
Sa ilalim ng House Bill 6398 o ang Maharlika Wealth Fund Act, huhugutan ng P125-Bilyon ang GSIS at P50-Bilyon naman mula sa SSS.
Wala pang isinapublikong financial report mula sa gobyerno kung paano maaapektuhan ng MWF ang mga benepisyo ng pensioners ng GSIS at SSS.
Ipinahayag ng isang mambabatas ngayong Disyembre 7 na tatanggalin ang GSIS at SSS mula sa mga ahensyang magpopondo sa MWF.
(2-min. read) - Kulang sa konteksto ang ilang posts sa social media na nagsasabing kukuhanin para sa pagpondo ng Maharlika Wealth Fund ang pera para sa pensioners at beneficiaries ng mga ahensyang Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS). Bagamat nakasulat sa bill kung saan isinusulong ito na mangangalap ng pondo ang MWF mula sa GSIS, SSS, at mga bangko ng gobyerno, wala pa itong detalye kung paano pupunan ng mga ahensya ang ilalaan na pera para sa MWF
Ano ang Maharlika Wealth Fund?
Ang isinusulong na Maharlika Wealth Fund (MWF) ay ikinakategorisa bilang Sovereign Wealth Fund (SWF), isang long-term investment fund na pagmamay-ari o sponsored ng gobyerno. Karaniwang kinakalap ang pondo ng mga SWF mula sa bank reserves ng gobyerno ng isang bansa. Sa konteksto ng MWF sa Pilipinas, kung maisasabatas ito ay maipapasailalim ang MWF sa kontrol ng bubuuing Maharlika Investments Corporation (MIC), isang Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC) na malilikha sa pamamagitan ng panukalang batas.
Paano popondohan ang MWF?
Ang House Bill 6398 o ang “Maharlika Investments Fund Act”, ay isinulat sa pangunguna ng mga kamag-anak ni President Ferdinand Marcos, Jr. na sina Leyte Representative at House Speaker Martin Romualdez at ang kaniyang anak na si Ilocos Rep. Sandro Marcos, at iba pang mambabatas sa konreso. Ang MWF ay mangangalap ng panimulang pondo mula sa ‘investible funds’ ng Government Financial Institutions (GFIs).
Mayroong apat na ‘founding GFIs’ na popondo sa MWF, at magkakaroon ng tinatayang P250-Bilyon bilang total na kontribusyon na kanilang paghahatian. Ang founding GFIs ay ang mga ahensyang GSIS, na magbibigay ng P125-Bilyon, at SSS, na maglalaan ng P50-Bilyon. Dalawang bangko rin ang magbibigay ng pondo sa MWF, kabilang ang Land Bank of the Philippines sa halagang P50-Bilyon, at Development Bank of the Philippines sa halagang P25-Bilyon.
Dagdag pa rito, magiinject ng P25-Bilyon ang National Government sa unang taon, at maaring maglaan rin ng dagdag na pondo sa mga darating na taon. Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay magbibigay naman kada taon ng 10% ng taunang remittances ng Overseas Filipino Workers (OFWs) at 10% ng kontribusyon ng Business Processing Outsourcing (BPO) sector. Ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) naman ay magbibigay ng 10% ng gaming proceeds nito para sa MWF kada taon. Dagdag pa rito, kukuha rin ang MWF ng budget mula sa General Appropriations Act o ang taunang budget ng gobyerno, at huhugot rin ito mula sa ibang miscellaneous sources.
Mababawasan ba ang benefits ng pensioners?
Wala pang impormasyon at detalye na isinasapubliko ang GSIS at SSS kung bahagi nga ba sa ilalaan nitong pondo para sa MWF ang budget para sa pensions at benefits ng mga miyembro nito. Bagamat pinabulaanan ni GSIS President at General Manager Jose Arnulfo Veloso ang mga pangambang gagamitin ang pensions ng GSIS beneficiaries para sa MWF, wala pa ring makapagsasabi kung tataas nga ba ang kontribusyon ng mga miyembro para sa investment fund. Sa madaling salita, walang batayan na magagamit ang pondo ng pensioners sapagkat walang makapagsasabi kung sa mga darating na panahon ay magbabago ang polisiya ng GFIs hinggil dito.
“Gusto ho namin makatulong mag-invest para lumago, makapagbigay sila ng mas maraming trabaho. More jobs is equal to more taxes, better economy,” ani Veloso.
SOURCES:
[1] https://www.sciencedirect.com/topics/economics-econometrics-and-finance/sovereign-wealth-fund
[2] https://www.manilatimes.net/2022/12/03/news/national/senators-to-scrutinize-maharlika-fund/1868781
[3] https://hrep-website.s3.ap-southeast-1.amazonaws.com/legisdocs/basic_19/HB06398.pdf
[4] https://mb.com.ph/2022/11/29/proposed-maharlika-wealth-fund-gets-support-of-key-gfis/
[5] https://www.pna.gov.ph/articles/1189894
[6] https://www.rappler.com/business/things-to-know-maharlika-wealth-fund/
[7] https://www.officialgazette.gov.ph/general-appropriations-act/
[9] https://www.cnnphilippines.com/news/2022/12/5/GSIS-MWF-to-use-investible-funds--not-members--pensions.html
Patrick
Mar 24, 2023 10:26 pm
pag binawasan kawawa nmn mga pensioners
Aaron
Mar 25, 2023 06:51 am
sana ay wag nang bawasan dahil pinag hirapan nila yan
KRISTA MAE
Mar 25, 2023 04:24 pm
Bago gumawa ng mga hakbang isipin muna kung may mapeperwisyo sila, katulad na lang neto pag binawasan nila maraming kawawa.
Zoren
Mar 30, 2023 04:40 pm
Think first about the people who will be affected by the action that will be taken, this proposal is not just a matter of course, many people will suffer.
Mary Ann
Apr 03, 2023 04:40 pm
Maraming maappektuhan nito, sana bago ang lahat tiyakin na maganda ang epekto sa iba.
Page 1 of 11