Naki-marites ka na ba? Usap-usapan ngayon ang confidential funds na hinihingi ni VP at DepEd Secretary Sara Duterte!
Sa budget proposal ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) para sa 2024, tinatayang humihingi ng ₱650 milyon na confidential funds si Duterte: ₱500-milyon para sa OVP at ₱150-milyon para sa DepEd.
Ang laki, noh? Kaya kailangan nating i-compare para magkaroon tayo ng sense kung gaano nga ba ka-big deal ang secret funds ng VP. At saan pa ba natin icocompare kundi sa tumaginting at bagong release na iPhone 15, ang pinakabagong flagship product ng Apple!
So, ilang iPhone 15 nga ba ang mabibili ng total na ni ₱650-milyong confidential funds ni Sara Duterte?
Ang sagot: 11,405 na iPhone 15 (128 GB) ang mabibili gamit ang confidential funds ng OVP at DepEd.
Ibig sabihin, kung ikaw ay kumikita ng ₱500 sa isang araw, pag-iipunan mo ang confidential funds ni Duterte sa loob ng 3,561 years, 3 months, at 5 days.
Riza
Oct 09, 2023 04:07 pm
Sana ilaan na lang sa tama ang mga milyong milyong pera na yan tulad ng mga paaralan, libro, upuan, at iba pang mga pang edukasyon dahil siya naman din ang naghahawak ng DepEd.
Rpie
Oct 13, 2023 11:01 am
Tama ganyang kalaking halaga ang 650M na Confidential Funds ni Vice President Sara Duterta at pagkatapos sa mga Proyektong pang History ng ating Bansa at Edukasyon ay walang pondo ang ating Gobyerno
Shejane
Oct 17, 2023 08:27 pm
grabe ang laking halaga na ito, magagamit natin ito sa pangangalaingan ng mga nangangailangan lalo na maraming nag hihirap sa panahon ngayon
Shenalyn
Oct 18, 2023 08:26 am
sana ginagamit ng maayos ang confidential funds, para sa ikabubuti nating mga pilipino
Sherilyn
Oct 18, 2023 08:46 am
sana igamit muna ang confidential funds sa mga taong nangangailangan at mahihirap.
Page 1 of 14.2