaiba sa bersyon ng Kamara at Senado, nagkakaroon ng bicameral conference upang maayos at pag-isahin ito.

  2. Kapag naratipikahan, pinapadala sa Malacañang ang kopya ng bill upang maaprubahan ng Pangulo. 


Nagiging ganap na batas ang panukala kapag:

  • Inaprubahan ito ng Pangulo

  • Walang aksyon ang Pangulo sa loob ng 30 araw

  • Hindi ito inaprubahan ng Pangulo pero inoverride ito sa pamamagitan ng boto ng ⅔ ng miyembro ng bawat house (Kongreso at Senado)

Jerwin

Mar 22, 2023 02:18 pm

Maraming Pilipino ang hindi ganuon kaalam sa mga batas ng Pilipinas, mangyari na huwag sana padalos dalos na agarang gumawa ng mga batas na hindi importante sa sitwasyon ng bansa. Dahil maraming tao ang naguguluhan , mabuti pang bigyan ang mga Pilipino ng kaalaman ukol sa mga batas. Pagtuunan ito ng pansin lalo na sa mga kabataan ngayon na halos hindi nakikibalita sa kung anong issue ang meron sa bansa.

Reynaldo

Mar 22, 2023 02:42 pm

Sa pagawa ng batas o mga panukala, ay kailangang isinasaalang-alang natin ang lahat kung ano ang magiging epekto nito. Katulad ng pagsasabatas ng sogie bill, rh bill at kung anu ano pa. Kailangngang mas maging matalino at metikoloso ang mag aapruba nito sapagkat hindi ito basta basta na ilalagay at apapatupad ng ating konstitusyon para lang sundin ng hindi napagusapan ng mabuti.

Patrick

Mar 24, 2023 05:01 pm

kailangan isaalang alang ang lahat sa magiging epekto ng ginawang batas o panukala

Anne

Mar 24, 2023 06:01 pm

kailangan isaalang alang ang lahat sa magiging epekto na ginawang batas

Aaron

Mar 25, 2023 12:21 am

Upang makagawa ng batas, ang lehislatura o batasan ay lumilikha ng dalawang pangunahing dokumento: mga panukalang batas (bills) at mga kapasiyahan/resolusyon (resolutions)

Page 1 of 15.8


eboto.ph