![](https://api.eboto.ph/proxy/uploaded-files/leapyear_1709102650610.png)
Aaaah, February 29 na! Heto na naman tayo sa (arguably) pinaka-interesting day sa buong taon na lumilitaw lang sa kalendaryo every four years. Pero DIGI-Know na hindi lang random ang paglitaw ng leap day sa calendar at meron ‘tong scientific purpose?
Ang leap year ay isang taon na may extrang araw, ang leap day o February 29!
Ginagawa ‘to para ma-i-sync (o ka-vibes) pa rin ang kalendaryo ng mundo sa revolutions (o pag-ikot) nito sa araw at para in-sync pa rin tayo sa solar year.
Alam natin na ayon sa Gregorian Calendar, ang isang regular Earth year ay may 365 days. Pero alam mo bang ang Solar Year ay may 365 days, 5 hours, 48 minutes at 46 seconds?
Ibig sabihin, kung gagawin nating 365 days a year para sa lahat ng taon sa buong calendar ng history natin, halos anim na oras na extra time tayo!
Para maiayos ‘to, ipinatupad ni Julius Caesar ang leap year noong 46 B.C. sa pamamagitan ng pagdeklara ng isang 445-day-long “Year of Confusion.” Pagkatapos nito, inimbento ni Caesar ang Julian Calendar na mayroong 365.25 days per year.
So ano ang solusyon ni Caesar sa extrang 0.25 day per year? Of course, ito na ang kinikilala nating leap year ngayon, noong dineklara niya na bawat apat na taon, gagawing leap day ang February 29!
Akala mo, tapos na ‘no? Syempre, ‘di pa!
Hindi kasi perfect ang calculation ni Caesar na may 365.25 days per solar year. It’s actually 365 days, 5 hours, 48 minutes at 46 seconds.
So… ano’ng problema?
Kapag ginawa nating 365.25 days ang isang year at may leap year every four years, darating pa rin ang panahon na magkakagulo na naman ang schedules ng lahat kapag nag-add up ‘yung extra 11 minutes and 14 seconds!
Para ayusin ‘to, ipina-modify ni Pope Gregory XIII noong 1582 ang Julian calendar para gumawa ng sarili niyang calendar, ang Gregorian Calendar!
Ang genius solution ni Papi Greg ‘no? Ang leap year ay hindi lang dapat every four years, pero dapat sinusunod nito ang following criteria:
The year must be divisible by 4. Halimbawa, years 2012, 2016, 2020, 2024
End-of-century years must be divisible by 100 and 400. Halimbawa, years 1200, 1600, 2000, 2400
That’s why may leap year noong February 2000, pero kung titignan mo ang calendar ng February 1900, kahit na divisible ito by 100, nawawala ang February 29 dahil ‘di siya divisible by 400!
Pero ‘di pa rin super accurate ang Gregorian Calendar. Medj off ito by about one day kada 3,030 years.
Buti na lang, ‘di na ‘to problema ng generation natin, no?
Maria
Feb 28, 2024 07:05 pm
Mas maraming trabaho dapat gawin
Cecilia
Mar 01, 2024 10:21 am
kahit di na. makakatulong nga to para mas maging productive tayo e
Maribel
Mar 01, 2024 12:22 pm
That's an extra exhausting day pero if want nila then let them be
Venice
Mar 01, 2024 02:00 pm
Wala namang sobrang espesyal na okasyon para maging holiday.
Dave Nataniel
Mar 01, 2024 05:57 pm
Mas okay na hindi na at bigyang halaga na lamang ang mga araw na dapat gawing holiday tulad ng EDSA Anniversary
Page 1 of 7.4