Kulang sa konteksto ang isang post na nagpapahiwatig na mayroon umanong sugar crisis dahil nagseserve ang KFC ng unsweetened iced tea.
2021 pa ay nagseserve na ang KFC ng iced tea na nakahiwalay ang sweetener o syrup.
Walang kinalaman ang unsweetened iced tea na ito sa kasalukuyang sugar shortage na tinukoy ng Malacañang bilang “artificial” lamang.
(2-min. read) - Walang kinalaman ang kasalukuyang sugar shortage ng Pilipinas sa pag-seserve ng fast-food chain na KFC ng unsweetened iced tea, taliwas sa post ng Rappler columnist na si JC Punongbayan. Kulang sa konteksto ang post ni Punongbayan sapagkat 2021 pa nagseserve ang KFC ng unsweetened na bersyon ng kanilang iced tea.
Unsweetened iced tea
Naging viral ang post ni Punongbayan kung saan ipinapahiwatig nito na pruweba umano ng krisis sa asukal sa bansa ang unsweetened iced tea ng KFC. Kung babasahin ang mga nakaraang tweet ng naturang food chain, 2021 pa ito nagseserve ng nasabing inumin. Dagdag pa KFC, inoffer nila ang hiwalay na packet ng syrup para ma-konsumo lamang ng mga customer ang kanilang desired sugar level.
Binatikos naman ang post na ito ng netizens, social media influencers at vloggers na dumedepensa sa administrasyon ni President Bongbong Marcos. Matatandaang nadawit si Marcos sa isyu hinggil sa pag-lagda umano nito sa pag-angkat ng 300,000 toneladang asukal. Basahin ang aming Pak Check hinggil dito.
Krisis sa asukal
Iginigiit ng netizens na wala umanong nagaganap na krisis at sugar shortage sa bansa, o di kaya ay minamaliit ang problema sa kakulangan ng asukal, taliwas sa mga pahayag at aksyon mula sa Malacañang. Bagamat walang kinalaman ang iced tea ng KFC sa sugar crisis, ang kilalang soda producer na Coca-Cola naman ay nagpatigil ng produksyon sa kanilang mga lokal na planta nitong Agosto dahil umano sa kakulangan sa supply ng refined sugar sa bansa.
Ayon sa palasyo, bagamat makatotohanan na mayroong sugar shortage, ito ay ‘artificial’ lamang sapagkat nag-iimbak ng supply ng asukal ang sugar traders para mapataas ang presyo nito sa merkado. Nitong Agosto, sunod-sunod ang mga government inspection at raid sa mga warehouse ng mga iligal na nag-aangkat o nag-iimbak ng asukal. Samantala, mula sa pagpigil ng importation ng sugar, muling pinayagan ni Marcos, na siya ring Secretary ng Department of Agriculture, ang pag-aangkat ng asukal noong Agosto.
Sugar shortage, artificial nga ba?
Pinabulaanan naman ng isang opisyal ng Philippine Sugar Millers Association, Inc. (PSMA) ang pahayag ng Palasyo. Ayon dito, hindi umano artificial ang sugar shortage sa bansa, bagkus kinonsulta pa ang stakeholders ng sugar millers group sa paglikha ng Sugar Order No. 4, o ang planong pag-angkat ng asukal na in-authorize ng Sugar Regulatory Administration ngunit pinatigil ni Marcos.
Nabanggit din sa isang report na nagkaroon ng kakulangan sa ani ng asukal noong harvest season, kaya’t di nakamit ang kasalukuyang demand para sa asukal. Hindi umano naabot ang production target matapos ang ilang problema sa panahon at mataas na presyo ng fertilizers.
Sa kabila nito, pinayagan ni Marcos ang pag-angkat ng 150,000 toneladang asukal nitong Setyembre matapos nito baliktarin ang desisyon sa importation ng 300,000 toneladang asukal ayon sa Sugar Order No. 4 noong Agosto.
SOURCES:
[1] https://twitter.com/kfcphilippines/status/1399012973457326086
[3] https://asia.nikkei.com/Economy/Philippine-sugar-crisis-tests-Marcos-pro-farms-push
[4] https://www.pna.gov.ph/articles/1181923
[9] https://www.sra.gov.ph/about-us/mandate/
[10] https://www.reuters.com/article/philippines-sugar-imports-idUSKBN2O3021
[11] https://businessmirror.com.ph/2022/09/08/sugar-salt-shortage-worsens-phls-food-supply-problems/
[12] https://newsinfo.inquirer.net/1663928/fwd-marcos-oks-importation-of-150000-metric-tons-of-sugar
[14] https://ph.news.yahoo.com/coca-cola-philippines-stops-production-due-sugar-shortage-031053438.html
Aaron
Mar 25, 2023 06:41 am
fact ito dahil umabot pa ng 110-100 pesos na dati ay 45pesos lang ang kilo
Anna Patricia
Mar 25, 2023 07:23 pm
Sa true ang dating 50 pesos na kilo ng asukal ay umaabot na ng 100 pesos kalimitan na uubos pa ang stock sa mga pamilihan
KRISTA MAE
Mar 27, 2023 08:50 am
For the true
Presley Joy
Apr 06, 2023 02:30 pm
Oo may sugar shortage pero hindi ganon kalaki, hindi totoo na kaya unsweetened ang sineserve ng KFC ay dahil may sugar shortage. Sa pag kakaalam ko kaya ganon sila mag serve ay dahil may mga tao na ayaw ng subrang tamis or matamis na inumin so choice ng consumer if gaanong sugar level ang gusto nila. If ok na sa kanila yung hindi matamis no need na for syrup pero if gusto naman nila ng matamis they can ask naman for extra syrup.
Shejane
Jun 02, 2023 06:42 pm
tama, dahil dati afford pa ng mga tao ngayon ang laki ng itinaas 50 to 100
Page 1 of 9.4