
Walang patunay ang sinabi ng isang fan na ikinasal na raw sina Maine Mendoza at Alden Richards at may anak na sila.
Itinanggi rin ni Mendoza sa isang interview ang mga haka-haka at tinawag na ‘delusion’ lamang ito ng ilang fans.
Ayon kay Mendoza, magkaibigan lamang sila ni Richards. Nitong 2022, engaged na si Mendoza sa kanyang boyfriend na si Arjo Atayde.
(2-min. read) - Walang batayan ang kumalat na video ng isang fan ng mga aktor at on-screen love team na sina Maine Mendoza at Alden Richards na nagsasabing kasal na raw ang dalawa at itinatago nila ang kanilang anak mula sa publiko.
Ang tsismis: Alden at Maine, kasal at may anak?
Lumitaw at nag-viral sa social media ang video statement ng isang fan ng ‘AlDub’, o ang on-screen couple na sina Alden Richards at Maine Mendoza na nagsasabing ikinasal daw ang dalawa, at mayroon na raw silang anak na kinilang itinatago. “Dahil lang ‘yan sa mga proyekto [bilang artista] kaya tinatago nila ‘yan,” sabi ng fan.
Sa isang interview ni talent manager and host Ogie Diaz, tinanggi ni Mendoza ang mga haka-haka. Ayon kay Mendoza, ilang beses na niyang na-call out ang fans na napaniwala ng naturang tsismis. “May mga taong gano'n na gusto nila nafi-feed 'yung imagination nila, and for lack of a better term, delusion nila,” sabi ng ‘Eat Bulaga!’ host.
Dagdag ni Mendoza, personal niyang minemessage ang kanyang die-hard fans na hindi totoo ang kuwento tungkol sa kanila ni Richards, ngunit hindi pa rin naniniwala ang mga ito. “As in ako na po personally nagre-reach out sa kanila, not through other people, ako na ‘yung nagme-message pero… ang reply pa rin nila sakin, ‘Hindi si Maine ‘yan. Admin ‘yan ng account ni Maine,’” ani Mendoza.
Bukod sa pagtanggi ni Maine, wala ring ebidensya o anumang documented proof na kasal siya kay Richards at mayroon silang anak.
Ang AlDub phenomenon
Sina Mendoza at Richards ay nagsimulang maging isang on-screen couple nang i-air sa noontime TV show ‘Eat Bulaga!’ ang slice-of-life romantic-comedy ‘Kalyeserye’ series noong 2015. Dito nagsimula ang “AlDub”, o ang pairing ng mga pangalan nina Richards at Mendoza. Unang nakilala si Mendoza bilang “Dubsmash queen” dahil sa pag-post nito ng parody videos sa Dubsmash app.
Naging kilala at tanyag ang series dahil sa pamamaraan nito ng representasyon ng romance sa pagitan ng characters na sina ‘Alden’ at ‘Yaya Dub’. Ang shooting ng Kalyeserye ay isinasagawa sa dalawang setting, una ay sa set ng TV show kung nasaan si Richards, at pangalawa ay sa iba’t ibang barangay kung nasaan ang character ni Mendoza. ‘Nag-uusap’ ang dalawa live sa isang split-screen habang nagli-lip synch si Mendoza.
Naging tanyag ang fictional couple para magkaroon ng isang fan club na pinangalanan ng fans bilang ‘AlDub Nation’. Kahit ilang taon na matapos lumipas ang show, patuloy pa ring nag-ho-host ng events ang fan club.
Bagamat on-screen couple ito, magkaibigan lamang sina Mendoza at Richards sa totoong buhay. Nang hiningan ng reporters ng pahayag si Mendoza hinggil sa relasyon nila ni Richards, sinabi ni Mendoza na magkaibigan pa rin ang dalawa. “It was tough back then because people were expecting something more, something else from us. As a result, we didn’t know how to act in front of the camera,” ani Mendoza.
Nitong Hulyo 2022, engaged na si Mendoza sa kanyang boyfriend na si Arjo Atayde, isang aktor at kasalukuyang Quezon City 1st District representative.
SOURCES:
[1] https://youtu.be/MymicwFdPeU?t=712
[2] https://www.facebook.com/philstarnews/posts/10167714721995713
[5] https://www.pep.ph/peptionary/142726/aldub-phenomenon-a1294-20190430-lfrm4
[7] https://www.plarideljournal.org/wp-content/uploads/2017/03/2016-02-Aldub-RTD_intro.pdf
[8] https://www.bbc.com/news/world-asia-34645078
[9] https://www.pep.ph/news/141395/the-breakup-of-aldub-a-timeline-a716-20190313-lfrm5
[11] https://entertainment.inquirer.net/355447/maine-still-hoping-for-tamang-panahon-with-alden
[12] https://www.rappler.com/entertainment/arjo-atayde-maine-mendoza-engaged/
Anne
Mar 24, 2023 09:52 pm
jusko mga marites talaga, wag kayong nagpapaniwala sa mga ganyan😭
Patrick
Mar 24, 2023 10:20 pm
hindi totoo yan
Aaron
Mar 25, 2023 02:50 am
HAHAHAHAHAHAHA wag mag paniwala sa mga ganyang issue lalo na kung walang ibidensya alam naman ng lahat na may nobyo na si Maine Mendoza
Anna Patricia
Mar 25, 2023 07:32 pm
Grabe na ang mga marites ngayon "marites alert"
KRISTA MAE
Mar 26, 2023 02:08 pm
IBA ANG KAPANGYARIHAN NG MGA MARITES HAHAHAA
Page 1 of 12