Kasabay ng Inflation ang Pagiging 'Jobless' ng Ilang Pilipino

September 16, 2022



Bumaba man ang unemployment rate sa bansa, maraming Pilipino naman ang natanggal sa trabaho nang dahil sa inflation. Ano’ng masasabi mo, ka-eBoto? 

Inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang isa sa mga sinasabing dahilan sa pagbabawas ng empleyado ng ilang industriya.

Base sa July 2022 Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang top 5 industries na may pinakamaraming nabawas na empleyado ay ang mga sumusunod:

⬇️ manufacturing (-163K)
⬇️ education (-62K)
⬇️ human health & social work activities (-24K)
⬇️ mining & quarrying (-9.7K)
⬇️ information & communication (-7.9K)

Gayunpaman, nakamit ng Pilipinas ang pinakamababang antas ng unemployment rate (o bilang ng mga walang trabaho) sa panahon ng pandemya na 5.2% o 2.6 million Filipinos noong July 2022. Bagama’t pababa man ang bilang na ito, mas tumaas naman ang underemployment rate. Mula sa 6.4 million Filipinos noong April, lumobo ang bilang sa 6.54 million nitong July 2022.

Maituturing na underemployed ang isang tao kung siya ay may isang part-time job sa halip na full-time job o kung siya ay may labis na qualifications na lagpas sa kinakailangan ng trabaho.

Sa kabilang dako, ang mga industriya naman na may mataas na pagdami ng employment ay ang mga sumusunod:

⬆️ Wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles (+840K)
⬆️ Agriculture and forestry (+286K)
⬆️ Administrative and support service activities (+137K)
⬆️Administrative and support service activities (+137K)
⬆️ Construction (+137K)

Inaasahan na mas tataas ang employment rate sa bansa kasabay ng pagdating ng holiday season. Gayunpaman, malaking tanong pa rin sa marami kung paano masosolusyonan ang patuloy na pagtaas ng bilihin sa kabila ng mababang sweldo ng maraming Pilipino sa bansa.

💬 Ano’ng masasabi mo, ka-eBoto? Share mo na ‘yan sa comment section!

Reference/s:

Anne

Mar 24, 2023 06:50 pm

kawawa po ang nga nawalan ng trabaho kailangan tugunan ito agad

Patrick

Mar 24, 2023 07:13 pm

mahihirapan makahanap agad ng trabaho ang mga nawalan ng trabaho dahil may pamilyang umaasa sakanila

Jerwin

Mar 25, 2023 02:19 am

Kailangan mas paigtingin ang pagbibigay ng scholarships sa mga taong nais magaral upang makapaghanap ng disenteng trabaho, kasi sa panahon ngayon hindi ka makakahanao ng trabaho kung wala kang educational attainment.

Miguel Enrico

Mar 28, 2023 02:09 pm

mabigyan ang mga studyante na makapag aral para sa mga karatdapat na makapagaral at duon sa nawalan ng trabaho i recommend na mag undergo sila sa tesda which is maaring maka tulong sa kanila na kung wala man makuhang trabaho sa pinas makapag abroad

KRISTA MAE

Apr 01, 2023 04:33 pm

madami ang mahihirapan ngayon na maghanap ng trabaho.

Page 1 of 13


eboto.ph