Hello, ka-eBoto!
Kamakailan, sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na hindi raw makatotohanan at imposible ang pag-hire ng 30,000 public school teachers at pag-request ng P100 billion na budget kada taon.
Ito ay kasunod ng panawagan ng Alliance of Concerned Teachers’ (ACT) sa Department of Education (DepEd) na mag-hire ng 30,000 teachers taon-taon hanggang 2028 para sa “ideal” class size na 35 students at tugunan ang classroom backlog sa bansa.
Bakit isinusulong ito ng ACT?
Ayon sa ACT, lohikal at posible ang panawagang ito dahil halos naabot ng nakaraang dalawang administrasyon ang nasabing target. Anila, ang administrasyon ni Aquino ay nakapag-hire ng 29,166 na guro kada taon, habang 25,000 na guro bawat taon ang na-hire sa ilalim ng Duterte administration.
Bakit umano imposible ito, ayon sa DepEd?
- Isa sa mga hamon sa proposal nito ay ang pagkukunan ng pondo. Hindi praktikal ang paglalaan ng 6% ng gross domestic product ng bansa sa the education budget para tugunan ang mga problema sa education sektor.
- Posible ring maging problema ang hindi pagkakaroon ng qualified candidates. Bagamat may malaking bilang ng mga indibidwal na interesadong magturo, hindi lahat ay may kwalipikasyon na kinakailangan sa trabaho.
Sinabi naman ni DepEd spokesperson Michael Tan Poa na 9,650 ang iha-hira na mga bagong guro ngayong taon.
💬 Ka-eBoto, sa tingin mo, imposible at unrealistic nga ba ito? Bakit, o bakit hindi? Pag-usapan natin ‘yan! Let us know your thoughts in the comment section!
Ariel
Sep 04, 2024 09:12 pm
Walang budget pero DepEd ang may pinakamalakinga budget allocation sa mga nkakalipas na taon. Anung nangyari? Nasaan ang budget, saan napunta?
Miguel Enrico
Apr 05, 2023 03:38 pm
maari namn makapag hire ng ganun karaming guro pero tulad nga din ng nabanggit na maaring maraming ma hire na hindi nmn qualified para maituro yung mga dapat matutunan ng mga studyante kayat mas mabuti na hindi nila kailangan ma meet yung dami na 30k sa pag ha hire at nagdedepende parin yun kung kaya ba talaga ng isang teacher na maganpanan yung kaniyang tungkulin kung sakaling ma ha hired sya kaya para sakin masmabuting hindi maghire ng kung sino sino nalang para ma meet yung 30k per year na pagha hired ng guro
Anna Patricia
Apr 05, 2023 06:44 pm
Imposible naman na makapag hire ng 30k na guro taon taon. Dahil maaring karamihan sa mga nag a apply ay hindi pa qualified maging guro. Mas maging practikal sana sila at wag basta basta nag hihire bilang studyante mas maganda parin kung ang mag tuturo sayo ay qualified at kayang inahandle ang isang klase.
KRISTA MAE
Apr 05, 2023 08:30 pm
Imposible na makapaghire ng ganon kadaming guro. Sana maging mausisa o praktikal sana sila sa pagpili ng mga guro na kanilang kukunin hindi lang basta guro dapat yung magaganpanan nila ng maayos para sa mga estudyante.
Mary Ann
Apr 11, 2023 11:18 am
Malaking pera ang kailangan para sa pag hire ng 30k na guro taon taon. At baka mawalan na ng budget ang Pinas pag may dumating na sakuna.
Page 1 of 17.6