KWENTONG MARITES: Chao Fan ng Chowking, gawa raw sa tira-tirang kanin?

January 26, 2023



  • Walang ebidensya na tira-tirang kanin mula sa mga pinggan ng customers ang ginagamit ng Chowking sa pagluluto ng Chao Fan nito.

  • Dinepensahan ng ilang netizens na nagpakilalang dating empleyado ng Chowking na hindi totoo ang sinasabi ng post.

  • Wala pang opisyal na pahayag ang fast food chain hinggil sa issue.


(2-min. read) - Walang anumang ebidensya na makakapag-confirm sa isang viral post na nagsasabing ang Chao Fan raw mula sa fast food chain na Chowking ay gawa mula sa mga inipong tira-tirang kanin sa mga pinagkainan ng customers nito. Ito ay matapos magsilbing katuwaan kamakailan para sa netizens ang nag-viral na “Chao Fan Theory” sa social media.


Chao Fan Theory

Nag-viral ang isang meme na inupload sa social media noong January 31 kung saan mababasang mayroong dialogue na pinaguusapan ang binansagan nitong “Chao Fan Theory.” Agad naman itong pumatok sa netizens, at patuloy na nai-share hanggang sa umabot ito ng ilang libong reactions, comments, at shares.


Ano yung chao fan theory,” tanong ng isa, na sinagot naman ng kausap nito. “Yung tira-tirang pagkain sa plato sa Chowking, iniipon, ginagawang chow fan.”


Reaksyon ng netizens

Bagamat walang opisyal na pahayag ang Chowking sa kanilang social media pages, mayroong ilang netizens na nagpakilalang dating empleyado ng fast food chain ang nagbigay ng paglilinaw at pinasinungalingan ang biro. “False. Nag-work ako nung 2019 sa Chowking. Maramihan kami magsaing kase nga mabenta ang chowfan. Hehe 🙂,” ayon sa isa. “Debunk ko lang ha, long grain rice gamit diyan and profile niya si buhaghag. Kaya gano’n texture niya. Welcome hahahaha,” dagdag ng isang netizen.


May ilang netizens rin na tila ay sumang-ayon sa post. “Kaya pala ansarap,” komento ng isa. “WATDAFAWK FAV KOPA NAMAN HUHUHU DIKO NA MAKAKALIMUTAN 😭😭😭,” dagdag ng isang netizen.


Ano ang Chao Fan?

Ang Chao Fan o Chǎofàn, na nangangahulugang “fried rice” sa Chinese, ay isang rice dish na hinahaluan ng mga kapirasong gulay, itlog, at minsa’y karne. Ang kasaysayan ng Chao Fan ay maaaring nagsimula sa panahon ng Sui dynasty mahigit 1,400 taon na ang nakalipas. Sa panahong iyon, ang technique ng pagprito sa kanin ay kadalasang ginagawa para maisalba ang tira-tirang kanin.



SOURCES:

[1] https://www.foxyfolksy.com/chao-fan/ 

[2] https://ifood.tv/chinese/chinese-fried-rice/about

Rose Joy

Mar 20, 2024 03:21 pm

walang katotohanan na sa tira-tirang kanin mula sa pinagkainan ng customer ang chao fan

Ariel

Sep 06, 2024 09:50 am

Mag #PakCheck muna tayo! Huwag basta maniwala sa mga ganitong uri ng balita.

Mary Ann

Mar 22, 2023 03:44 pm

HALA ANG SARAP NON, GRABE NAMAN YON HAHAHAHAHAHH

Jerwin

Mar 23, 2023 12:16 pm

LT sa chao fan theory! Haha pero napapaisip ang mga tao kung totoo ba yon o hindi, pero siyempre hindi yon totoo kasi wala namang business establishment na gustong sirain ang image nila in market world

Presley Joy

Mar 24, 2023 01:12 pm

Bakit naman gagawin ng Chowking yon diba? HAHAHA

Page 1 of 13.6


eboto.ph