Let’s save the world, mga ka-eBoto!
Ginugunita kada April 22 ang International Mother Earth Day para ipaalala sa ‘tin ang responsibilidad na alagaan ang ating planeta!
Sabi ng United Nations, ‘collective effort’ o sama-samang pagkilos daw ang kailangan para kay Mother Earth.
Sa kabila ng tensyon sa West Philippine Sea, isang area na mayaman sa biodiversity at likas na yaman, ano ang masasabi ng China dito?
Ngayong 2024, pag-aalaga sa mga ecosystem ang naging focus ng UN Decade on Ecosystem Restoration.
“Ecosystems support all life on Earth. The healthier our ecosystems are, the healthier the planet and its people,” sabi ng UN.
Para sa UN, makakatulong ang pag-restore sa mga nasirang ecosystem para lutasin ang kahirapan, pagbabago ng klima at mass extinction.
“For this International Mother Earth Day, let's remind ourselves, more than ever, that we need a shift to a more sustainable economy that works for both people and the planet,” saad ng UN.
Damage sa West Philippine Sea biodiversity
Para sa UN, pwedeng masira nang mas mabilis ang natural resources ng mundo dahil sa “man-made changes” sa kalikasan at mga “crimes that disrupt biodiversity.”
Isa sa mga nanganganib na ecosystems sa Pilipinas ay ang biodiversity-rich na rehiyon ng West Philippine Sea, partikular ang mga coral reefs nito at mga isda at iba pang organisms na naninirahan sa mga ito.
Ayon sa isang report ng University of the Philippines Marine Science Institute (UP MSI), kilala ang West Philippine Sea bilang “biodiversity hotspot” at source ng isda at corals ng mga reefs sa ibang bansa.
“Coral reefs in the West Philippine Sea (WPS) have low abundance and diversity of corals and fish,” ulat ng UP MSI.
Pinapakita ng isang pag-aaral sa coral reefs ng West Philippine Sea noong 2019 na may malaking epekto ang human activities sa biodiversity sa rehiyon.
Sa isang pag-aaral na isinapubliko noong February 22, sinabi ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) na 6,200 acres ng coral reef ang nasira sa pagpapatayo ng mga artificial islands sa West Philippine Sea at China daw ang may kagagawan sa 75% sa damage na ito.
Dagdag pa rito, iniulat din sa report na higit 16,353 acres ng coral reefs ang nasira ng Chinese giant clam-harvesting operations sa WPS.
Sabi ni Greg Poling, isang senior fellow sa Center for Strategic and International Studies (CSIS) at director ng AMTI, kailangang makumbinsi ang China na itigil ang kanilang operations na nakakasira sa coral reefs.
“The only way to stop this is to convince Beijing to stop this. Any effort to physically prevent this is going to be hopeless,” ani Poling.
Ariel
Sep 04, 2024 10:33 am
Yes. We are all accountable sa ating kapaligiran.
Edward
Apr 23, 2024 11:00 am
Yes dapat lang , dahil nakakasira ng mga coral reefs ang ginagawa nila
Maria
Apr 23, 2024 11:01 am
Sana maprotektahan natin ang mother earth at maconvince ang Beijing to stop war against WPS
Luisa Mae
Apr 24, 2024 12:44 am
Oo, kinakailangan nilang managot upang maiwasan ang mas malawakang paglabag sa mga batas na nagpo-protekta sa kalikasan.
Mary Caroline
Apr 25, 2024 01:01 am
Dapat mahalin si mother earth dahil dito tayo nakatira linisin at protektaham katulad ng paglilinis at pagprotekto ng ating mga bahay
Page 1 of 7