Investments mula sa state visits ni PBBM, makakapag-generate ng 22,000 na trabaho

September 16, 2022



Magkano ang natanggap ni PBBM mula sa kanyang state visits sa Indonesia at Singapore at saan gagamitin ang mga ito? Alamin sa post na ito. 

Nasa mahigit P800 bilyong pisong investments ang natanggap na pangako ni Pres. Bongbong Marcos Jr. mula sa kanyang state visits sa Indonesia at Singapore noong nakaraang linggo. 

Hinikayat ni PBBM at ng kanyang economic team ang investors mula sa Indonesia at Singapore na mamuhunan sa Pilipinas. Ito ay kabilang sa economic recovery at job generation initiatives ng gobyerno.

Kasama sa mga pangakong investments ang mga sumusunod na sektor: renewable energy, data centers, e-commerce, broadband technology, startups, government housing, at agriculture.

“Ito po ang isa sa mga ipinangako ko noong nakaraang SONA — na isusulong natin ang foreign investments upang lumakas ang ating ekonomiya,” ani Marcos sa kanyang arrival message.

Inaasahan ding makakapag-generate ng mahigit 22,000 na trabaho sa Pilipinas ang nasabing investments, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Sa latest survey ng  Philippine Statistics Authority (PSA), 2.6 milyong Pinoy ang walang trabaho noong July 2022. Bagaman mas mababa ang bilang na ito kumpara noong nakaraang buwan, dahil sa inflation, may ilang industriya ang nagbabawas ng empleyado. 

Pero ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan, inaasahang mas dadami pa ang oportunidad para sa mga Pilipino na kumita at makapagtrabaho sa mga susunod na buwan dahil sa pagreopen ng ekonomiya. Makakatulong umano ang mga oportunidad na ito upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng mga bilihin at inflation sa mga ordinaryong mamamayan.

💬 Ano ang masasabi mo rito, ka-eBoto? Share mo na ‘yan sa comment section! ⬇️

References:

Patrick

Mar 24, 2023 07:14 pm

maganda ang ginawa ng pangulo para sa mga nangangailangan ng trabaho na nahihirpan na maghanap

Jerwin

Mar 25, 2023 02:17 am

Okay naman ang foreign investments basta sisiguraduhin na walang mangyayaring hindi maganda para sa ekonomiya ng bansa

Miguel Enrico

Mar 25, 2023 08:55 am

makakatulong yun sa pagpapalago ng ating bansa at sama magawa na nila lahat ng plano hanggat maaga para maranasan na nating ang pangako ng ating pangulo

KRISTA MAE

Apr 01, 2023 04:34 pm

Malaking tulong ito para mga kababayan nating walang trabaho, subalit kailangan na ito ay hindi makakaepekto sa ating ekonomiya

Aaron

Apr 01, 2023 09:23 pm

Maganda naman ang Foreign Investments para sa pag asenso ng ating bansa lalo na sa kababayan nating mga walang trabaho para mabawasan ang Unemployment Rate sating Bansa.basta sana ito ay wag malugi para di mapunta sa wala ang pinag hirapan ng taong bayan

Page 1 of 12.4


eboto.ph