Ang perang pinaghirapan mong ipunin, papayag ka bang magamit na pondo sa investment na hindi naman sigurado?
Sa pangunguna ni Representative Martin Romualdez at Representative Sandro Marcos, hinain ang House Bill No. 6608, na kilala rin bilang Maharlika Investment Fund Act. Ito ay naglalayong bumuo ng P275 bilyon para maging pondo ng gobyerno sa investments para sa iba’t ibang sektor, kagaya ng international stock markets, real estate, pagmimina, at iba pa.
Saan kukunin ang perang ito?
✅ Land Bank of the Philippines (Land Bank) – P50 billion
✅ Development Bank of the Philippines (DBP) – P25 billion
✅ Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) – 100% ng idineklarang dibidendo base sa income ng nakaraang taon
Iba ito sa panukala noon ni dating Senador Bam Aquino na naglalayong makuha ang pondo mula sa gobyerno mismo. Dagdag pa niya, “Ang ginagamit na pondo para sa isang sovereign wealth fund ay karaniwang surplus o sobra ng budget dahil may posibilidad na malugi ang isang sovereign wealth fund. Klaro na hindi dapat galing sa mga pensyon ng mga manggagawa ang mga pinagkukuhanan nito.”
Sino-sino nga ba ang iba pang sumusuporta sa panukalang batas na ito? Alamin ang kanilang yaman sa post na ito.
References:
- https://verafiles.org/articles/vera-files-fact-check-arroyo-marcos-claim-that-bam-aquino-proposed-same-sovereign-wealth-fund-bill-needs-context
- https://www.rappler.com/nation/bam-aquino-asks-is-now-really-time-maharlika-wealth-fund/
- https://www.congress.gov.ph/download/docs/saln.cy2018.alpha.pdf
- https://www.congress.gov.ph/download/docs/saln.cy2014.networth.05212015.pdf
- https://www.cnnphilippines.com/news/2016/06/08/house-of-representatives-congressmen-saln-richest-poorest.html
Mary Ann
Mar 27, 2023 11:29 pm
Hindi naman ata maganda na ganon ang gawin nilang patakaran sa ganiting uring batas. Pera ko tapos gagamitin ng iba sa walang kasigutaduhan? Hindi nalang.
Miguel Enrico
Mar 28, 2023 11:51 am
dapat kung gumamit man sila yung sa sigurado hindi duon sa mawawalan ng saysay ang pera ng bayan dahil kung mawawala lang ang pera ng bayan sino ba ang kawawa dapat kung gagamitin man nila meron silang pamalit
Aaron
Apr 01, 2023 03:44 pm
sana kung gagamitin man ang pera ng taong bayan ay dun sa sigurado at siguradong mapapaganda ang ating bansa dahil kahit ako ay hindi papayag kung ang pinag hirapan ko ay mapupunta lang sa wala
Emanuel
Apr 06, 2023 12:20 am
Galing sa malalaking kita ng bansa mula sa mga sektor tulad ng langis at gas, pagmimina, at iba pang industriya na nakakapagbigay ng malaking kita sa ekonomiya ng bansa. Hindi naman malinaw kung magkano ang yaman ng mga mambabatas na nagtataguyod ng Maharlika Investment Fund Act dahil hindi naman ito direktang kaugnay sa kanilang personal na yaman. Ang pagpapasa ng ganitong batas ay bahagi ng kanilang trabaho bilang mga mambabatas ng bansa. Sa kabilang banda, ang pagpapasa ng ganitong batas ay dapat na pinag-aaralan ng mabuti dahil may mga risk at potential na mawala ang perang pinaghirapan ng mga tao kung hindi ito maingat na gagamitin sa mga investments.
Shejane
May 30, 2023 06:01 pm
sana sa pag gamit ng pera ng mga mamamayan, magagamit ito sa tama at ikagaganda ng ating bansa.
Page 1 of 12.6