Magkano ang utang ng bawat administrasyon?

January 20, 2023



Sa mga nagdaang taon, patuloy na lumolobo ang utang ng Pilipinas – kasama na rito ang ating domestic at foreign debt.

Ano nga ba ang kaibahan ng domestic debt sa foreign debt?

📌 Ang domestic debt ay nagmumula sa pag-isyu ng treasury bonds o loans ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ang treasury bonds ay dokumentong nagpapatunay na may utang ang Pilipinas sa iyo. Halimbawa, may proyekto ang Pilipinas na may malaking pondong kinakailangan at kulang sila ng budget, nagi-issue sila ng maraming treasury bonds na maaaring bilhin ng publiko. Itinuturing rin itong investment asset dahil bukod sa bayad utang, nagbabayad rin ng interes ang gobyerno sa mga may hawak ng treasury bonds.

📌 Samantala, ang foreign debt naman ay tumutukoy sa utang panlabas ng bansa. Ang Pilipinas ay nanghihiram sa ilang foreign lenders kagaya na World Bank, International Monetary Fund, at Asian Development Bank.

Ginagamit rin ito upang pondohan ang malalaking proyekto ng bansa. Ang problema sa foreign debt, minsan ay may malaking kondisyon o interest rates ang mga pautang na ito.

At kung patuloy ang paghiram ng pera mula sa ibang bansa, maaari itong magdulot ng pagbagal ng ekonomiya, pagliit ng pondo para sa mga serbisyong kinakailangan ng mga mamamayan, at iba pang mga uri ng krisis.

Ilan sa mga halimbawa ng mga bansang nagdusa sa labis na pag-utang ay ang Sri Lanka. Umabot sa 55.6 billion US dollars, katumbas ng 3 trillion Philippine pesos, ang utang nila. Ang problema, hindi na rin nila ito kinayang bayaran dahil sa patuloy na paglobo ng presyo ng mga bilihin.

Noong June 2022, pumalo sa 54.6% ang inflation rate nila. Nahirapan nang mag-import ng petrol at diesel ang kanilang bansa. Nagsara ang mga serbisyo tulad ng buses, trains, at ambulansya sa Sri Lanka dahil wala na raw itong pera upang kumuha ng gasolina.

📌 Dapat ba nating tutukan ang utang ng Pilipinas? Nakakaalarma na ba ang lebel nito?

Patuloy ang pagtaas ng ating mga utang nitong mga nakaraang taon. Makikita nating sa bawat nagdaang administrasyon, nagbabago ang lebel ng hinihiram nating pera pangtustos sa pangangailangan ng mga Pilipino. Pero sa ilalim ba ng kaninong pamumuno nagkaroon ng malaking utang ang bansa? Naramdaman mo bang umangat ang estado ng iyong pamumuhay matapos ang mga hakbang na ito ng gobyerno?

Alamin sa post na ito.

References: 


Anne

Mar 24, 2023 06:59 pm

halos lahat po skanila ay malalaki na ang utang

Patrick

Mar 25, 2023 06:58 am

sana ay maging sapat na ang pondo ng pilipinas para di na magkautang

ROSALY ANN

Mar 26, 2023 01:47 am

San magkaroon na sila ng aksyon uoang tuluyan ng lumago ang ating ekonomiya at ng hindi na sila mangutang pa ng sobra sobra

Mary Ann

Mar 27, 2023 11:24 pm

Hindi na lingid sa bawat isa satin na kaya malaki ang utang ng Pilipinas pagdating sa dating pangulong Duterte ay talaga namang nakita natin ang nagawa niya para sa Pilipinas.

Miguel Enrico

Mar 28, 2023 11:41 am

kung magkakaruon lng ng magandang pagunlad kahit galing pa sa utang maari natin iyong mabalik sapagkat kung sa pagdedevelop nmn ng bansa ang patutunguan ng utang

Page 1 of 13.8


eboto.ph