Hanggang Saan Aabot ang P203B Utang ng Pamilyang Marcos?

February 09, 2023



Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko na magbayad ng tamang buwis on time. Ito ay para suportahan ang economic recovery ng bansa.   


Samantala, wala pang progreso ang BIR sa paniningil sa P203 bilyong buwis (estate tax) na utang ng pamilyang Marcos.  


📌 Ano ang estate tax?


Ito ay tax sa karapatan na ipinasang pamana (assets tulad ng lupain at iba pang ari-arian) ng isang yumao sa kanyang tagapagmana. Hindi ito buwis sa ari-arian. Ito ay isang buwis na ipinapataw sa pribilehiyo ng paglipat ng ari-arian kapag namatay ang may-ari nito. Kaya kung hindi pa ito nababayaran, hindi pa ito maaaring gamitin o wala pang maaaring makuhang benepisyo ang tagapagmana.


Isang beses lamang sisingilin ang estate tax base  sa kabuuang matatanggap ng tagapagmana pagkamatay ng donor, ngunit tulad sa kaso ng mga Marcos, maari itong lumobo dahil sa interes.



📌 Magkano ang utang ng mga Marcos?


Noong Disyembre 2021, nagpadala ang BIR ng demand letter sa mga Marcos na bayaran ang kanilang estate tax dues na lumobo na sa P203 bilyon mula sa P23 bilyon noong 1997 na base sa isang desisyon ng Supreme Court laban sa mga Marcos.


📌 Ano ang katumbas ng 203 billion estate tax liability ng mga Marcos? 


  • P3,700 buwanang ayuda (per person) para sa 4.5 milyong benepisyaryo ng 4Ps 

sa loob ng isang taon (mula sa kasalukuyang P500 per month na ayuda)


  • P5,600 buwanang ayuda (per person) para sa 1.5 milyong magsasaka

sa loob ng 2 taon


  • Scholarship ng 634,000 estudyante sa  (SUCs)

P80,000 kada taon (per student) sa loob ng apat na taon


  • P2.6 milyon (per person) para sa 75,730 biktima ng Martial Law (claimants)



📌 Ano ang latest update sa paniningil ng gobyerno sa kanilang utang?


Ayon sa Bureau of Internal Revenue nitong Pebrero 2023, masusi nilang pinag-aaralan ang estate tax issue ng pamilyang Marcos at reresolbahin daw ito sa takdang panahon at nang naaayon sa batas.



Sources:


https://www.bir.gov.ph/index.php/tax-information/estate-tax.html 

https://news.abs-cbn.com/spotlight/03/31/22/tax-101-what-happens-when-you-dont-pay-estate-tax 

https://www.rappler.com/nation/marcos-estate-tax-remains-unresolved-bir-tax-campaign-february-2023/ 

https://businessmirror.com.ph/2022/09/07/some-non-poor-families-may-be-saved-from-4ps-delisting/ 

https://www.philstar.com/business/2022/08/02/2199562/dbm-releases-p8-billion-farmers-subsidy 

https://newsinfo.inquirer.net/1563160/ched-scholarship-applications-on-hold-due-to-budget-lack

https://newsinfo.inquirer.net/726107/75730-claims-of-rights-violations-under-marcos-are-being-processed 


Anne

Mar 24, 2023 06:02 pm

hanggang si bbm papi ang ating presidente

Miguel Enrico

Mar 24, 2023 10:31 pm

naka dipende parin ito sa kanila kung magbabayad ba sila or hindi sapagkat wala parin namn nakakapag sasabi kung hanggang kelan ito mababayaran

KRISTA MAE

Mar 26, 2023 02:29 pm

Hindi parin naten alam kung hanggang kelan ito mababayaran.

Mary Ann

Mar 27, 2023 11:16 pm

Maraming kailangang proseso at tanging gobyerno lamang ang makakaalam sa ganitong usapan.

Aaron

Mar 30, 2023 06:59 pm

ang estate tax ay buwis na karapatan ng isang namatay na tao na ililipat ang mga kanyang ari arian sa kanyang naiwan na pamilya o kamag anak para bayaran ang kanyang naiwan na utang maraming dadaanang proseso ang ganitong paraan kaya hindi natin masasabi kung hangang kailan ito mababayaran

Page 1 of 14.2


eboto.ph