From #TravelGoals ni PBBM to investments: Eh bakit pa need ng Cha-cha?

April 06, 2024



Sa mundo na muling nagbukas pagtapos ng pandemya, ‘di lang mga ordinaryong Pilipino ang sabik mag-explore abroad.


Si President Ferdinand Marcos Jr. (PBBM), halos non-stop din ang byahe sa ibang bansa!


Pero, ‘di daw ‘to basta gala lang, bawat trip may bitbit siyang pangakong investment para sa ‘ting ekonomiya. 


Kaya lezgo! Deep dive tayo sa detalye ng kanyang mga travels, vlogger yarn?!


TIMELINE: PBBM’s foreign trips, investment pledges


Bago ang lahat, quick chika muna: Ano nga ba ang investment pledges at para saan ito


Kapag sinabing investment pledges, ito ‘yung mga pangakong investments na gagawin ng foreign entities sa bansa natin.


Key word: pangako. HINDI actual investments.


Remember, pledges pa lang ‘to, parang lakad ng barkada na nai-drawing pa lang at wala pang kulay, ‘di pa sure. So, importante na ma-track natin kung saan at paano ‘to mag-ma-materialize.


Now, let's unpack ang bonggang trips ni PBBM!



2022: Ang simula ng world tour ni PBBM

  • Indonesia (September 2022): Unang hirit sa state visit with $8.48 billion na investment pledges. Bongga!

  • Singapore (September 2022): Another win with $6.54 billion in pledges.

  • USA (September 2022): Sa UN General Assembly, naka-score ng $3.847 billion

  • Singapore (October 2022): Walang na-report na investment pledge pero sagana sa experience at productive work on the sides.

  • Cambodia (November 2022): Though walang reported dollar amount, ang mahalaga, nagkausap.

  • Thailand (November 2022): Secured $4.62 billion. Thai massage with investment pledges on the side!

  • Belgium (December 2022): Nag-uwi ng $2.2 billion worth of pledges. Belgian chocolates, anyone?



2023: Pagpapatuloy ng global domination

  • China (January 2023): Mega jackpot na $24.239 billion pledges! Great Wall of Investments.

  • Switzerland (January 2023): Meetings and ‘promise of new investments’ ang ganap.

  • Japan (February 2023): J-beauty and $13 billion in pledges. Arigathanks gozaimuch!

  • USA (April 2023): Back in the US of A with a whopping $1.7 billion investment pledges.

  • United Kingdom (Mayo 2023): Tea time but no tea on the pledges. Next time, maybe?

  • Labuan Bajo, Indonesia (Mayo 2023): Chill trip, but the investment game is still on.

  • Kuala Lumpur, Malaysia (July 2023): Not bad with $285 million worth of pledges

  • Jakarta, Indonesia (September 2023): Dinaan sa charm, nakuha ang $22 million. Small but meaningful.

  • Singapore (September 2023): Umuwi with an additional P11 billion (around $200 million) investment pledges. Double back, why not?

  • Riyadh, Saudi Arabia (October 2023): Secured $4.26 billion worth of investment deals. Hot like the desert!

  • San Francisco, Los Angeles, and Honolulu, US (November 2023): Coast-to-coast with $672.3 million in pledges.

  • Tokyo, Japan (December 2023): Bagged $263 million worth of business deals. Ramen is life, but investments are lifer.



2024: Panibagong round ng pakikipagsapalaran

  • Brunei (January 2024): Quick hi and hello. Catching up with the sultan.

  • Vietnam (January 2024): Pho-nomenal visit but quiet on the pledge front.

  • Canberra, Australia (February 2024): G'Day mate, dollar update? Naur.

  • Melbourne, Australia (March 2024): Down Under again with $1.53 billion in pledges. Aussie Aussie Aussie, Oi Oi Oi!

  • Germany (March 2024): Another $4 billion worth of pledges,  prost to progress!

  • Czech Republic (March 2024): Focus muna sa relationship with the signing of labor and trade agreements. Silent pa sa pledges.


So, after all of those countries and ‘dollar bills,’ ano na nga bang ambag sa ekonomiya? 


Sabi sa press release ng Department of Trade and Industry (DTI), umabot na sa $72.178 billion o halos P4 trillion ang nakuhang investment pledges ng pangulo na binubuo ng 148 projects sa pagtatapos ng 2023. 


Sa pinaka-recent nilang update, $14.2 billion o 20% ng kabuuang halaga ng pledges ang ‘actualized’ na raw o nagsisimula na sa implementation.


Kung titingnan naman ‘to by project, 46 out of 148 ang operational na habang nasa 102 projects pa ang nasa planning stage sa kanilang home countries.


Going strong, pero ano’ng dapat tutukan?


Sa kanyang blogsite, nabanggit ng dating National Economic and Development Authority (NEDA) Chief Prof. Winnie Monsod na sa una pa lamang, nagkaroon na ng pagkakaiba ang mga investment pledges na naiulat nang presidente at ang naibibigay na report ng DTI sa kanilang press release. 


Ang tanong na iniwan niya, “Who is correct?” Sino nga ba, hanggang ngayon parang suspense thriller, bitin tayo sa sagot.


Ibig sabihin, hindi tugma ang mga investment pledges na inireport ng DTI at ang mga nakukuhang pledges ni PBBM. Parang… may kulang?


Pero wait, there's more! 


‘Di pa natatapos d’yan si Mareng Winnie. ‘Yung $72.178 billion na sinasabi ng DTI, posibleng ‘di daw lahat ng ‘yan direct result ng mga pag-ikot ni PBBM sa mundo. 


Pwedeng ‘yung ibang investments on the way na rin, mag-travel man o hindi ang pangulo.


Ang daming siguro ‘no? Check pa natin!


Ang FDI sa ilalim ng administrasyon ni Marcos

Bukod sa investment pledges, meron ‘ding tinatawag na Foreign Direct Investment o FDI na pumapasok sa ating bansa. 


Ang FDI ‘yung direct investment na pumapasok sa ating ekonomiya from other countries—bringing in fresh capital, technology at trabaho para sa atin. 


The more FDIs we get, ibig sabihin mas bet na bet ng international community ang Pilipinas!


So ano ‘ngang lagay natin? 


Base sa data ng Bangko Sentral, mayroong 7% growth rate ang FDI noong buwan ng July to September 2022 at 2023, habang may 0.55% na pagtaas naman ang FDI sa mga buwan ng October to December 2022 at 2023.


Ibig sabihin, improving naman ang foreign investments sa bansa… ‘yun nga lang parang score sa exam, lumagpas sa passing rate pero konti lang. 


But of course, kahit ga’no kaliit, positive news parin ang increase. Pero tanong pa rin, san tayo nagkulang?


Sa usapin ng FDI, merong tinatawag na “net equity other than reinvestment of earnings.” Ito ay binubuo ng investment ng mga foreign entities sa Philippine companies na nagpapakitang may trust at confidence sila sa market growth ng bansa.


Sa puntong ito, taob ang laban! 


Bumagsak nang 49% at 52% ang net equity dahil sa paglobo ng ‘withdrawals’ nang inaalis na ng mga investor ang pera nila sa iba’t ibang Philippine companies na pinaglagyan nila. 


Pero sa kabilang banda, nagkaroon naman ng 24% at 28% growth ang ating FDI pagdating sa “net debt instruments.” 


Ibig sabihin, mas dumami ang foreign investors na willing magpautang para sa kahit anong  investment sa Pilipinas.


Charter Change para sa pagtaas ng Foreign Investments?

Another hot topic na related sa FDI ay ang usapin ng charter change, partikular ang pag-relax sa 60-40 foreign ownership rule. 


Ang ibig sabihin, pinag-uusapan ng Senado at Kongreso kung dapat bang payagan ang higit sa 40% na pag-aari ng mga dayuhan sa mga lokal na kumpanya.


Ito ay sa paniniwalang mas maraming foreign investments ang magiging susi sa mas pinalawak na pag-unlad ng ekonomiya. 


Sa kasalukuyan, mayroon nang ilang batas na naipasa para mas mapabilis na mapalago ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagsuporta sa foreign investors.


Isa na dito ang Foreign Investment Act na nagbigay ng go signal sa ilang industriya na payagan ang isang dayuhan na mag-may ari 100% ng isang kompanya. 


Kahit suportado rin ang pag-alis ng restriction sa foreign ownership, sinabi naman ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na mayroon rin namang ibang paraan para mas mapalakas pa ang ekonomiya ng bansa tulad ng pagresolve sa issues tungkol sa ease of doing business, at ang pagbibigay solusyon sa unpredictable policies and regulations na mayroon ang Pilipinas.

Edward

Apr 06, 2024 09:11 pm

Sulit Naman , pero dapat inaatupag nia Yung utang ng pilipinas para mabawasan nman kahit papaano

Maria

Apr 09, 2024 08:15 pm

make attention naman sa mga dukha at pulubi no need travels and invest but hopefully magworks ng mga projects

Marilyn

Apr 11, 2024 12:36 pm

posible pero madami pang problema ang bansa na dapat unahin

Luisa Mae

Apr 13, 2024 09:18 am

May mas malaking problema Ang pinas na mas dapat pagtuunan ng pansin

Luisa Mae

Apr 13, 2024 10:15 am

Siguro

Page 1 of 7.6


eboto.ph