Habang wala ang pangulo sa bansa, si Vice President Sara Duterte-Carpio muna ang magsisilbing officer-in-charge (OIC).
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ang dahilan ng state visit ni PBBM ay upang mapag-usapan ang pakikipagtulungan ng Pilipinas sa iba’t ibang sektor ng Indonesia at ang pagpirma ng iba’t ibang kasunduan. Ilan rito ang mga sumusunod:
Philippines-Indonesia Plan of Action
Renewal of agreement on defense and security cooperative activities, at
Memorandum of understanding on cultural cooperation.
Bukod rito, ilan rin sa napag-usapan ni PBBM at ng Indonesian President na si Joko Widodo ang defense, maritime, border, economic, at people-to-people cooperation. Sa isang predeparture briefing sa media, sinabi rin ni PBBM na may ilang topics na hindi niya inaasahang mapag-uusapan. Kasama rito ang mga sumusunod:
Pag-supply ng Indonesia sa Pilipinas ng fertlizer at coal
Paglipat ng Indonesia sa renewable energy
Diskusyon ukol sa Public-Private Partnership, at
Kung paano masusuportahan ng gobyerno ang micro, small, and medium enterprises.
Bagamat kasama sa itinerary ng pangulo ang pakikipagkita sa mga OFWs sa Indonesia, umasa rin ang ilang mga Pilipino na mabisita sana ni PBBM si Mary Jane Veloso, ang Pinay na nahatan ng death penalty dahil sa Indonesia noong 2010. Sa katunayan, bago pa man lumipad patungong Indonesia si PBBM, lumapit na ang mga magulang ni Veloso sa Department of Migrant Workers (DMW) upang mapauwi na ang anak na nasa death row sa loob ng 12 taon dahil sa isyu na may kaugnayan sa droga.
Sabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, “I understand, since it’s a pending issue, it may be inescapable but we will announce if it is taken up.”
Ano’ng masasabi mo, ka-eBoto? Share mo na ‘yan sa comment section!
References:
https://www.rappler.com/.../updates-marcos-jr-state.../...
https://www.onenews.ph/.../bbm-in-indonesia-sara-named-oic
Miguel Enrico
Mar 28, 2023 03:39 pm
makaka buti namn kaya yung kasunduan dahil about nanamn sa iport ng goods baka magmahal nanamn pati mga fertilizer and yung kay veloso mabuti din na mapauwi kesa ma sintensyahan kawawa ang pamilya kaso masmaraming pamilya ang naapektuhan dahil sa drug na dinawitan nya
Mary Ann
Mar 28, 2023 05:00 pm
Mabuti din na mapauwi kesa ma sintensyahan kawawa ang pamilya kaso masmaraming pamilya ang naapektuhan dahil sa drug na dinawitan nya. Makaka buti namn kaya yung kasunduan dahil regarding nanamn sa iport ng goods,
Aaron
Apr 01, 2023 09:00 pm
satingin ko ay maraming napag kasunduan ang pangulo ng indonesia at ang pangulo ng ating bansa sana ay tumibay pa lalo ang samahan ng dalawang bansa dahil don at satingin ko ang pag papalaya kay Mary Jane Veloso ay malabong sang ayunan ng Indonesia sapagkat alam naman natin na sobrang bigat ng parusa na hina hatol sa ibang bansa tungkol sa ipinag babawal na gamot
Shejane
May 30, 2023 08:13 pm
kawawa naman ang ating kababayan na si Mary Jane Veloso, pero mabuti din siya ay mapauwi kesa masintensyahan lalo na damay ang kanyang pamilya sa drug na pinasukan niya
Princess April
May 30, 2023 08:30 pm
mas mabuti na napauwi kesa sintensyahan, dahil kawawa ang pamilya nito
Page 1 of 13.8