
Minimum Wage Hikes, Isinusulong na nga ba?
Ayon sa DBM, ang mga empleyado ng gobyerno ay makatanggap na ng panibagong taas sahod sa susunod na taon bilang mandato ng Salary Standardization Law 5.
Ito ay kasunod na rin ng lumalawak na panawagan ng iba’t ibang labor groups na taasan ang sahod ng mga empleyado ng gobyerno sa P33,000 kada buwan. Ayon sa kanila, ito ang nararapat na tugon sa tumataas na presyo ng mga bilihin sa bansa.
Sa kabilang banda, nagsusulong naman ang Partido Manggagawa ng P100 na minimum wage increase sa lahat ng manggagawa sa bansa. Ito’y dahil sa mas tumataas na inflation rate na pumalo pa sa 7.7% nitong Oktubre.
Posible ba ang taas sahod?
Sa ngayon, pinagaaralan pa rin daw ng DOLE ang pagtataas ng minimum wage sa buong bansa. Babala naman ng DOLE, dapat ring usisaing maigi ang taas sahod dahil baka magdulot rin ito ng panibagong taas presyo naman sa ating mga bilihin.
Ano ba ang Salary Standardization Law?
Ang Salary Standardization Law 5 ay tumutukoy sa batas na nagtataas ng sahod ng mga empleyado ng pamahalaan taon taon mula 2020 hanggang 2023, kabilang na ang mga guro ng pampublikong paaralan at mga nurse. Pinirmahan ito noong 2019 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa 2024 ba, muling magtataas ang sahod ng mga government employees?
Ayon sa batas, maaaring makatanggap ng taas sahod ang mga empleyado ng gobyerno taon taon. Ngunit, sa ngayon ay inaaral pa ng DBM kung papaano madaragdagan ang kanilang sahod sa mga darating na taon dahil ipinapatupad rin lamang ito sa pamamagitan ng mga batas mula sa kongreso.
Bakit may ganitong batas para sa mga government employees?
Ayon sa DBM, layon ng batas na gawing halos kapantay ng sahod ng mga empleyado ng gobyerno ang ibinibigay sa mga empleyado ng pribadong sektor. Ito’y para na rin makapaghikayat pa ng mga tao na magtrabaho sa gobyerno at mapanatili ang mga magagaling at dedikadong mga civil servants ng bansa.
Taas sahod nga ba talaga ang solusyon?
Ayon sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP), ang dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ay mga proyektong makapagbibigay ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino. Dagdag nila, mas kailangan natin ng mas kaunting buwis at mas maraming ayuda.
Dagdag nila, 90-porsyento ng mga negosyo sa bansa ay micro, small at medium enterprises lamang. Ito rin ang mga negosyong inaasahan nilang hindi kakayanin saluhin ang epekto ng taas sahod sa buong bansa.
May mga balita rin mula DTI na inaaral nila ang request ng mga local manufacturers para sa taas presyo ng mga de lata, gatas, tinapay, instant noodles, sabong panlaba, asin, toyo, at mga kandila.
Asahan rin nating may mga panibagong taas presyo sa mga bilihin pagdating ng Enero sa susundo na taon. Ito’y dahil tumataas na rin ang presyo ng mga raw materials, packaging, at iba pa, na ginagamit ng mga manufacturer.
JOHN GEREMY
Mar 22, 2023 03:11 pm
hmm para po sakin siguro dapat itaas ang sahod dahil sa pag taas din ng mga bilihin
Mary Ann
Mar 22, 2023 04:00 pm
Sa panahon natin ngayong marami ng bagong nakaupo, malaki narin ang pagtaas ng mga hilihin. Sana taasan narin ang pasahod sa mga trabahador lalo na yung mga nasa public work!
John Harold
Mar 22, 2023 10:15 pm
Dapat lang po na itaas ang sahod sa kadahilanang walang humpay ang pagtaas ng mga bilihin.
KRISTA MAE
Mar 24, 2023 01:30 pm
Dapat isabay sa pagtaas ng bilihin ang pagtaas din ng sahod.
Anne
Mar 24, 2023 05:04 pm
dapat lang po na taasan na ang sahod ng mga kapwa natin na nagttrabaho dahil matataas napo ang mga bilihin
Page 1 of 15.6