Bryan James Uy | eBoto.PH volunteer, UP Diliman
DIGI-know na espesyal ang araw na May 17?
Sa araw na ‘to ginugunita International Day Against Homophobia, Biphobia and Transphobia (IDAHOBIT) o ang araw ng pandaigdigang laban sa iba’t ibang porma ng diskriminasyon sa mga taong ‘di kabilang sa tradisyunal na mga konsepto ng kasarian at pagkakakilanlan.
Simula noong 2004, ang araw na ito ay nakalaan para mapataas ang kaalaman ng publiko tungkol sa karahasan at diskriminasyon na nararanasan ng LGBTQIA+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, questioning, intersex, asexual) community.
Ang tema ng International Day Against Homophobia, Biphobia and Transphobia ngayong 2024 ay “No one left behind: equality, freedom and justice for all,” ayon sa May17.org, isang website na dedicated sa pag-celebrate ng araw na ito.
Mga hamong kinakaharap ng LGBTQIA+ community sa buong mundo
Hindi maikakaila na sa maraming bansa, ‘di lang mahirap maging miyembro ng LGBTQIA+ community. Minsan, delikado pa ‘to.
Sa Saudi Arabia, Malaysia at Iran, bawal pa rin ang same-sex relationships. May mga bansa ring ipinagbabawal ang “gender non-conforming expression” o ang ‘di tradisyunal na pagpapahayag ng kasarian. Isang halimbawa nito ang “cross-dressing,” na ang ibig sabihin ay pagsusuot ng damit ng kabilang kasarian.
Ayon sa isang 2023 BBC news report, bawal ang homosexuality sa 64 na bansa sa mundo.
Imagine, isang simpleng pag-e-express ng sarili mo, pwedeng kang pag-initan o ‘di kaya naman ay arestuhin ng mga alagad ng batas.
Sa interactive website ng Humanity Dignity Trust, makikita ang iba’t ibang klase ng batas na nagpapakita ng ‘di pagkilala sa LGBTQIA+ community sa iba’t ibang sulok ng mundo.
Hindi ibig sabihin na kapag nasa mas progresibong bansa ka, wala ka nang problema.
Sa United States, ayon sa research ng UCLA Williams Institute, halos kalahati ng LGBTQIA+ workers ang nakakaranas pa rin ng harassment at diskriminasyon sa kanilang mga trabaho. Can you believe it?
Dahil dito, maraming LGBTQIA+ individuals ang napipilitang itago ang kanilang sekswalidad para lang mapanatili ang magandang relasyon sa kanilang pamilya at mga katrabaho.
Sobrang unfair, pero ito ang realidad na kinakaharap nila araw-araw.
Marriage equality
Pero hindi lahat ng balita ay nakakalungkot! May magandang balita rin tayong dala: 36 na bansa na ang itinuturing na may marriage equality sa buong mundo at nadagdag dito ngayong 2024 ang Greece at Estonia.
Ang saya, ‘di ba? Progress talaga sa love and acceptance!
Hindi rin random ang petsa ng May 17 bilang araw ng IDAHOBIT. Noong May 17, 1990, idineklara ng World Health Organization (WHO) na hindi mental health disorder ang homosexuality.
Isang malaking milestone ito para sa LGBTQIA+ rights movement at naging pundasyon sa pag-angat ng equal rights sa buong mundo.
Kaya naman napakaimportante ng petsang ito—isang paalala na ang love ay love, at hindi dapat ituring na sakit.
Gender equality sa Pilipinas
Sa Pilipinas naman, may promising development: Nakabinbin sa 19th Congress ang SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity and Expression) Equality Bill.
Layunin ng panukalang batas na ito na protektahan ang LGBTQIA+ community laban sa diskriminasyon at profiling sa iba’t ibang sektor tulad ng social and health services, edukasyon, public service at employment.
Kapag naisabatas, malaking hakbang ang SOGIE Bill tungo sa isang mas makatarungan at pantay na lipunan para sa lahat. Go, Philippines!
Bakit mahalaga ang IDAHOBIT?
Ang IDAHOBIT ay ‘di lang isang araw ng pag-alaala. Isa itong pagkakataon para ipakita ang suporta sa LGBTQIA+ community at ipaglaban ang kanilang karapatan.
Sa pamamagitan ng pag-raise ng awareness at pakikiisa sa mga event, makakatulong tayo sa pag-create ng isang mundo na walang lugar ang diskriminasyon at lahat ay may kalayaang maging totoo sa kanilang sarili.
Kaya ngayong buwan ng Mayo o kahit anong buwan pa man ng taon, sama-sama tayong magdiwang at magpakita ng pagmamahal, pag-unawa at pangako na gawing mas makatarungan ang mundo para sa lahat, anuman ang kanilang sexual orientation o gender identity.
Fer John Cleries
Jun 27, 2024 07:26 am
Panahon na upang kilalanin ng lahat ang karapatan ng sinuman, ano man ang kasarian.
Dianne Chelsie
Jun 01, 2024 07:32 pm
Pabor ako na gawing priority measure ng gobyerno ang SOGIE Bill dahil mas mapoprotektahan nito at mabibigyan ng karapatan ang lahat ng tao, anuman ang kasarian, orientation at sexuality nito. Nagpapakota rin ito ng pagsuporta , dedikasyon at paggalang sa karapatan ng lahat, especially LGBTQ+ Community na madalas biktima ng bullying. Sa tulong ng mas pinalawak na SOGIE BILL, mabibigyan sila ng proteksyon laban sa diskrimanasyon at pang-aabuso. Kung ipaprioritize ito ng gobyerno ay magiging daan ito sa maayos at pantay na tratong legal para sa lahat.
Maria
Jun 01, 2024 08:19 pm
Rights ng lgbtq against discrimination upang ipaglaban ng SOGIE
Maricel
Jun 02, 2024 04:15 am
pabor rin ako rito para ma protektahan ang kanilang karapatan at matigil na ang diskriminasyon sa mga lgbtq
Rajah Janica
Jun 02, 2024 04:10 pm
Sa isang lipunan na naglalayong maging makatarungan at inklusibo, ang SOGIE Bill ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagtanggap at pagkakapantay-pantay. Hindi dapat kinukunsinti ang diskriminasyon at pang-aabuso, at ang batas na ito ay magbibigay ng legal na proteksyon sa mga nasa LGBTQIA+ community. Ang pagpasa ng SOGIE Bill ay pagpapakita ng suporta at respeto sa dignidad ng bawat tao, at pagtitiyak na lahat ay may pantay na oportunidad at karapatan!
Page 1 of 7.8