Kahapon lang ay inaresto si ex-vice presidential candidate Walden Bello

August 09, 2022



HINDI NA BA DAPAT GAWING KRIMEN ANG LIBEL? 🤔  


Kahapon lang ay inaresto si ex-vice presidential candidate Walden Bello kaugnay ng cyber libel charges na isinampa laban sa kanya ng former Davao City officer na si Jefry Tupas. 


Sa isang statement, nanawagan sa mga mambabatas ang kanyang former running mate na si Leody de Guzman na isabatas na ang pagdedekriminalisa sa libel.  


Matatandaang naghain noong Hulyo si ACT-Teachers Rep. France Castro ng bill ukol dito, kung saan binanggit ang kaso ni Rappler CEO Maria Ressa at ang “chilling effect” na dulot nito sa freedom of expression online.   


Samantala, inihayag ng NTF-ELCAC ang kanilang pagtutol sa nasabing proposal dahil maaari umanong magresulta sa “chaos” ang pag-alis ng parusa sa libel.   


Ka-eBoto, ikaw, ano’ng say mo? React 👍🏻 kung ikaw ay sang-ayon at 😡 naman kung hindi! 


Mary Ann

Mar 28, 2023 04:47 am

😡

Aaron

Mar 30, 2023 07:12 am

dapat gawin na krimen yan kasi madami mga taong abusado kaya “😡”

Jade

May 28, 2023 06:34 pm

Paninirang puri kaya dapat talaga na Kasuhan ang Libel dahil nag akusa ng walang basehan dapat lang na parusahan ang mga taong naninira ng iba para madala

Shejane

Jun 02, 2023 07:22 pm

dapat kasuhan ang LIBEL, dahil maraming tao ang inaabuso kaya nararapat na parusahan yan

Rhea ann

Jun 03, 2023 03:53 pm

dapat natin kasuhan ang LIBEL, hindi na sila nadadala andami na gumagawa ng krimen

Page 1 of 9.2


eboto.ph