Mga Lumang Litrato ng Paggamit ni Kris Aquino ng Chopper, Inuungkat ng mga Netizen?
Sa pagputok ng issue ng diumano’y pribadong paggamit ni VP Inday Sara ng government chopper, inungkat naman ng ilang netizens ang mga lumang litrato ni Kris Aquino sa paggamit ng government chopper noong panahon ni PNoy.
Maikukumpara ko ba ang litrato ni Kris Aquino sa issue ng ngayo’y VP Inday Sara?
Tulad ng litrato ni VP Inday Sara, umani rin ng sari-saring batikos ang litrato ni Kris Aquino. Ito’y dahil sa diumano’y personal nilang paggamit ng pera at sasakyan ng gobyerno para sa kanilang sariling mga aktibidad.
“Eh ginawa naman na dati ‘yan, ba’t grabe ka maka-react? Ipokrito!”
Una, ang mali ng nakaraan ay hindi dapat ginagamit upang palusutin ang mga mali ng kasalukuyan. Bilang mga responsableng mamamayan, dapat lang na himayin ng hiwa-hiwalay ang bawat issue na ating kinakaharap. Oo, maari nating muling buhayin ang issue ng paggamit ni Kris Aquino ng presidential chopper…
Pero tandaan natin na hindi ito dapat maging dahilan upang ang mga kontrobersiya ng kasalukuyan ay hindi na pagusapan. Maari nating pagusapan at himayin ang issue ni Kris Aquino habang pinagdedebatehan natin kung tama ba ang diumano’y paggamit ni VP Inday Sara ng presidential chopper.
Eh fake news naman daw kasi na ginagamit nya ang presidential chopper gabi-gabi…
Hindi natin masisisi ang mga netizen kung lumutang ang mga spekulasyong ito ay pag-abuso ng resources ng gobyerno. Hindi rin natin maikukumpara ang isang beses na paggamit ni Kris Aquino ng chopper sa akusasyon kay VP Inday Sara.
Isang post mismo ni VP Inday Sara ang nagbigay ng dahilan para ito ang maging hinuha ng publiko. Dahil ayon mismo sa kanya:
“Thank you, PBB, and your 250th PAW for ensuring that wherever I may be found in the country during the day, I am home in time to tuck my children to bed.”
Kung tatagalugin, nagpapasalamat sya dahil kahit sa’n man sya t’wing umaga, nasisigurong nasa tamang oras syang nakakauwi sa kanilang tahanan upang patulugin ang kanyang mga anak. Kaya naman talagang hindi mo masisisi ang publiko kung lumutang ang mga tanong kung naaabuso nga ba ang resources ng gobyerno para sa kanilang pansariling dahilan?
Ano namang pakialam ko sa pagtatalo sa isyu na to?!?!
Sa demokrasya, lahat ng bagay ay pinaguusapan. Pag may mali bang nagawa noon, ibig sabihin, hindi na natin pwedeng pag-usapan ang mga bagong issue ngayon? Hindi rin pwedeng palusutin ang mga pagkakamali at pag-abuso ng mga nakaupong opisyal dahil lamang parte sila ng ating mga kinabibilangang partido.
Tandaan na kahit mismo sa mga supporter ng LP noon, umani ng batikos ang dating litrato ni Kris Aquino. Walang kinasuhan na kahit sino sa kabila ng mga akusasyon sa kanilang kampo. Ito’y dahil sa isang demokrasya, malaya tayong lahat ireklamo at punahin ang ating gobyerno twing tayo’y nakakakita ng pag-abuso.
At ‘wag natin ugaliing magturo ng magturo! Sa karinderya lang ‘yan pwede.
Annabelle
Dec 30, 2023 10:06 am
ginagawa nila ito para makapanira ng tao
Anne
Mar 24, 2023 06:46 pm
hindi na dapat inuungkat ang mga nangyari noon
Aaron
Mar 24, 2023 11:44 pm
dapat ay pag tuunan nalang ng pansin ang ibang mas importanteng bagay kesa halungkatin pa ang mga dating issues
Jerwin
Mar 25, 2023 02:14 am
Mas bigyang pansin ngayon ang estado ng bansa huwag na ang mga nakaraan na issue na hindi matukoy kung totoo ba o hindi
Patrick
Mar 25, 2023 06:44 am
hindi na dapat binibigyang pansin ang mga pangyayari noon
Page 1 of 12.2