ICYMI: Tuloy ang imbestigasyon ng ICC sa drug war ni dating pangulong Duterte

February 08, 2023



Kamakailan lang ay inanunsyo ng International Criminal Court (ICC) na muli nitong bubuksan ang imbestigasyon sa anti-drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.  



💬 Tungkol saan ang nasabing imbestigasyon?


Ang gagawing imbestigasyon ay tungkol sa drug war killings at iba pang suspected na pang-aabuso sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sakop din ng nasabing imbestigasyon ang mga nangyaring pagpatay sa Davao City sa panahon ng panunungkulan ni Duterte bilang alkalde at bise alkalde doon.


Noong 2021, sinuspinde ng ICC ang kanilang imbestigasyon alinsunod sa request ng Philippine government at matapos itong mangako na magpapatupad ang bansa ng sariling imbestigasyon para sa nasabing kaso. 


Nagsumite ng karagdagang patunay ang gobyerno ng Pilipinas na ito ay handa at may kakayahang mag-isang mag-imbestiga sa nasabing kaso. Sa kabila nito, dalawang beses nagrequest si ICC Prosecutor Karim Khan sa pre-trial chamber ng ICC na buksan muli ang imbestigasyon. 



💬 “Bakit nangingialam ang ICC, eh gumagana naman ang hudikatura sa bansa?”


Bagaman ang bawat bansa ay may hurisdiksyon sa mga taong responsable para sa international crimes, kapag hindi kaya o ayaw imbestigahan ng bansa at ng kanilang mga korte ang mga ito, maaaring makialam ang ICC. Ang ICC ay isang international organization at husgado na nag-iimbestiga at umuusig sa mga indibidwal para sa genocide, crimes against humanity, at war crimes.


💬 Bakit naisipang buksan muli ng ICC ang kanilang imbestigasyon?


Matapos ang pagsusuri sa mga materyales na ipinasa ng Philippine government, ICC Prosecutor, at mga obserbasyon ng mga biktima, ang ICC ay hindi umano “satisfied” at hindi naniniwalang sapat ang pagsisiyasat na ginagawa ng Pilipinas. 


Ayon pa sa ICC, hindi maituturing na relevant sa imbestigasyon ang pagsusuri ng Department of Justice (DOJ) Panel dahil ang bilang ng mga kaso na sinuri ng DOJ (302) ay napakababa kung ikukumpara sa tinatayang bilang ng mga pagpatay na diumano ay nangyari sa ilalim ng ‘war on drugs’ ni Duterte.


💬 Sino ang maaaring panagutin ng ICC?


Sa puntong ito, inaasahang maghahanap ng karagdagang ebidensya ang ICC  prosecutor’s office upang makapag-request ng pag-isyu ng warrants o summons. Gayunpaman, hindi pa malinaw kung para kanino ang mga ito.


Wala pang partikular na subject ang imbestigasyon ngunit ang ICC ay karaniwang interesado sa pinuno ng estado o sa iba pang matataas na opisyal na kaugnay sa kaso.





REFERENCES:

https://globalnation.inquirer.net/210094/fwd-icc-resumes-probe-on-phs-drugs-war 

https://www.icc-cpi.int/news/icc-pre-trial-chamber-i-authorises-prosecutor-resume-investigation-philippines 

https://www.rappler.com/newsbreak/iq/timeline-international-criminal-court-philippines-rodrigo-duterte-drug-war/

https://www.dw.com/en/philippines-icc-reopens-probe-into-manilas-war-on-drugs/a-64529973

https://www.rappler.com/nation/icc-warrants-stage-duterte-government-drug-war-killings/ 


Anne

Mar 24, 2023 06:03 pm

tama lang po na ituloy nila ang imbestigasyon ukol sa drug war

Patrick

Mar 25, 2023 07:02 am

dapat lang na ituloy nila ang pay iimbestiga

Mary Ann

Mar 27, 2023 11:19 pm

Talaga namang dapat pagigihan at bigyan ng pansin ang ganitong bagay sapagkat napakalaking epekto nito sa Pilipinas at sa mga tao.

Miguel Enrico

Mar 28, 2023 11:09 am

mas nakaka buting ipagpatuloy ang war on drug para hindi dumami ng dumami bilang ng mga gunagamit ng masamang bisyo

Aaron

Mar 28, 2023 05:17 pm

dapat lang na ituloy ang pag iimbestiga dahil maraming mga napatunayan na napatay kahit wala namang kasalanan para mabigyan sila ng hustisya

Page 1 of 14


eboto.ph