Maharlika Bill, malapit nang gawing batas

July 06, 2023




Ano ang Maharlika Investment Fund (MIF)?

Ang MIF ay isang sovereign wealth fund. Pool ito ng pera para sa investment na ima-manage ng isang government company na tinatawag na Maharlika Investment Corp (MIC).

Saan manggagaling ang pondo para sa Maharlika Investment Fund?

Ayon sa Senate Bill 2020, ang paunang contribution sa MIF ay magmumula sa mga sumusunod:
  • Land Bank of the Philippines (LandBank) - P50 billion 
  • Development Bank of the Philippines (DBP) - P25 billion
  • National Government - P50 billion (mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP, Philippine Gaming Corporation o PAGCOR, at Department of Finance o DOF)
  • Total: Php 125 billion

Sa anong ahensya ng pamahalaan hindi pwedeng kumuha ng pondo ang MIF?

  • Social Security System (SSS)
  • Government Service Insurance System (GSIS)
  • Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth)
  • Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
  • Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) Pension Fund

Saan gagamitin ang MIF?

Pag-promote ng fiscal stability at economic development ng Pilipinas
Pagpapalakas sa nangungunang Government Financial Institutions (GFIs) ng bansa
Pagpapaganda ng socio-economic conditions ng bansa sa sektor ng edukasyon, healthcare, infrastructure, at iba pa.

Ano’ng mga bansa ang may similar funds?

Norway 
  • Nagmumula ang excess earnings ng bansa mula sa oil industry
  • Nawalan ng $165 billion (2022)
Singapore (Temasek Holdings) 
  • Hawak at pinamamahalaan ng Temasek ang mga ari-arian na dating direktang hawak ng gobyerno ng Singapore.
  • Nalugi ang Temasek ng $275 million (2023)
Malaysia - 1Malaysia Development Berhad (1MDB) 
  • Itinatag ito ni Najib Razak, dating Prime Minister ng Malaysia upang makapagbigay ng pondo sa economic development project ng bansa ngunit nauwi at nagamit sa personal na luho niya.
  • Ipinasara na. Nalugi ng aabot sa $4.5 billion.

Sa kabila ng limitadong resources ng gobyerno at hindi malinaw na paglalaanan ng pera para sa Maharlika Investment Fund (MIF), dapat bang gawing batas ang bill na ito. Ano’ng masasabi mo?

Jen kim

Jul 06, 2023 11:54 pm

Maganda Balita Yan para sa sektor ng edukasyon at health care

Jennylyn

Jul 19, 2023 12:36 pm

Maganda ang balita na yan para sa sector ng education at health care

Esce Mae

Sep 12, 2023 01:46 pm

Maganda ang balita na yan para sa sector ng education at health care. Mas maganda ito kung gagamitin rin sa tama.

Riza

Oct 09, 2023 04:11 pm

Hindi ako sang-ayon sa Maharlika Bill.

Vergie

Oct 11, 2023 05:52 pm

magandang Balita iyan, pero sana gamitin ito sa tama

Page 1 of 14.6


eboto.ph