Margaret Rogacion | eBoto.PH Comparison: War on drugs ni Duterte at Marcos
Ayon sa Amnesty International, sa ilalim ng administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte na mula 2016 hanggang 2022, ang ‘Oplan Tokhang’ ay naging marahas at puno ng pang-aabuso.
“The so-called ‘war on drugs’ has effectively been a war on poor Filipinos that has undermined the rights of millions. Within marginalized communities, police continue to kill with total impunity,” sabi ng Amnesty International noong 2019.
“The reliance on violent and repressive policies continues to perpetuate human rights violations and abuses in the country,” dagdag nito.
Tinataya ng iba’t ibang human rights organizations na maaaring umabot ng 8,000 hanggang mahigit 30,000 ang mga namatay sa war on drugs ni Duterte.
Bukod sa pagkundena ng mga local human rights advocates, binatikos rin ng mga international governments at organizations tulad ng United Nations ang marahas na kampanya ng war on drugs ni Duterte.
Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. noong siya ay maupo sa pwesto na magpapatuloy ang war on drugs.
Ngunit ayon kay Marcos, iba ang kanyang magiging pamamaraan pagdating sa laban kontra droga.
Imbes na karahasan, itinuon ni Marcos ang strategy sa “mas maingat” na pag-handle ng drug operations at rehabilitation ng mga drug suspect.
Ayon sa kasalukuyang administrasyon walang naitalang pagkamatay o marahas na engkwentro sa pinakamalaking pagkumpiska ng shabu sa kasaysayan ng Pilipinas na naganap sa ilalim ng kanyang administrasyon noong April 17.
Totoo nga ba ‘to?
Sa kabila ng pagbabago sa drug war campaign ni Marcos, patuloy pa rin daw ang mga kaso ng pagpatay na kinasasangkutan ng mga pulis noong 2023, ngunit mas mababa ang bilang kumpara sa nakaraang administrasyon ni Duterte.
Ayon sa data mula sa Dahas Project ng University of the Philippines, may naitalang 621 drug-related killings sa mga pinaghihinalaang sangkot sa droga mula nang maupo si Marcos hanggang April 15, 2024.
Sa isang drug operation sa Alitagtag, Batangas, ibinida ni Marcos na nakakumpiska ang pulisya ng aabot sa 1.6 tonelada o P9 bilyong halaga ng methamphetamine (shabu) nang walang naganap na karahasan.
“I would like to point out that this is the biggest shipment of shabu that we intercepted. But not one person died. Nobody died. No shots were fired. Nobody was hurt,” sabi ni Marcos.
Ayon kay Marcos, pinapatunayan ng ‘pinakamalaking drug bust’ ng kanyang administrasyon na “walang napatay” ang kanyang drug war.
“We operated silently. For me, this is the correct approach to the drug war,” sabi ng pangulo.
#Patama kay dating Pres. Du30
Binanggit ni Marcos na ganito dapat ang paraan ng paghawak sa war on drugs.
Bagamat hindi binanggit ni Marcos ang pangalan ni dating pangulong Duterte, tila pinapatamaan nito ang nakaraang administrasyon.
Kahit na may mga ulat pa rin ng pagpatay sa current administration ni Marcos, sinabi ng pulisya na mas kaunti na ang mga insidente ng pagpatay sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Ngunit ayon sa Human Rights Watch (HRW), nagpapatuloy pa rin ang mga pagpatay dahil nananatiling "state policy" ang drug war. Mula noong Hunyo 2022, higit sa 600 drug-related killings na ang naitala, ayon sa Dahas Project ng University of the Philippines.
Sinabi ng HRW na dapat magbago ang polisiya para matigil ang targeted killings at magkaroon ng buong paninindigan sa pagpapanagot sa mga responsable sa unlawful deaths.
"The Marcos administration needs to take stronger action to demonstrate that the ‘war on drugs’ is officially over," pahayag ni Bryony Lau, deputy Asia director ng HRW.
#Konklusyon: War on Drugs nina Duterte at Marcos
Sa paghahambing ng war on drugs nina Duterte at Marcos, malinaw ang mga pagkakaiba sa pamamaraan at epekto.
Habang si dating pangulong Rodrigo Duterte ay kilala sa marahas at agresibong pamamaraan na nagresulta sa libu-libong pagkamatay, si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ay nagtuon sa mas maingat na paghawak ng operasyon at rehabilitasyon.
Ang mga drug-related killings ay bumaba sa ilalim ng administrasyon ni Marcos, ngunit ayon sa Human Rights Watch (HRW), nananatiling may mga kaso ng targeted killings at walang sapat na aksyon upang tuluyang wakasan ang karahasan.
Kaya kahit na may mga palatandaan ng pagbabago sa diskarteng ito, tila may patuloy na hamon na gawing mas ligtas at mas makatao ang
war on drugs.
Maria
May 15, 2024 08:37 pm
control na dapat ang droga magtulungan magfocus nalang about healthy population para walang mahirap or addict
Edward
May 16, 2024 08:05 pm
Mas madugo tlga ung Kay Duterte kesa Kay Marcos , mas mainam tlga na ifucos nila ung pagbaba ng bilihin at pag taas ng sahod.
MILDRED
May 17, 2024 01:49 am
Wala akong masabi. Sadyang matitigas talaga ulo ng mga tao. Hindi tumitigil hangga't di napapahamak hays
Luisa Mae
May 17, 2024 02:41 pm
Mas madugo ang Kay Duterte pero para sakin parehong may mali sa ginagawa nila
John Russel
May 17, 2024 03:16 pm
Speaking of patayan, mas maraming namatay dahil sa war on drugs ni PD30 pero in terms of sino ang mas LIT, waley.
Page 1 of 8.2